Pulang Pinto

13 1 0
                                    

PULANG PINTO

hello THS fam! 👋🏻  1st time ko magpost here but I've been a silent reader for a long time. This is not too scary kagaya nung ibang kwento dito ibang levels. Ayaw ko rin maachive yun. 😂 Anyways, here it goes.

Nagtravel kami ng jowa ko this June, ang itinerary namin is Iloilo-Antique-Aklan. Unlike our previous travels hindi namin masyadong napaghandaan tong travel na to so pagdating namin ng Iloilo naligaw kami early in the morning finding our way to Igbaras.
Dahil naligaw kami ng morning, nasira yung itinerary namin, ginabi kami ng balik sa city, at hindi na nakabyahe papuntang Carles (dun dapat kami matutulog kasi Isla Gigantes kami ppunta the following day).
We decided na maghotel nalang malapit sa terminal papuntang Carles to catch the 1st trip ng 4am. Nagbook kami online and 1 hotel lang yung nakita namin na mura at malapit sa terminal ng Jaro, di ko alam kung may iba pa pero naulan nun at pagod na kami kaya yun na yung binook namin. Mukhang okay naman sa pictures yung room saka spacious.
After namin magcheck-in umakyat na kami sa 4th flr (room namin). Parang sa horror movie yung hallway mga bhe 🫣 madilim yung hall way tapos yung ilaw sa may fire exit lang. Hahahaha.
Basta pumasok na kami agad, DOUBLE LOCK THE DOOR (may baon kami lagi pang double lock). Yung door ng hotel nagaauto lock siya basta sinara, the only way to open it is susi sa labas or from the inside. We unpacked and showered, while we are busy sa pag prepare matulog biglang may nagtry na iopen yung door! Tumunog yung double lock namin as if unlocked na yung pinto tas bbuksan nalang ganun. We are sooo sure na locked yun. Walang kumatok, walang nagsalita na room service, walang tumunog parang sinususian yung doorknob, walang unlocking na nangyare basta parang bukas agad na tinulak pero hindi naopen dahil sa double lock. Syempre unang iisipin namin tao yun we are so alert kaso walang hole na silipan yung pinto to see sino nasa labas unlike other hotels. Nakiramdam kami for a while pero hindi na naulit.
Natulog kami ng bukas lahat ng ilaw pati TV, mababaw tulog ko, di ko alam what time pero napadilat ako, nakapatay na lahat. Nakita ko lang yung red na ilaw ng TV na nakaplug pero patay. Inisip ko nalang na baka pinatay na ng jowa ko pero nung nagalarm na yung phone ko ng 3am, paggising ko bukas na ulit lahat ng ilaw except sa TV. 😅 di ko alam kung nagbrown out ba pero bukas kasi yung ilaw ng tv eh. So ayun pack up na kami to leave kasi 4am yung hinahabol namin na byahe.
Habang nagpprepare jowa ko biglang nagtanong "ano yun? parang may nagpupukpok" Tumigil kami parehas sa ginagawa namin para makinig pero wala akong marinig na pukpok tahimik buong paligid kahit tunog ng sasakyan wala (roadside yung hotel). Sabi ko sa kanya "parang wala naman". Tapos maya maya sabi niya "ayun oh, parang may pumapalakpak" WALA TALAGA KO NARIRINIG mga sessss! 🤧🤧🤧 Sinabi ko nalang na "ahh oo" para di kami matakot. 😭
Nung lumabas na kami ng room para magcheck out, walang tao sa labas. Tahimik lang. Yung ilaw sa fire exit saka hagdan lang pero ng 3rd flr. Yung sa mismong flr namin walang ilaw shuta. Hahahaha. Tapos pagbaba namin walang frontdesk 🤦🏻‍♀️ sarado ng bakal na slide down yung office ng front desk edi hindi kami makacheck out. Forda katok pero waleyyy. So ayun we decided na isa samin aakyat pabalik to leave the key in the room. 🫠 Bayad na online yung room namin so keri lang.
Nagvolunteer na ko kasi iniisip ko pag ako naiwan sa luggage namin kung may mangagaw nun mas wala akong magagawa. Hahahaha. So ayun akyat ulit ako sa room, iniwan ko yung susi sa loob tapos pag labas ko may naririnig akong naguusap sa taas na dalawang babae. I didn't bother alamin kung tao o hindi basta tumakbo na ko pababa. 😂

That's it. Thankful kami na ganun lang. 🙏🏻
Why pulang pinto? Kasi yun yung name ng hotel pero hindi literal ha. Hehe. Maraming pulang pinto hahaha natapat lang kami sa scary. Huhu. May isa pa kaming hotel na napuntahan medj scary din pero sa palawan naman. Maybe kwento ko next time hehe thank you for reading!

-XM



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon