UUWI NA AKO, HINAHANAP NA AKO NG NANAY KO

13 1 0
                                    

“UUWI NA AKO, HINAHANAP NA AKO NG NANAY KO”

Nangyari ito when I was elementary, hindi sa akin pero sa kuya ko, ahead siya sa akin ng 7 years. Natatandaan ko pa rin yung nangyari na parang kahapon lang. Bago kami makarating sa mismong bahay namin, meron ka munang madadaanan na tatlong bahay, manggahan at isang napaka laking paper tree. Yung paper tree ay nakapwesto malapit sa harapan ng bahay namin.

Yung kuya ko ay nakipaglaro sa labas around 5 PM, medyo madilim na rin noon. May nakakita sa kuya ko na pauwi na sa min. Mga bandang 6 PM, nag-aalala na yung nanay ko kasi ba’t di pa umuuwi yung kapatid ko. Pinuntahan niya yung lugar kung saan nakipaglaro si kuya ngunit may nakapagsabi nga na nakita nila na pauwi na si kuya, pero bakit wala naman sa min.

Nag-aalala na yung mga tao sa bahay kasi wala pa rin si kuya kahit gabi na, hanggang inabot sila ng 10 PM kahahanap sa kuya, pati baranggay ay tumulong na sa paghahanap sa kanya kung saan siya nakipaglaro which is open area naman dahil bukid yon. Hindi sumuko yung nanay ko. Yung may-ari ng bukid ay meron silang traktora at yun ang ginamit nila para hanapin sa bukid si kuya.

Habang hinahanap nila, sigaw nang sigaw yung nanay ko sa pangalan ng kapatid ko, at laking gulat nila dahil nang pabalik na sila ay bigla nilang nakita yung kapatid ko na nakahiga sa bukid which is dinaanan na nila yun nung papunta pa lang sila. Itinayo nila yung kapatid ko na tila kagigising lang, at ang kuwento niya ay ito.

“Ang naaalala ko lang, pauwi na ako non, pero pagtapat ko sa paper tree ay bigla akong nawalan ng malay. Pagkagising ko, ang dami kong nakitang pagkain na nakahain sa mahabang lamesa at maraming ilaw, pero naririnig ko si nanay na umiiyak at hinahanap ako, kaya sabi ko uuwi na ako, hinahanap na ako ng nanay ko.”

Grabe talaga yung takot at pag-aalala namin nung nangyari yun. Ngayon, wala na yung manggahan at paper tree na yun, tinayuan na rin ng bahay yung dating manggahan, maaliwalas na yung paligid, hindi na katulad ng dati. Pero habang tina-type ko to, lalo na sa part nung mga naalala ng kuya ko yung pangyayari, tumatayo ang mga balahibo ko.

Bunso
20**
*Confidential

📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon