Rosary

19 1 0
                                    

"ROSARY" 📿📿📿

Quick back story lang ,Mid year ng 2021 itong anak namin nag start sya makakita ng mga bagay na  di nakikita ng pangkaraniwang tao. I, myself i know na mi kakaiba sa bahay na nabili namin but deadma ako kase sanay na ako makakita (peripheral vision), makaramdam, nag start ung mga ganyan ko when i was 16 yrs old (other story).

So 1 day naglilinis ako ng bahay inutusan ko itong anak ko na magtapon ng basura doon sa kusina namin, ung bahay kase namin may pintuan pa palabas parang bakuran, may space pa, doon namin ginaganap ung mga inuman session, any ocassions kase maluwag nga, yung likuran namin ay may malaking puno ng suha and then may mga pader na naghahati sa mga properties ng mga may ari and yung mga properties na un bakanteng lote so puro nga puno .. in short sa likuran namin wala kaming kapit bahay, at matataas ung mga pader.

Nung inutusan ko itong anak ko (he is 3 yrs old) bumalik dala yung maliit na plastic na pinatapon ko sa kanya. And sabe niya sakin .. "Mommy, may tao sa likod" (di po sya sobrang bulol kaya maiintndhan mo sinasabe niya) Sabe ko naman sakanya "Huh? Walang tao dyan anak sigena tapon mo na" tapos yung anak ko hinatak niya ako tinuturo niya sakin kung asan , sinilip ko naman wala naman akong nakita pero kinilabutan ako .. then sabe ng anak ko wala na mommy .. so dun ko nalaman na nakakakita sya ...

Fast forward to this year, mas lalong tumindi mga kinukwento nya samin ng daddy about sa kalaro niya  kesyo nakarating na daw sya doon 😨 (other story)
So naghihinala ako na nag aastral siya habang natutulog. Then binisita ko yung tito kong mi sakit kase nga nakulam sya and nandoon yung gumagamot sakanya . Naisipan kong magtanong sa albularyo ang gusto ko lang kase ipatingin ung anak ko para mapriteksyonan .. Sabe ko sa Albularyo .. "ate kaya niyo po ba mang gamot gamit picture lang at pangalan?" Sabe ng albularyo .. " OO neng , patingin ng picture at ano yung buong pangalan at kaarawan" so sinabi ko yung Name at Birthday ng anak ko .. at ipinakita ko yung picture ng anak ko sakanya .. Nagulat ako sa mga sinabe niya tugmang tugma lahat sa mga naeexperience namin at kinukwento ng anak ko .. ang creepy talaga at nakaramdam ako ng paninidig ng balahibo at tinding takot para sa anak ko .

Ang sabe ng Albularyo nung nkita niya ang litrato " Ay, ineng bakit ganito may kakaiba sa anak mo.. alam mo yung anak mo may kalaro yan , ayaw bitawan yung anak mo, yung kalaro niya gustong gusto sya, hindi ito lamang lupa, hindi kaluluwa itim ang nakikita ko wag kang mabibigla para itong batang demonyo" Jusko shocking talaga 😨 parang ang hirap hirap huminga nung nadinig ko un , nabalot ako ng sobrang pangamba .. kase naniniwala ako sa mga ganyan ung kinukuha nalang ung bata , namamatay bigla kahit walang sakit ...

Nagtanong ako sa albularyo kung ano dapat ko gawin para layuan siya netong kalaro niya, binigyan ako ng rosaryo ng albularyo after niya dasalan, isabit ko daw lagi sakanya wag ko daw itabi ung anak ko malapit sa pintuan kailangan ikokorner ko sya lagi at palagi kong babantayan gising man o tulog .. agad kong sinabe sa asawa ko pagkauwi ko natakot kaming dalawa .. nung gabing yun at kinausap ko yung anak namin na if makikita niya yung kalaro niya sabhin niya sakin or ki daddy , pag inaaya siya wag syang sasama and naintndhan naman ng anak ko yun dahil pinaliwanag ko kung bakit (he's a smart kid)... 7 pm tulog na ung mga anak namin kaming dalawa nlng ng asawa ko gising nagkkwetuhan katabi ng mga bata about doon , mga bandang 9pm chineck ko ung anak namin .. Aba laking gulat ko , kinalabit ko yung asawa ko putol yung rosaryo na naka kwintas sakanya !!! Natutulog lng sya huh at hindi naman sya malikot ... Kumuha ulit kami ng bagong rosaryo na nakasabit sa altar namin ... Isinabit ko ulit sa leeg niya .. nakatulog na din kami , around 12midnight nagising ako para mag CR , chineck ko ulit siya .. Jusko ! Hindi ako makapaniwala .. NAPUTOL ULIT YUNG ROSARYO NIYA !! 😨😨 agad kong ginising yung asawa ko , pareho na kming natatakot pero diko pinapakita sa asawa ko kase mas mahina loob niya sa ganyang bagay ... Pinakuha ko ulit ng rosaryo ung asawa ko doon sa kabilang street sa bahay ng nanay niya ... May rosaryo kase silang may bendisyon galing sa manaog .. yun ang isinuot kong huli sakanya bago kami matulog ulit at nagdasal..

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon