LRT Abad Santos Station

21 1 0
                                    

LRT Abad Santos Station

Kapag may nagtatanong sakin if naniniwala ba ako sa multo. Isa lang ang lagi kong sagot YES. Bakit? Dahil naniniwala ako sa nakikita ko. Yes, I can see ghost. Kinder ako nung nagsimulang makakita ako ng multo. Madami akong di maintindihan, madaming tanong, takot, masasamang karanasan at panghuhusga sa mga taong nakapaligid sakin. Anyway kapag sinipag ako ipopost ko rito bawat karanasan ko. Sa ngayon gusto ko lang ishare yung naranasan ko sa LRT Abad Santos.

Umuwi ako ng Pilipinas para magbakasyon, isa sa mga kapatid ko nakatira malapit sa LRT Abad Santos Station. Dahil kada uuwi ako ng Pinas, food trip talaga ang trip ko kaya niyaya ko yung kapatid ko at dalawang pamangkin na pumuntang Binondo. Sumakay kami sa Abad Santos Station. Yung kapatid ko at dalawang pamangkin tumayo malapit sa pinto ng train. Ako mas pumasok pa sa loob para umupo. Sakto lang ang dami ng tao. Maluwag mga upuan kaya umupo ako patagilid at nakaharap kung saan nakapwesto mga kasama ko. Busy ako sa pagccp non ng may tumabi sakin. Basically medyo nakatalikod ako sakanya. Napatigil ako sa pagkakalikot ng cp ko dahil nag-iiba yung pakiramdam ko. Ang bigat.

Hindi na bago sakin ang pakiramdam na to. Sanay na ko. Pero ito yung aura na ayoko. Ito yung multo na ayokong maencounter. Sila kung tawagin ko evil spirits. Dahil alam ko marami silang pwedeng gawin sakin.

Nagyuko ako ng ulo para silipin sya. Napakadumi ng paa nya at walang sapin. Nakabistida din sya ng light yellow pero madumi at may itim itim parang sunog. Kinikilabutan na ko kasi alam kong alam nyang nararamdaman ko sya.

Nanigas akong bigla at nanlamig kasi nilapit nya yung mukha nya sa likuran ng tenga ko na parang may ibubulong. Napapikit ako ng mariin. Pakiramdam ko di ako makahinga. Napatingala ako ng tapikin ako ng pamankin ko. Sabi nya, “Tita, ayos ka lang namumutla ka dyan.” Bigla akong tumayo at hinila ko sya. Sabi ko sakanya wag muna syang magsalita. Alam na nya.

Di ko naman matago sa pamilya ko dahil super weird ako kapag may mga encounter ako.

Anyway tumabi ako sakanila at tumayo na lang. Patalikod kung nasaan yung multo. Pumikit ako at tahimik na nagdasal. Napabalikwas ako nung  maramdaman ko ulit yung sobrang panlalamig sa likuran ko. Napaharap ako sakanya at kitang kita ko yung halos sunog nyang mukha. Sunog pati kanang balikat at braso nya. Nakakuyom din yung mga kamay nya.

Sa takot ko mabilis akong umalis sa harap nya at lumipat ng pwesto. Nakakahiya kasi alam kong pinagtitinginan na ko ng mga tao sa kinikilos ko. Pati kapatid at mga pamangkin ko di alam paano ako tutulungan. Nakailang lipat pa ko dahil sa bawat paglipat ko nakasunod sya na parang may gustong ibulong pero di naman nagsasalita ang hitad. Para talaga kong tanga sa loob ng LRT. Alam ko ding nagbubulungan na yung mga tao.
Pero anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?

Sa dami kong experience, akala ko namaster ko na yung salitang dedma. Pero di ko magawa sakanya. Iba kasi sya, yung aura nya super bigat sa pakiramdam. Parang puno sya ng galit.

Sa pagbukas ng Train. Tumakbo na talaga ko sa labas. Kahit ilang beses akong tawagin ng kapatid at mga pamangkin ko di ako lumingon. Nakarating kami ng Binondo sa pagtakbo lang. Pawis, takot, galit, pagod. Pero sa huli walang tigil na tawa dahil yung kapatid at mga pamangkin ko di nila alam paano ako idedeny sa mga pasaherong kasabay namin na di nila ako kasama dahil para daw akong nagpapatentero sa loob ng LRT. Haha…

Sa totoo lang sanay na ang pamilya ko sakin. Pagagaanin nila yung sitwasyon para mawala yung bigat na naramdaman ko. Yung takot.

Pero sa lahat ng karanasan ko, di kita malilimutan burned lady sa LRT Abad Santos. Akala ko talaga sisirain mo bakasyon ko at susunod ka kahit saan ako pumunta. Until now sinasama kita sa dasal ko. Sana mahanap mo yung katahimikan mo.

Anyway matagal ako nawala sa Pinas. May history ba ng sunog or any accident sa LRT Abad Santos?



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon