TYANAK sa Bahay ni Lola.
Hello everyone! so heto may panibago akong kwento na matagal nang ikiniwento sa akin ng mama ko at na experience nya. lahat naman tayo hindi naniniwala hanggat hindi natin nakikita at nararanasan diba? kahit ako hindi naniniwala sa tyanak pero nung kiniwento ito sa akin ng mama ko at naranasan nya mismo. aba eh, naniwala na ako kasi takot na takot sya eh.
umpisahan na natin. July 29, 2000 nung namatay ang bunsong kapatid ng mama ko sa catbalogan samar dahil sa cancer. kaya, nagdesisyon noon si mama na umuwi ng probinsya sa bahay ng lola ko kasama nya umuwi ang ate ko na panganay sa magkakapatid.
marami ang nakipaglamay sa aunty ko kasi mabait syang tao at pala-kaibigan. masyado pa akong bata noong namatay ang aunty ko 7years old pa lang ako nun at yung sumunod sa akin ay 9yrs.old ate ko rin, walang anak ang aunty ko na yun kaya gusto nyang ampunin ang isa sa amin magkapatid bagamat bata pa kami noon at takot mawalay sa ina. hindi kami pumayag na sumama sa kanya pero mabait sya. bale, lima magkakapatid. tatlong babae at dalawang lalaki. yung panganay sa amin ay babae sya ang isinama ni mama sa samar para makipaglamay at tumulong sa mga gawain doon.
nung nandun na sila, ang ate ko ang naghuhugas ng mga kinainan ng mga bisita upang makatulong kila lola. may aso sila lola noon kulay itim at malaki, satwing natutulog na sila mama at ate ko laging nasa ilalim ng kubo yung aso doon sya madalas tumatambay. kubo na malaki pa noon ang tinutulugan nila mama noon doon. simula nung namatay ang aunty ko, laging umuungol yung aso na parang umiiyak na bata. kwento ng ate ko kapag naririnig nila iyon nangingilabot sila dahil nga ayun yung first time nilang marinig sa aso na parang umiiyak na bata na matinis.
nagdaan pa ang mga gabi, maghuhugas na ng mga plato ang ate ko. yung itsura kasi ng bahay ay sala tapos deretso kusina bukas pa kasi noon yung kusina hindi pa tapos gawin yung second floor kaya kapag nasa kusina ka andon rin yung banyo at poso na ginagamit para makapag hugas ng pinagkainan. kapag andon ka sa kusina kitang kita mo ang bilog na buwan lalo na sa gabi at ang mga bituing nagniningning. ang pader nya ay semento pero hindi pa tapos may mga bakal pa na nakausli.
nung maghuhugas na ng plato yung ate ko ang tanging ilaw lang nya noon ay ang liwanag lang ng buwan. nung nagbobomba na sya ng tubig sa poso may na aninag syang anino na parang nakaupo sa bandang likod nya sa may pader. pag lingon nya, tinitigan nyang maigi kasi napakadilim noon nakita nya pula yung mata nakangisi naglilisik ang mata at napaka itim nito mabalahibo sya at nakaupo na parang buddha. nung nakita nya yon naramdaman nyang nagtayuan lahat ng balahibo nya sa katawan at ramdam nyang nagtayuan buhok nya sa sobrang takot. hindi nya maalis ang tingin dito at ayaw nyang tumalikod kasi iniisip nyang baka tumalon sa kanya ito. minadali nyang matapos makapaghugas ng pinagkainan.
pagpasok ng ate ko sa bahay ni lola dala ang mga plato na hinugasan. nakita sya ni mama na pawisan at hindi mapakali. nagtanong si mama kung bakit pero hindi sinabi iyon ng ate ko kay mama ko kasi ayaw nyang magalit mga kapatid nya sa kanya at lola ko dahil baka isipin nila nanakot lang ate ko dahil nga may patay na naka burol sa bahay ni lola.
Natulog ng maaga ate ko, kinabukasan napapansin ni mama na maaga naghuhugas ng pinagkainan ang ate ko at kung minsan ay dinadala ni ate sa loob ng bahay yung mga hugasin at pilit na hugasan ang mga plato sa maliit na lababo pinagkakasya nya doon kahit tambak na.
nung isang gabi, nangailangan si mama ng tubig para sa banyo kaya pumunta sya sa may poso nang biglang napatingin sya sa may mataas na pader at hugis taong maliit na nakaupo doon sa itaas naiyon. tinitigan ito ni mama at laking gulat nya nang makita nya na maliit na bata nakatingin sa kanya na nakangisi at pula ang mata na mabalahibo. grabe raw ang hilakbot na takot na naramdaman ni mama noon nung makita nya iyon nagmadali sya pumasok sa loob ng bahay na nanginginig sa takot.
tinanong nya ate ko kung bakit sa loob ng bahay naghuhugas ng plato, ayaw sumagot ng ate ko kaya ang mama ko ang nagsabi sa kanya na kung may nakita ba syang kakaiba sa may poso. napatulala ate ko sa mama ko at napatungo ito. sabay sagot nang "oo ma meron ako nakita.." sinabi ng mama ko sa kanya na wag na lang muna sabihin sa mga aunty ko at lola ko upang walang matakot.
kinaumagahan binalikan ni mama yung poso at tinignan nya yung pwesto kung saan nya nakita yung tyanak na nakita nya ngunit. napakalinis at pantay raw ang pader at walang nakaupo doon na kahit ano.
hindi nila ito sinabi sa mga aunty at lola ko, nung nailibing na ang aunty kong isa umuwi na ng manila ang mama at ate ko at dito na nila ikiniwento ang naranasan nila doon.
isang linggo pagkatapos nailibing ang aunty ko, sabay sabay nagkasakit ang mga kamag anak namin doon. pinsan, aunty at uncle ko. yung iba sa kanila naoperahan sa tyan dahil raw sa maduming tubig na nanggagaling sa poso. nagpa doctor na sila. doon na rin nagkwento ang mama ko sa aunty ko tungkol sa nakita nila sa bahay ni lola at agad namang pina bless ng aunty ko ang bahay sa pari. lumapit rin sila sa albularyo at manggagamot, ang sabi ng mga ito. may masamang elemento raw ang matagal nang nanirahan sa likod ng bahay ng lola ko at dati raw iyong paanakan at doon inililibing ang mga bata na namamatay at pinalalaglag sa likod ng bahay na iyon. May masamang elemento raw na nagdura sa tubig ng poso nila lola kaya sila nagkasakit.
dahil dito, pina renovate nila ang bahay at pinaganda pagkatapos maipa-bless sa pari. natapos na rin gawin ang second floor kaya naman sarado na ang likod nito ngunit andun parin ang poso na ginagamit nila.
wala naman ng kababalaghan ang nangyari at napaalis na rin ang masamang elemento o tyanak na nakita sa bahay ni lola.totoo pala talaga ang mga ganito lalo na sa mga probinsya.
Maraming salamat po sa mga nagtyagang magbasa ng kwento nila mama at ate ko. 🙂
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.