"DILAW NA DIMENSION"
Hi admin sana ma post to. This experience is not mine, it's my Aunt's.
Lagi ko tinatanong sa tita ko lagi pag nagkikita Kami Kung totoo ba Yung kwento ni mama about dun sa kinuwento nya . Yung pag lagpas nila ng talahiban ay napunta sila sa ibang dimension. And yet, Kung ano kwento nya Kay mama dati around (1997) pa hanggang ngayon Yun at Yun pa din Yung kwento walang dagdag walang bawas.
So eto na nga. 1997 pa noong nangyare etong kakaibang experience nila tita. Maulan that time galing sila Ng mandaluyong pauwe Ng Laguna. 4 silang sakay Ng Toyota nilang sasakyan (Hindi ko alam anong model Pero Yung mga uso noon na 4 seater na parang taxi ganun) . Nasa driver's seat si Tito at si tita tapos dalawang anak nila nasa likod . Ages 2 and 3 yrs old.
Along the way naulan habang binabaybay nila Yung expressway madaling araw around 4am. Pag lagpas nila ng expressway mga nayon nayon na . First time na dadaan sila Doon. Kasi maulan naisip ni tito mag short cut para makauwe Ng Laguna Ng mabilis at mas maaga at makapag pahinga na pati mga bata. May biglang bumusina na ambulansya. Yung kotse nila at ambulansya Lang laman Ng kalsada. Sinundan na ni Tito Yung ambulansya Ng Di kalayuan lumiko Ng pakanan. Sa mga talahiban . Nagulat at nagtaka sila Kasi wala Naman hospital dun at lalong walang mga bahay bahay as in parang talahiban Lang at kalsada. Hinayaan na Lang nila hanggan sa makalagpas na sila Ng Sementeryo. Sabe nun pinsan ko na 3 yrs old that time na natatakot daw sya wag daw Hihinto. Yun din pakiramdam nila Tito at tita . Kaya sabe ni tita "wag Tayo Hihinto kahit anong mangyare drive Ka Lang Ng wag mabilis wag mabagal Yan, sakto Lang"
Hanggang sa dulo may nayon. Ma Nagulat sila wala Ng Ulan at tuyong tuyo Yung kalsada may isang babae na nakapang filipiniana na may dalang bilao na may bigas tas isang lalaki nakapang magsasaka Yung damit. Nagtanong sila sa dalawa " excuse me po Tatay, nay, saan po daan dito patagos ng Laguna?"
Tinitigan Lang sila nun dalawa na parang walang narinig. Tapos biglang tinaas Yung kanan nilang kamay Sabay TURO pakanan.Ang weird daw Kasi bukod sa ganun Yung suot nila Ng ganung oras mga Muka nila parang mga sinauna pa daw. Tapos lahat Ng paligid nila that time "madilaw" parang Polaroid na parang may hepa Yung lugar parang ganun (diko sure Pano I explain basta madilaw).
Sinundan nila Yung tinuro Ng dalawang taga Doon. Pag lagpas Ng dulo may arko. "Mabuhay" Lang nakalagay .
"Lahat madilaw para Kang nasa ibang dimension habang nadaan Kami may nakita kaming basketball court, mga nagcchess, mga nanay na nagcchismisan sa mga bakuran, may mga batang naglalaro sa gilid Ng kalsada lahat sila nakatingin samin. Parang tumigil sila lahat Kasi nandun Kami, Alam nyo Yung ganun pakiramdam? Ganun. Natakot na Kami sabe ko Kay (pangalan Ng asawa) na wag mo bubuksan bintana pati mga pinto kahit na anong mangyare. May mga bata Tayo kasama"Lahat daw as in Ng mga Tao Jan parang tumigil at nakatingin Lang sa kanila . Na parang ngayon Lang sila nakakita ng tao. Yung itsura nila parang mga lumang Tao, Katulad nun dalawang pinag tangungan nila na nasa kalsada.
Dahan dahan sila nagdrive lahat Ng mga Tao naglalapitan na sa kanila natatakot na daw sila tita noon time na Yun ang gusto Lang Naman nila makauwe Ng Laguna . Tinuloy pa din nila Yung pagmamaneho Ng mabagal. Hanggang sa may nakita na silang isa pang arko na may "maraming salamat sa pag Tuloy"
Nawala na Yung mga tao at mga bahay pati Yung ambiance na madilaw. Biglang nagtanong si tita Kay Tito "ano Yung nadaanan natin pa?" Sagot Naman si Tito "Hindi ko din Alam ma, Hindi ko alam" Yung dalawang pinsan ko sa likod nakatulog na sa takot. Binaybay na nila ulit Yung kalsada may nakita silang lalaking may hawak daw na manok panabong. Nagtanong sila "San po dito labas papuntang San Pablo?" Nagsalita Yung lalaki sabing "ah Diyan sa may kanto may pilahan Ng tricycle Jan. Direchohin nyo Lang may signage na Jan Kung San Pablo ba punta nyo "
Doon na nagtaka sila at napanatag Kasi sumagot Yung lalaki at Di na parang may hepa Yung kulay nya. Hanggang sa nakauwe na sila at nakapag pahinga . Pero Yung experience nila na Yun Di nila makalimutan. Kaya ngayon na nandito Kami kela tita pag tinatanong ko sya lagi nya sinasabe na "Di ko pa din alam ano o saan Kami napunta. Basta dilaw na dimension"
Ps. Kahit si tito tanungin ko same sila Ng kwento.
Pss. Buti na Lang ngayon may mga street lights na unlike noon ang ilaw Lang Meron ay ikaw Ng mga bahay. Stay safe.
Kinuha ko Pala tong pic the THE ROAD Kasi nag base ako sa ambiance na same sa kinukwento ni tita . Yun Lang po. Salamat📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.