Aircraft Stories

18 1 0
                                    

Aircraft story #1

Ang i-share ko ay di nangyari sa bahay, kung maniniwala kyo eto nangyari sa loob ng eroplano.. isa ako flight attendant at madalas pauwi ng Pilipinas may dala kami mga bangkay. Sila ay mga OFWs na namatay sa abroad malamang di sila ready kya naiiwan un spirit nila sa eroplano na huli silang naisakay...

Ang cargo area na kung saan usuall nilalagay ang bangkay sa hulihan ng eroplano sa may buntot o likod kya ang madalas ng kababaglahan ay nangyayari sa pinaka hulihan. Depende sa type ng aircraft pero normally either toilet, kusina or pahingahan ng crew( crew bunks) ang nasa likod.. madalas namin naririnig ang flush ng toilet tumutunog pero walang tao sa loob.. minsan din nangyayari na naka lock ang toilet at maririnig mo may nagflush akala mo may tao pero wala naman pala. Minsan ganito ang nangyari, akala ko may tao pero sa tagal ng walang lumabas kinatok ko ang pinto ksi mahaba na ang pila. Sure ako may sumagot na lalaki so antay ulit pero dahil nagagalit na ang ibang pasahero kinatok ko ulit... wala ng sumagot! Paulit ulit ako kumatok at unti-unti binuksan ang pinto... laging gulat ko na lng at walang tao sa loob!
Pati un pasahero na katabi ko nag aantay tinanong ko kung narinig nya un sumagot oo daw kya laking gulat namin na wala palang tao sa loob ng toilet!
Pag dating sa manila dun ko lng nalaman na may dala pala kmi namatay ksi nakita ko nilalabas un casket mula sa cargo compartment.

Aircraft story #2:

Ang kwento ko ulit ay nangyari sa loob ng eroplano. Un huling kwento ko sabi ko  bka kaya may mga nagpaparamdam sa eroplano ksi may bangkay na dala sa cargo but this time wala kaming dala pero may mga nangyari pa rin...
  Dahil isa akong  Senior Flight Attendant sa flight ko na un nasa harap ako nag work.. First class ang pasahero, konti lng sila mga 5 businessmen lng walang batang pasahero. After ng meal service, pinapatay na ang ilaw pra makatulog na ang mga pashero. Ang ilaw lng un pinto sa likuran ng area & sa harap sa may pinto ng cockpit. dim lights lahat kaya maaaninag mo lng kung may mga naglalakad..  mahaba ang flight namin mga 10hrs average, pag tulog ang pashero normally tumitingin lng kami sa area in case lng may emergency.. habang nagkwe-kwentuhan kmi ng kasama ko may pakiramdam kmi may tumatakbo ma parang bata.. di ganun kabigat ang paa. Pero pag titingin ako tahimik ang lugar walang naglalakad so balik na naman kmi sa upuan kwento ulit.. di mo maririnig ang foosteps pero ramdam mo sa floor lalo na pag mabigat ang hakbang or may tumatakbo.. ilan beses pa nangyari un kay inisip ko bka may bata sa economy class na naglalaro at tumatawid sa first class area kya pumunta na ako sa mga kasamahan ko nag work sa economy class at sinabihan sila wag hayaan may bata na pumunta sa area namin.. nagulat ako at sbi nila walang bata sa economy class. Walang bata na palakad lakad  at sure sila makikita if meron ksi dun sila naka upo sa divider ng economy & first class..
bumalik na ako sa harap ksi hanap daw ako ng Captain. Pumasok ako sa cockpit at pinagsabihan ako ng kapitan na bkit daw hinahayaan lng namin un bata na palakad-lakad sa cabin. Nagulat ako! Nag explain ako na wala naman bata kmi pasahero sa business class then bgla nyang tinuro un monitor sa harap nya sbi nya kanina pa daw nya nakikita sa screen na may batang palakad lakad at nakita ko na sa monitor nya pinapakita un buong area ng business class. Malinaw un may part na ilaw at dun  nya tinuturo na may batang lumabas. Pero that time wala na bata. Tumahimik na lng ako paglabas ko nakita ko un kasama ko kausap isang pashero. Di daw makatulog un pasahero ksi naramdaman nya may batang nagsasalita malapita sa pwesto peeo di mman nya nakita. Very distinct daw na boses batang lalaki nagsasalita!
Kinilabutan na kami ng ksama ko ksi ilan kami ang nakardam ng kakaiba.. may nakarinig ng boses, may nakakita sa bata, may nakaramdam ng yapak ng bata pero wala naman batang pasahero....

