WELCOMING COMMITTEE
Sa bahay po ng lolo at lola ko, alam namin lahat na may nagbabantay. Pero di naman sila nananakit, pero ayaw na ayaw nila ang maingay.
Halos puro babae kami sa pamilya, yung mga anak ng lolo at lola ko, pito pero isa lang ang lalake.
Teenager ako nung mag asawa yung una kong tita, so malinaw pa sa ala-ala ko na totoo ang nangyari - bale kakakasal lang nila at 1st week nila mag stay sa bahay. Naligo yung tito ko tapos nagtatanong sya sino yung kumakatok ng tatlong beses na malumanay lang. So kami bilang alam na namin, nagkakatinginan at ngitian na lang.
Bunsong tita ko, nag asawa at same, kakakasal, nagstay sa bahay, same banyo, sino daw ba yung kumakatok? Hahahaha
And ako, nag asawa, nagstay sa bahay na yun saglit, naligo asawa ko sa cr, same may kumatok tatlong beses malumanay.
Lahat sila pare-parehong naligo ng nakabukas ang gripo at malakas ang lagaslas ng tubig at maingay.
Kaya kaming nga 'locals' na kumbaga sa bahay na yun, pupunuin muna namin ang drum, tapos saka kami maliligo para iwas ingay sa lagaslas ng tubig kasi kakatukin ka talaga hahaha.
P.S. Nung ginagawa yung bahay, may nahukay na dalawang lapida. Nakalimutan ko na yung mga pangalan.
Maraming kababalaghan sa bahay na yun, post ako video sa susunod.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.