TATAY BONI
Kwentong kababalaghan ng Mama ko patungkol sa Tatay/Papa nila nuong nabubuhay pa.MAMA'S POV
Simula noong bata pa ako likas na kilala si Tatay Boni bilang Mangagamot sa aming lugar. Marami na siyang nagagamot at marami ang dumadayo galing pa sa malalayong lugar para magpagamot sa kanya. Habang si Nanay naman ay nagluluto ng lugaw para sa mga bumibisita. Si Nanay ay kilala rin sa kanynag pagka maldita. Minsan ay nagagalit siya Kay Tatay Boni dahil sa daming dumadagsa upang magpa gamot ay siya rin ay napagod kaka luto ng lugaw. Minsan ay sinusumbatan niya si Tatay Boni dahil kahit sa dami ang nagpapagamot ay di parin sila umuunlad. Si Tatay Boni ay hindi tumatanggap ng pera kayat umaasa lang sila sa mga alay Ng mga nagpapagamot sa kanya. Dahil narin sa putak ng putak ang Nanay ay inihinto ni Tatay Boni ang panggagamot. Simula 'non ay halos nagpupunta si Tatay Boni sa bukid at doon na natutulog. Ilang buwan ang nakalipas, ay parang may napansin silang kakaiba Kay Tatay Boni. Nagsasalita na daw ito mag-isa, minsa'y kumakain ng panis na kanin, at umiihi sa sariling shorts. Nabahala kaming lahat sa kinikilos ni Tatay Boni at baka ay nabaliw na. Pero kung kakausapin nila ay matino din naman daw kausap. Akala nila ay dahil sa may edad ito kaya siya nagkaganyan. Dahil matanda na si Tatay Boni ay gumagamit ito nang tungkod upang makapaglakad ng maayos, ngunit isang araw nagulat kaming lahat nang makita namin si Tatay na nakakalakad na ito na parang walay iniindang sakit, at ang bilis maglakad. Nasiyahan nalang din kami dahil Akala namin ay bumalik ang lakas ni Tatay dahil halos araw-araw nilalakad papuntang bukid. Ang pinagtataka namin ay may mga araw na nakakalakad siya ng maayos at may mga araw rin na ginagamit niya ang kanyang tungkod. Marami din ang nakakapagsabi saamin na hinahalikan ni Tatay Boni ang ang puno ng niyog na nadadaanan niya. Tinanong ni Nanay si Tatay Boni kung bakit niya hinalikan ang mga puno Ng niyog at kung nababaliw na raw ba ito. Tinawanan lang siya ni Tatay Boni at seryosong sinagot ni Tatay na ang sabi ay marami siyang naging nobya na di tao at di nakikita ng karaniwang tao. At Ang mga puno ng niyog na hinahalikan niya ay ang kanilang mga tahanan. Ikwinento ni Tatay Boni na maraming beses na siyang inaanyayahang sumama sa kanilang Kaharian ngunit tumangi siya dahil kailangan pa siya ng pamilya niya. At hindi rin daw siya nababaliw ngunit may gumagamit sa kanyang katawan kayat minsan ay lumalakas siya.
Angel📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.