Aircraft story #3:

Ang share ko nangyari sa kaibigan ko sa loob ng eroplano.. tulad ng nabanggit ko sa una kong kwento, madalas may dala kmi bangkay sa flight pauwi ng Pilipinas.. sa likod na cargo hold nilalagay ang bangkay. 
Sa arcraft na 747-400, meron crew rest area sa likuran.. may pinto paakyat sa tulugan ng crew. Bawal ang pasahero sa itaas at di ka bsta makakapasok sa pinto ksi may lock un na mga crew lang nakakaalam. Walang pwede mag stay doon khit mga 
crew members at pag tapos na ang rest period ang kailangan ng bumaba..
Minsan after ng rest period namin lahat bago magsimula ang service,  naalala ng kaibigan ko na naiwan nya un flashlight nya sa crew rest area kya bumalik sya. Pag akyat nya may nakita syang batang babae, mga 8-9yrs old, hanggang balikat ang buhok, maputi & malungkot ang mukha. Naka squat sya paupo sa pinakadulo ng higaan. Nagulat un friend ko ksi bawal ang pasahero dun kya sinabihan nya un bata na bumaba na at bawal sya dun sa area. Magsisimula na rin magpakain sa mga pasahero kya dali dali na syang bumaba pero paglabas nya sinabihan nya un ksma namin na chek un bata sa crew bunk ulit.. sympre nagulat un ksma namin ksi wala nman silang nakitang umakyat except un kaibigan ko nakaiwan ng flashlight.
Pagdating ng manila, deplaning na ng mga pasahero may matandang babae lumapit sa friend ko nagtanong if pwede daw magpa-assist.. thinking na bka kailangan ng tulong sa mga bags nya or kaya bka need ng wheelchair kya ask ng friend ko anu pang assistance kailangan ng babae. Nagulat sya ng sinabi ng babae ksi kasma nya apo nya bka daw pwede i-assist. Akala ng kaibigan ko bka nagkahiwalay sila ng upuan at doon sa likuran nakaupo un apo nya. Tinanong nya kung anu ang seat number at laking gulat nya ng sinabi ng matandang babae na nasa cargo daw ang apo nya! Bangkay pala ng apo nya ang kasama nya... bglang kinilabutan un friend ko, lumaki ang ulo nya. Tinanong nya if babae ang apo, mga 8-9yrs old ba? At isa-isa nyang dinescribe un batang nakita nya crew rest area, pinakita nun babae un picture ng bata
.. naglambot sya ng nakita nya un itsura pati ang damit na suot exacto sa nakita nya.. un batang apo ay un batang nasa rest area. apparently namatay un bata dahil sa allergy at un suot nyang damit ay ang favorite nya.. bglaan daw ang pagakamatay kya cguro di pa natanggap ng kaluluwa ang nangyari...

Aircraft story #4: reg K34

Sa mga nauna kong kwento, may nai-share na ako na minsan naiiwan siguro un kaluluwa ng mga bangkay na dinadala namin pauwi ng kani-kanilang bansa kya sa loob sila ng eroplano nagmumulto.. wala nman silang attachment sa airline or sa specific na aircraft na yun.  Ang cargo hold na pinaglalagyan ng mga bangkay yun nasa buntot or Tail ng eroplano kya madalas na pagpaparamdam nila sa likod din ng main cabin.. usually andito ang mga lavatory(toilets), galleys(kitchen) and crew rest area. (attached photo)

Sa route namin, may 5 kaming aircraft na ginagamit pero kilala na ang isa na may laging nagpaparamdam, ito ang registration K34.  ang kwento ko dito un pagpapakita at pagpaparamdam nya sa loob ng crew rest area.. bsta pag alam na namin ito ang arcraft na gamit marami sa mga kasama ko di na natutulog sa rest area..

Di ako nakakakita pa ng multo pero ako mismo kinikilabutan pag umaakyat sa rest area na ito..  8 beds meron, 4 on each side  harapan sila. may curtain for privacy... madalas ang assigned duty  ko ay sa galley kya pagkatapos na ng meal service namin habang nagko-collect mga kasamahan  ko ng trays ng pasahero, aakyat na ako pra prepare un mga pillows & blanket. Minsan na mag prepare na ako,  ang lakas ng pakiramdam ko may nakatingin sa akin. nakayuko ksi ako, kinukuha sa loob ng cabinet kasi un mga pillows.. akala ko  may nauna na sa akin sa itaas pero pag tingin ko sa loob wala nman tao.. nasa 1st bunk pa lng ganun ulit ang pakiramdam, may nakatingin tpos sa peripheral vision ko parang may shadow na nasa #8bunk un pinaka dulo. pero nun lumingon ako wala nman tao.. kinilabutan ako pag dating ko sa dulo, tumaas balahibo ko kya nun aalis na ako pa atras ako naglakad😜

Di ko sinabi sa mga kasama ko un na feel ko pag akyat sa rest area.. nun nagsimula na ng rest namin, kanya-kanyang akyat sila. nagkataon may bunk assignment.. un 2 dulong  bunk #7&8 napunta sa supervisor & ky R1.  kausap ko sa galley un supervisor namin & si R1 bago sila umakyat.. after a while nauna ng umakyat si R1, seconds pa lumipas bgla syang bumaba sbi nya may lalaki na sa bunk 8.. bkit daw nag allow ng ibang tao umakyat ang supervisor when only cabin crew are allowed. nagulat un supervisor ksi wala nman daw pinaakyat besides matutulog din daw sya.. nagkatingin na lng kmi ni R1 ksi alam na namin na nagparamdam na naman ulit si abdul ( binigyan namin ng pangalan na ksi madalas sya present 😛)  di na umakyat at natulog si R1 sa takot..

Usually 2 shifts kmi ng rest.. ako maaga bumababa kahit di pa tpos un rest ksi i need to prepare the galley for the next meal service.. nun mag start na kmi ng service, bumaba na mga ibang crew. tinanong namin if may natutulog pa ba sa itaas pra gisingin na. sbi nun crew,  un supervisor nakahiga pa daw sa bunk8.. nagkatinginan kmi nun friend ko ksi nakwento ko sa knya un nakita ni R1. sbi ko pang 1st shift ang supervisor tpos na rest nya.. di pa sya naniwala sa akin sbi nya kita nga daw nya nakahiga nakatalikod.. half open un curtain pero sa tapat ksi natulog kya habang nag ayos sya kitang-kita daw nya may tao..  sinamahan ko sya umakyat ulit par tignan & true enough wala nga tao! maayos un pillows, naka fold na un blankets, open na un curtain.. pagbaba tinanong ko friend ko naka upo sa jumpseat sa tapat ng door if nakita nya un supervisor. sbi nya wala nman sya nakita umakyat & bumaba except kmi 2... nagtawanan na lng kmi sbi namin  sobrang pagod si abdul ksi 2 shift ng crew rest kinuha nya talaga... 😂

p.s.  dun naka pwesto lagi si abdul sa pinaka dulo sa may cabinet sa loob

📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon