Palipad Hangin

57 3 0
                                    

This is not Ghost Related, pero connected din sa paranormal.

Sino dito aware sa "Palipad Hangin"? Uri din ito ng kulam kung saan nadidiktahan ang inoorasyunan para lituhin, baliwin, or udyukan ng kumukulam. Sabi rin na kapag hindi nagawa ng biktima ang nais ipagawa ng nagpapalipag hangin, maaari itong makaranas ng labis ng paghihirap sa katawan o kalooban.  According sa reasearch ko. 😁

Backtrack lang tayo sa recent story ko that happened last Dec. 25. It's about yun friend ng kapatid ko na ininvite namen sa family gathering, tapos may nakita siya nakaupo sa couch, only to find out na ito pala yun kamamatay na Tito Abel ko.

So, back to my point. Si Tito Abel kasi namatay around 4-5 months ago lang. It was really sudden at the same time a painful death. Di namen talaga alam ang cause, at ang kwento ni Tita, namatay ito sa bahay, dahil pinauwe na ng doctor, dahil wala ito makitang lunas at may taning na ang buhay. Hindi din daw matukoy kung ano talaga ang pinaka cause of death.

Ayon kay tita, si Tito Abel daw ay biktima ng "palipad-hangin." Nagsimula daw ito nun makaaway ni Tito yun mga grupo ng construction workers na nasa barracks malapit sa bahay nila. Hindi ko talaga alam ang tunay ng dahilan ng pag-aaway, pero ayon sa kwento, nagpunta na lang daw si Tito dun sa barracks, may dalang baril at pinagsisigawan daw ang mga construction workers. Ang sabi daw ni tito (medyo may racial discrimination) "Magsi-alis kayong mga Bisaya dito! Pagbabarilin ko kayo, ang iingay niyo! Baka gusto niyong ubusin ko kayo. Mga Bisayang pulpol! (kwento ito nun naka saksi)

After a week, napansin na lang daw ni tita yun mga weird behavior ni tito.    
                                                                                                          
1. Nagsasalita mag-isa parang may kaaway.
2. Naglalakad ng tulala sa subdivision tapos pag tatanungin kung saan siya pupunta, hindi niya alam.
3. May kinakatakutan daw, pero hindi naman nila nakikita.
4. Kung ano-anong nakikita at binabanggit daw mga pangalan ng mga namatay na kamag-anak.
5. Biglang bumagsak ang katawan, sumasakit ang tiyan, at bigla na lang hirap magsalita, na parang paos.
In short, after a month na nakaratay si Tito Abel, bigla na lang daw ito nakapag salita ng tuwid at malakas, sumigaw ng ayan na, sinusundo na nila ako, sabay nalagutan ng hininga.

Ewan ko kung maniniwala ako sa palipad-hangin? Wala rin nagawa ang tita ko. Nakalimutan ko pala sabihin na bago namatay tito ko, naghahanap siya ng albularyo. Ewan ko kung nakapagpa-albularyo siya? Kasi daw may gusto ito itanong.

May narinig na ba kayong nakaranas nito?





📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon