“LOLO, ‘DI NIYO PA PALA TINATANGGAL ANG ALARM? SIRA PO ATA…”
Simula nung nagkasakit yung lola ko, di na siya lumalabas sa kwarto, kaya ang ginawa ni lolo ay naglagay siya ng parang alarm, basta tutunog siya kapag pinindot tapos maririnig yung mismong alarm sa sala. Kapag tumunog yun it means may need si lola (like food).
Fast forward, after 1 year, nam*t*y si lola, sobrang hina na rin kasi ng katawan niya. Natapos na rin ang 40 days nun, napag-isipan ko mag-stay sa house nila para samahan si lolo, alam ko kasing nalulungkot siya.
Isang gabi, pagkatapos ko magluto, tatawagin ko na sana si lolo nang biglang tumunog ang alarm, para akong napak0 sa kinatatayuan ko nun kasi di ko alam gagawin ko. pinaprank ba ako ni lolo? Lumuwag ang paghinga ko nang biglang pumasok si lolo, nasa labas kasi siya at inaayos ang upuang tambayan namin sa labas ng bahay.
"Lo, di niyo pa rin po pala tinatanggal ang alarm? Sira po ata, tumutunog…" tumatawang sabi ko.
"Hindi yan sira, lola mo yan," sagot niya na nagpatindi sa goosebumps ko.
"Luh, wag mo naman po ako takutin, lo."
"Hindi pa rin niya alam na namaalam na siya…"Tumagal nang halos ilang linggo yun, at napagpasyahan na ni lolo na tanggalin ang alarm, dahil kahit madaling araw ay tumutunog to. Samahan pa ng "ga..." na tunog, ayun ang tawagan nina ni lolo’t lola. Weird bang naki-creepy-han ako? Hanggang ngayon, takot pa rin ako sa tunog ng alarm na yun.
Janie
20**
*Confidential📜University Secret Files
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.