Pangitain

25 0 0
                                    

Pangitain
(trigger warning: mu/rd/er, un/aliving)

Mga ten years ago nung una kong napansin na parang dumadalas yung mga pangitain ko. Yun bang may mga pangyayari na nakikita/naririnig ko sa isip ko bago pa ito mangyari talaga. Minsan, ilang minuto lang ang pagitan ng pangitain at ng actual na ganap. O kaya, inaabot ng araw, buwan, o taon. May times na random lang yung pangitain at hindi naman kabigatan. Madalas man sa hindi, out of nowhere yung pagsulpot ng mga pangitain. As in preoccupied ako sa ibang bagay tapos bigla akong may makikita/maririnig.

Isang exception yung pangitain ko noong Christmas Day, 2020. Kalagitnaan ng misa para sa Pasko, almost 9AM na siguro. Kumakanta kami sa choir. At one point napatingin ako sa may kisame ng simbahan. Biglang nag-register sa isip ko yung image ng taong nakab¡gt¡. Nakaka-distract pero binaling ko sa pagkanta ulit ang isip ko.

Kinahapunan, nakaidlip ako. Kagigising ko lang at nagii-scroll sa Facebook, nung may nadaanan akong kakalabas lang na balita. May isang tatay na pin@slang yung dalawang anak nya. B¡n¡gt¡ nya sila. Siya rin sinubukang magb¡gt¡. Pero pumalpak saka siya sumuko sa mga pulis. Yung nanay, nauna nang nagpak@m@t@y nung bisperas.

Natigilan na lang ako dahil sa nabasang balita. Wala akong ibang nagawa kundi umiyak.

Note: Ginawan ko ito noon ng private TikTok video. For outlet of sorts. Wala kasi akong mapagkwentuhan lalo na Paskong-Pasko, tho may mga nakakaalam naman tungkol sa mga naunang pangitain ko. Screenshots nung video ang naka-attach dito sa post, pwera sa huli. Caption naman yun nung pinost ko na yung video sa wall ko nung 2021.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon