"Aswang?"
Dahil full support kayo sa Tikbalang experience ko, eto na naman po one of my another creepy encounter.
Nung nabuntis ako with my daughter, I resigned sa work sa Manila and returned to Davao. I stayed here for good.
So since buntis ako at nag resign, my dad asked to live na lang muna sa bahay ng aking parents kasi nga wala akong kasama sa bahay namin sa umaga kasi may work si husband at minsan nagagabihan si husband like 7pm or 8pm na sya nakakauwi. Para naman maalagaan ako dun muna raw kami ni hubby sa parents ko.
Hanggang sa nanganak ako last 2019. It happened when my daughter 5 days old pa lang yung baby ko. Gabi yun around 7-7.30pm. Wala yung nakababata kong kapatid na lalaki kasi night shift. Wala si papa kasi may emergency pinuntahan sa work. Si husband naman nag text na pauwi na so hinintay ko sya.
Sa kwarto kasi ako nakatambay nun, yung kwarto ko naka situate sa gilid ng bahay, nang biglang may narinig akong kaluskos, it sounded like claws against the cemented wall. Naririnig ko yung tunog parang nasa labas lang ng wall ng kwarto ko pero deadma lang kasi medyo mataas naman fence namin so i thought baka pusang gala lng na nakapasok. Until yung kaluskos lumipat sa roof. Tapos maririnig mo yung tunog ng steps ng tao na parang naglalakad at the same time yung kaluskos nung nails against sa roof.
Pumatak agad sa isip ko na kung anuman yan, hindi yan good. So kinuha ko kagad anak ko sa crib, hawak hawak ko sa dibdib ko. Then kinuha ko rosary and bible dinikit ko sa baby ko. Gusto ko ng umiyak nun sa takot pero nanay na ako, bawal na pabebe 😅
Umupo ako sa pinaka corner ng kwarto na malayo sa wall connecting outside. Hug ko ang baby ko, rosary at bible. I started to pray to please have my husband return na kasi baka di ko kayanin mentally. Default prayer ko din Our Father agad. Ongoing pa rin ang kaluskos tapos naririnig ko na medyo may pagaspas na parang sa wings pero mahina, then may naririnig na ako na heavy breaths. Yung parang nahihirapang huminga. Yung tunog nya parang bulong. Hinga, kaluskos, pagaspas. Di tumigil. Nilalakasan ko na lang prayer ko para di ako mabaliw. Until tumigil yung ingay.
Narinig ko tunog ng gate na bumukas pero takot ako lumabas. Doon na ako gumalaw nung pumasok na husband ko sa room.
Kinwento ko sa kanya sabay iyak.
Kinabukasan, inakyat ng papa ko at kapatid kong lalaki yung roof na nasa bandang taas nung kwarto ko. Mainit that day so super dry yung roof namin, pero doon sa roof bandang room ko, nakita nila papa ay puddle ng slimy na liquid na malapot, mabaho at malansa. Parang laway.
After that day, they made sure na di na ako naiiwanang mag isa pag start ng mag takip silim, nagsasalitan sila sa pagbantay sa akin.
- good evening po! ^_^v
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.