Creepy Nephew
Di ako masyadong matatakutin at the same time di rin ako madaling maniwala sa mga kababalaghan pero mahilig ako sa mga creepy stories kaya nageenjoy akong magbasa dito. Siguro chinachallenge ko din ung sarili ko kung hanggang saan ang tapang ko. Pero meron din naman akong kinatatakutan, ang pinakaayaw ko na creepy story ay yung merong makitang tao na walang ulo, siguro kasi nga merong masamang mangyayari sa taong nakakitaan daw nito.
Di ko lang alam kung nakakatakot ang kwento ko pero natakot talaga ako ng bongga sa experience na to.. Nangyari to ng May 3, 2017 to be exact. Nagbakasyon kami ng mga kamag-anak ko sa Albay. So nung araw na pumasyal kame sa hometown ng papa ko sa Camalig, 2 sasakyan kame. Dun ako sumakay sa FX, kasama ko ung asawa ng pinsan ko at cya ang nagdadrive and the rest mga bata na, mga pamangkin namin. Una naming pinuntahan ung Quituinan Hill, merong tour na maghahahike kyo papunta sa cave. Basta ganun tpos syempre nung nakalabas na kami picture pa more since maganda yung view ng Mayon Volcano dun sa hill na yun. So ayun na kung san san na kameng tourist spots nagpunta ng maghapon na yun.. Along the way naglaro kame ng mga games sa sasakyan, 1 sa mga pamangkin ko, si Tim(di tunay na pangalan), nasa mga 13 y/o sya that time, tahimik lang di nagsasalita, tapos pumunta pa sa likod at natulog, masama daw pakiramdam nya. Wala ng tao sa likod, gitna at harap na lang ng fx ang may sakay mga naglipatan sa kabilang sasakyan. Ako naman sa isip ko parang naghahanap ng disgrasya yung bata kasi talagang ang bilis ng sasakyan baka kako tumilapon. Natulog lang sya dun sa likod maghapon.
FF, gabi na ng huminto kame sa Legazpi, picture2 sa signage na “Legazpi” at nagkainan ng snacks dun. Yung tita ko from the other sasakyan lumapit sa kin at binulungan ako " Lam mo ba nakuhaan ng picture si Tim na nakahiwalay yung ulo sa katawan doon sa Quituinan. Nasa baba ung ulo sa picture” paliwanag ng tita ko. Ako bilang paranoid sa kwentong ganun, na shocked na. Pagbalik namin kasama na namin si Tim pumwesto na din sa gitna ng fx, sa may bintana sya katabi nya kapatid nya at ako na. Tahimik na talaga ko pagbalik ng sasakyan, kung anong dinaldal ko bago ko pa malaman yung kwento syang tinahimik ko. Dahil ako ang bangka sa kwentuhan, tahimik na tuloy ang lahat.. Kung ano ano tuloy tumatakbo sa isip ko kase tong asawa ng pinsan ko ang bilis pang magdrive! Ang nakakaloka dun, sa katahimikan, itong si Tim bigla na lang nagsalita na kaming 2 ng kapatid nya ang nakarinig "Inaantay na ako sa langit".. Sabe tuloy ng kapatid nya ano pinagsasabe nya.(Walang nakakaalam sa loob ng FX kundi ako lang, na nakita sa picture si Tim na ganun). Tapos along the way ang weird ni Tim nagsasalitang mag-isa sabe nya pa twice habang nakatingin sa bintana. "Ang ganda ng nakaputi".. wala namang nakaputi at ang bilis ng sasakyan pra mapagkatitigan nya pa un. Kung alam nyo lang yung takot ko at gusto ko ng bumaba at lumipat ng sasakyan nun, kaya lang magtataka yung asawa ng pinsan ko dahil 2 lang kaming adult sa fx. Super dasal na lang ako sa sasakyan kase nga naman puro bata ang kasama namin.
Nung nakauwi na kame kinuwento ko sa tita ko yung pinagsasabe ni Tim. Pinakita sa ken ng pinsan ko yung picture na nakahiwalay yung ulo.. Gusto kong isipin na sa camera lang ng cellphone un pero malinaw ang background at buong buo ang kuha at hindi din malabo si Tim sa picture na baka naging cause ng distorted effect or glitch. Dapat katapat lang ng shoulder nya ung ulo kung naging ganun, kaso nasa baba cya medyo paanan.. Pinagtalukbong ng itim na damit ung pamangkin ko pagdating namin at di cya pinalabas ng ilang araw. Siguro nakatulong talaga ung pagpapatulukbong ng itim na damit kase sabi nga pagnakitaan ng ganun its either biglang nagkakasakit or naaksidente. Sana may copy ako ng picture para napost ko dito at nahusgahan nyo kaso binura na din kasi sya that night masama daw kasing ipagkalat pa.📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.