Pabahay

16 0 0
                                    

PABAHAY
Hello sa inyong lahat, I am a silent reader here and I am hoping na ma-post itong story ko. Thank you po agad! This is my first time na magkwento so bear with me po. I'm Tantan(not my real name) pero this is my personal account po so please hide my identity.

Way back 2018 nang kami'y makalipat sa bagong tayong pabahay sa aming barangay. Dati sinasabi ko na hindi ako titira rito kasi ayokong iwan ang friends ko pero mapaglaro si tadhana at dinala niya kami rito. Hindi naman ito kalayuan sa dati naming tirahan pero nandito kami sa kaloob-looban, dulo na. Noon pa man ay usap-usapan na ang mga pagpapakita at pagpaparamdam dito sa bagong gawang pabahay na ito. Maging si mama ay may mga nakita at naramdaman na rin. Yun naman ang susunod kong i-share kapag na-post itong story na 'to. Fast forward, 14 years old ako that time at nilalagnat ako. Lumabas si Mama at ang kapatid ko para bumili ng ulam ang sabi ko'y bilihan ako ng ice cream gaya ng nakasanayan namin kapag bibili kami ng ulam. Wala pa kaming kuryente noon, di pa naaasikaso ng Meralco pero lumipat na kami, tanging gasera lamang ang nagsisilbi naming ilaw tuwing gabi. Uminom ako ng tubig pagkatapos ay ipinatong ko sa lamesa ang baso. Humiga ako at di ko namalayang nakatulog na pala ako, nung una ay nagising ako kasi bumagsak yung basong iniwan ko doon mismo sa gitna ng lamesa, tandang-tanda ko kung saan ko iniwan iyon kaya ganon na lamang ang pagtataka ko nung ito'y bumagsak at nabasag, wala rin naman akong nakitang pusa sa paligid. Ang mas nakakagulat pa ay basag na basag yung baso na parang sinadyang ibagsak nang may pwersa, nagkalat sa sahig ang maliliit na piraso ng basag na baso. Nilinis ko iyon at nagpasyang humiga ulit, nakatulog ulit ako at this time nagising naman ako kasi narinig ko ang boses ng kapatid ko, magiliw siyang kumakanta kaya naman akala ko'y nandito na sila. Tumayo ako dahan-dahan dahil masakit ang ulo ko nung mga oras na yon, nagulat ako kasi pagtingin ko wala pa sila mama, nilibot ko yung bahay pero wala akong nakita. Di ko na lang sinabi sa kanila yung naranasan ko kasi matatakutin yung kapatid ko. Hanggang dito na lamang po.

Marami pa akong mas nakakatakot na karanasan dito sa bahay namin pero sa susunod ko na siya ikukwento sa inyo.

–TantanMissNaSiya



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon