Papa

14 1 0
                                    

PAPA

Hello guys,gusto ko lang ishare sainyo ung mga nangyare bago mawala ang papa ko. I miss you pa, sobra sobra.

Nararamdaman ba ng tao na malapit na syang mawala? Sobrang lakas pa ng papa ko nun. Oo, may sakit na sya type2 diabetes pero sguro mga 6months palang syang nadiagnose. Di pa malala talaga. Naghahanap kami ng malilipatang bahay may nakapagturo samin pero sinabi na nya na may namatay na dun na babae dirin nagtagal namatay din ung asawa nung babae kaya nabakante ung bahay. Nung una ayaw talaga namin tumira dun dahil matatakutin kmi pero pagkakita palang ng papa ko ng bahay na un nagustuhan na nya at lumipat na kmi agad. Mga 2months lumipad nako pamiddle east. Ang natira nalng sa bahay mama ko,papa ko,anak ko,at bunsong kapatid ko. Ung gabi bago mmatay ang papa ko narinig daw nya na sumigaw ang papa ko na "Diyos ko kung kukunin mo ako kunin mo nako wag mo ng pahirapan ang mga anak ko" 3x daw snabi un. Tapos dumating ung mga kapatid ko biniro padaw nila si papa kasi ung picture ng namatay kong lolo lagi nasa tabi nya. Sabi daw ng mga kapatid ko, "pa lagi mo katabi si tatay ah".. ang sagot daw ni papa " sympre magbestfriend kami nyan lagi kami mgkatabi".. pagdating ng madaling araw nakita daw ni mama si papa na nakaupo lang sa labas dahil di daw sya makatulog. Tapos humiga na sa higaan, pag higa ni papa nanghingi daw ng tubig after uminom humiga sya tapos nanging nadaw ang katawan tapos madaming pawis ang lumabas.. dahil apat lang sila sa bahay walang mahingian ng tulong mama ko kaya tatawagan nya sana mga kapatid ko pero ang sabi ng papa ko " wag mo istorbohin mga bata, di mo ba alam bangkay na ako"  sabi naman ng mama ko,"wag kang ganyan wag moko takutin alam mo naman na magisa lang ako" ang sagot daw ni papa "hindi ka magisa, lagi tyong magkasama andto lang ako palagi" tapos pagdating ng mga kptid ko gising pdaw ang papa ko pero pagdating ng ospital namatay nadin agad sya..

Sobrang biglaan din lahat kaya hanggang ngayon napakasakit padin..
Bago pala mamatay ang papa ko kwento ng mama ko halos 2weeks syang di nakakatulog tapos init na init daw kapag nagelectric fan lamig na lamig naman daw. Ngayon magkatabi na ang picture ni papa at ni tatay kaya pala sinabi nya na magbestfriend sila laging magkatabi. nafefeel din pala ng tao na malapit na syang mawala.

PS: Lumipat nadin kami ng bahay 1week pagkalibing ni papa ksi feeling namin dahil din sa bahay kasi ilang beses na may namatay. At naalala ko nung nandyan pa kami may nagttinda ng ice cream bumili ako nagkwento sya sakin dun daw sila nakatira dati pero hndi sila nagtagal tapos tumahimik na sya..




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon