NAGKATAON NGA LANG BA O SUMPA NA

13 1 0
                                    

"NAG KATAON NGA LANG BA O SUMPA NA?"

Trigger warning S3xu@l Harassm3nt.

Grade 5 ako nang iuwi ako ng parents ko sa province namen somewhere in bohol. First 1-2 months ko doon naging maayos naman buhay ko doon since laking manila eh. Need ko mag adjust sa mga bagay bagay from city to province. May mga naging friends naman ako pero itong kapitbahay namin ay iba. Bukod sya mag kakapitbahay kaming mag kakamag anak eh sila lang ang bukod tanging kapitbahay namin na hindi namin kadugo or kamag anak. Ff close ang relatives ko at yung kapitbahay na tinutukoy ko habang tumatagal eh nagiging close na din kami since close sila ng mga pinsan ko. Pag natutulog doon pinsan ko inaaya nya ko na dun din matulog.

Ff. Una't pangalawang gabi ng pag tulog ko doon ay okay pa. Tulog manok ako madali magising kapag may naramdaman kakaiba sa katawan ko. Yung kapitbahay namin inaatay nya lang lumalim tulog ko para harasin ang katawan ko. Hinihip/an at kung ano ano pang kababuyan maiinisip mo. Gising na ang diwa ko pero hinayaan ko lang mag tulog tulogan ang katawan ko dahil bata pa ko nun at wala ding tutulong kapag sumigaw ako dahil bahay nila ang tinutulugan ko.

Ff. Umuwi ako ng manila after ilang buwan pamamalagi sa probinsya dahil sa nangyari.  Dahil ka muntik na nya ko mar/p3. Tumagal ang trauma saken hanggang sa mag dalaga ako lagi ako umiiyak at nag papanic attack everytime na maalala ko yun feel ko ang dumi dumi ko na. Sobrang galit ko ibinubulong ko lagi sa hangin na mag ka anak sana sya ng babae at bumalik sa anak nya ang ginawa nyang kababuyan saken.
Lumipas ang mga taon nag karoon na ko ng anak at ung harasser ko ay may pamilya na din. Di ko lubos akalain na mag kakaroon sya ng anak na babae. Di ko alam kung nag kataon lang o sumpa na ba.

-Oninymous



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon