Mt. Banahaw
Kakatapos ko lang basahin ulit yung "Ang mga kaibigan ni Mama Susan" by Bob Ong. Fifteen years ago nung una ko 'tong basahin, nakakatakot pa rin. Naalala ko tuloy yung experience ko sa Mt. Banahaw, sa Laguna.
Nung college ako, nagkaroon kami ng school project, documentary. Hindi ko na exactly maalala kung bakit namin piniling pumunta sa Mt. Banahaw.
Nag-stay kami sa isang bahay malapit mismo sa paanan ng bundok. Yung bahay na 'yon ay ginagamit daw na dasalan tuwing Mahal na Araw. Bale, yung pinaka-porma ng bahay eh may isang malaking kwarto lang na tulugan, na may mga naka-display na mga santo. Tapos, may maiksing hagdan pababa, then banyo at kusina na. Dun sa kwartong puno ng mga santo kami lahat natulog ng mga kaklase ko. Ang creepy sa totoo lang. Hirap kaming maka-tulog dahil sa aura ng kwarto pati ng buong bahay, pati na rin yung mga ingay na nanggagaling sa labas lalo pag gabing-gabi na. Ilang araw din kami doon.
Sa Mt. Banahaw, may mga iba't-ibang shrine ng mga iba't-ibang relihiyon (o cult). Ang pinaka-tumatak sakin eh yung shrine ng para sa mga Rizalista. Meron kaming tour guide na taga-doon din. Puno ng mga tattoo na religious symbols yung katawan niya, tapos ang dami niyang kwintas at bracelets representing different beliefs din. Sa ilang araw naming pagpanik-baba sa bundok, ang daming "weird" na nangyari. "Weird" kase hindi namin maipaliwanag kung paanong nangyari yung mga bagay-bagay...
Like, meron kaming mga trails na binaybay na sobrang tarik, sobrang putik at dulas, ni isa samin ay hindi naman familiar sa bundok na 'yon nor experienced hiker. Yung iba nga naka flip flops lang, pero wala saming naaksidente kahit isa. May nadulas, pero nothing serious. Wala rin kaming na-encounter na ahas, o nakagat man ng insekto since yung mga dinaanan namin ay masukal. Nakakapag-taka lang. Hindi sa gusto naming may mangyaring masama sa isa sa amin, of course not, pero napapa-isip kami minsan. Dahil kaya sa tour guide namin kaya "protektado" kami, ganon? Tanda ko pa, hindi rin kami masyadong nakakaramdam ng uhaw kahit sobrang init at ilang oras na kaming nagha-hike sa bundok.
Meron kaming kweba na pinasukan. Nasa ilalim siya ng lupa, kaya kailangan una ang mga paa mo sa pag-baba. Sobrang kipot ng lagusan, madulas yung mga bato na tatapakan mo (nag-paa na kaming lahat sa takot na madulas), pero kahit yung medyo heavyweight naming kaklase, naka-baba ng walang problema. Sa loob ng kweba, ang liit lang ng space. Pero, habang nagsisi-babaan kami, parang nai-stretch yung espasyo. Hindi ko lang talaga makalimutan yung experience namin sa kwebang 'to kase, pag tinignan mo siya mula sa labas, ang tarik at ang lalim, para kaming mahuhulog or what sa loob. But again, lahat kami safe.
Yung isang kweba naman na pinuntahan namin, nag malfunction ang mga camera namin. Nasa ilalim din kasi siya ng lupa, baka kaya? Pero ang weird lang kase, nagma-malfunction lang yung mga camera pag tinatapat namin sa mga religious relics or sa shrine. Eto pa, hindi ko na masyadong maalala ang mga detalye, pero sa pagkaka-tanda ko, yung tour guide namin nagbe-benta din sila ng mga "Agimat." Yung iba samin bumili, including me. Bracelet atsaka yung kwintas na triangle na may mata sa gitna ang binili ko. Ang pagkaka-tanda ko, dinasalan din ng tour guide namin yung mga agimat na binili namin sa kwebang 'yon, tapos pinaulit-ulit niya samin yung phrase na: Sadam Sacris Recomtumatum. Hindi ako sure sa spelling, at kung anong meaning nyan, kung Latin ba yan or what. But it was supposed to keep us safe, sabi niya.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.