Not Travel Horror Story pero gusto ko lang po mag-share ng katatakutan. 👽
#BankHorrorStories
Hi po! Bago lang ako sa group na to pero marami po ako gusto i-share sa inyo. Since may nabasa po akong stories about sa mga creepy experiences nila sa bank, eto muna ang napili kong ikwento.
I was a bank employee before sa isang head office dito sa Makati. Medyo may kalumaan na yung building namin pero matibay at maganda pa rin.
Normal sa nature ng work ko yung mag-stay nang hatinggabi. Minsan inaabot ako ng 11 pm, at ako na ang pumapatay sa lahat ng ilaw at aircon sa buong 12th floor. Note: AKO NA LANG MAG-ISA SA BUONG FLOOR. Kung tatanungin ninyo ako kung bakit ako nagpapaiwan nang disoras ng gabi, medyo sanay na po kasi ako sa mga katatakutan. At saka may mga security guards po kami sa lobby na nagmomonitor sa mga CCTV kaya feeling safe pa rin.
Sa dami ng mga naexperience ko, eto po yung mga hindi ko makakalimutan:
1. Siguro mga 10 pm na to nangyari. As usual, ako mag-isa. Katatapos ko lang mag-ayos ng filings at naisipan kong hugasan yung tasa ko sa may pantry. Nung paliko na ako, klarong klaro na may narinig akong boses ng isang babae na nag-hymn sa kaliwang tenga ko. Shet nagsitayuan po lahat ng balahibo lalo na yung sa batok haha! So imbes na magpatalo sa takot, sinabi ko na lang na "Opo, pauwi na po."
2. Solo flight na naman ako. Nawala focus ko sa trabaho ko nang sunod-sunod nagsitunugan yung mga telephone sa area ng mga ka-office ko. Buti na lang di nag-ring yung phone sa table ko kasi di ko talaga yun sasagutin! 😂
3. Lahat ata ng office, may 'bata'. Sa floor namin meron kaming naririnig na yapak at takbo ng bata pag lagpas 8 pm na. Minsan may dribble po ng bola. Never naman sya nagpakita sa akin, pero sabi ng mga matatanda naming kasama dun, baka curious lang daw si 'Junjun' sa ginagawa namin kaya pagala-gala sya sa mga area namin.
4. Pagkasakay ko ng elevator from 12th floor, syempre pindot tayo sa GF button. Pero anak ng teteng, biglang huminto at nag-open sa 11th floor (canteen namin). Mga ante, eto literal na nanigas ako at natulala. Sobrang dilim ng 11th floor tapos parang may malamig na hangin na dumampi/sumalubong sa akin. Dahil di ako makagalaw, inantay ko na kusang magsara ang elevatr at nakapikit lang ako hanggang sa mareach ang GF. If ever kasi na may nakisakay sa elevator, baka makita ko sa reflection haha! 😂 Pagkarating ko sa lobby, takbo ako kay manong guard sabay sumbong. Tinawanan lang ako. 😅
5. Yung typewriter sa nakalock na office, tumutunog mag-isa. Minsan biglang nag-o-on printer namin kahit walang gumagalaw.
6. Yung vault namin nasa likurang part, which is malapit sa area namin. Lagi namang nakasara yun, pero iba talaga feeling pag napapadaan ka. Kwento ng iba kong kasamahan, talagang nagsosoundtrip sila dun sa loob pag nagaayos sila ng mga files. Ang reason? Nung one time na sobrang tahimik nila sa loob, may narinig silang babae na nag-hyhymn sa tabi nila. Possible na sya rin yung babaeng narinig ko.
7. May kakaibang entities sa fire exits namin. Yung isang fire exit, tapat lang sya ng area ko kaya minsan napapatingin ako dun. Ang bigat sa feeling, parang something demonic ang nafifeel ko dun. Kwento rin nung agency na nagwork sa amin, tuwing 6 pm nagiging portal ng iba't ibang entities yung fire exit malapit sa pantry namin. May 3rd eye kasi etong si ate. Kaya kapag 6 pm na, pinapauwi na namin sya para di na sya magkwento ng mga nakikita nya! 😂
Sorry po kung masyadong mahaba na haha! Next time naman yung iba. Sa mga nakakaalam sa bank na to, or sa mga naging kawork ko, kaway kaway! 💚🌴
Thank you for reading my story!
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.