Nanirahan sa Bahay

20 1 0
                                    

SKL creepy experience namin ng college friends ko sa bahay ng family ng jowa ni friend 1 sa province nung inaya kami mag-bakasyon. Sa Mindoro ito.

Friend 1 - Sisa
Friend 2 - Mabel
Jowa ni Friend 1 - Kim
Pinsan ni Friend 2 - Toni

Before kami gumraduate ng college, nagkayayaan sa province ni Kim kasi may malaking bahay and business sila doon na hardware and beach resorts. Yung bahay nila nasa taas ng hardware nila nasa 3 floors ata or 4. Mayaman sila legit. Hiwalay parents ni Kim kaya yung bahay na yun sa province may mga gamit naman pero walang tumitira kasi sa Manila sila ng kapatid and mama niya.

Unforgettable experience na lang talaga yung naaalala ko sa 2nd night ata namin doon, nag-inuman kaming lima sa may 3rd floor ng bahay which is yung room ng parents ni Kim dati.

Malaki yung room tapos may bed pa pero sa floor kami nag-inuman. May terrace na sliding door ang dadaanan and may malaking cr. Bago pumasok sa cr merong full body mirror na naka-attach sa pader sa left side ng pinto ng cr. Nakakatakot tumingin dun sa mirror kasi ang laki laki tapos nagrereflect yung bintana. Basta may creepy feels talaga.

Nalalasing na kami ng very light. Tapos siyempre cr kami ng cr. Tapos yung iba samin nagssmoke sa terrace so sinasara yung sliding door para di umamoy sa loob ng room yung yosi.

Malapit na namin maubos yung isang bote tapos nagssmoke si Sisa, Mabel at Kim sa labas. Si Toni naman sumunod sa terrace di ko na maalala kung bakit pero di siya nagssmoke. Ako lang naiwan sa loob pero tanaw ko sila kasi clear yung sliding door.

Tuwing nag ccr ako nagmamadali ako kasi ang creepy talaga pati sa loob ng cr. 😅 Nung nag-cr ako, pagkalabas ko ng pinto ng cr, nalagpasan ko na din yung mirror, biglang nabasag yung salamin. Yung pagkabasag niya parang nalaglag sa pagkaka attach. Semento yung pader and mukha naman matibay pagkaka kabit nung mirror kasi naka ilang cr na kami and di naman namin kinakalampag yun para mawala sa pagkaka-attach.

Nung nabasag para akong binuhusan ng malamig na tubig, nangilabot ako tapos hindi ako nakareact agad. Pumunta ako sa puwesto ko tapos tinignan ko yung puwesto ng mirror mula sa puwesto ko para icheck kung may multo pero wala. Pero wala naman kasi akong 3rd eye so baka meron di ko lang kita? 😅 At the same time nagtinginan sila Sisa, Kim, Mabel and Toni from terrace. So pumasok agad sila tapos nanginginig ako at naiiyak pero di ako makaiyak. Gets na nila kaya di na nila ko tinanong kasi pati sila nakakaramdam ng creepiness sa bahay na yun tapos di na namin inubos iniinom namin at iniwan na din dun yung chips, etc. Nagmamadali kami umalis at bumaba ng hagdan halos mag-unahan kami. 2nd night pa lang namin yun pero pagkakatanda ko 4 days ata kami dun pero nun pa lang uwing uwi na ako sa Manila. Sobrang takot na takot ako na kahit mag ccr nagpapasama ako.

Hanggang ngayon palaisipan sa'kin yun. Baka kasi may di lang sinasabi samin si Kim. Chinese sila and baka kasi may mga nanirahan na spirits sa bahay na yun. Diba ganun daw yun kapag di tinitirahan ng matagal? Akala namin magiging okay stay namin pero puno ng takot bawat kilos namin kasi may power outage din araw gabi sa lugar nila. Yung beach resorts nila ginagawa po kaya more on roadtrip, sightseeing at bonfire kami. Nag-Puerto Galera na lang kami ni Mabel at Toni nung 4th day kasi di na namin keri yung takot doon. Buti na lang napawi ng experience namin sa Puerto Galera yung mga nangyari doon sa bahay ni Kim. 😝




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon