"Evil Eye"
May nagshare dito tungkol sa namatay niyang teacher at may nag comment ng evil eye. (shout out po sa inyo). Tawag ko kasi dati, "karma", kaya napa research ako sa "evil eye". Share ko lang po ang same experience ko.
20 ako nung nagka boyfriend, palaging nakakulong sa bahay, dahil nasa ibang bansa mga magulang ko, at tanging ako lang at kasambahay ang nasa bahay namin. Squatters area kami nakatira, pero dahil sa bandang itaas na area ang lugar namin, sabi nila village kami, squatters sa pababa. 😁
Di po ako nakikita ng mga marites sa labas, liban na lang pag bibili ng pagkain. Nung nagka boyfriend ako ng taga baba, halos araw araw naririnig ko pangalan ko, pinag chichismisan nila. Ang masakit doon, mabait sila sakin pag kaharap ako, paglampas ko sa kanila, maririnig ko "naku, umuwi na kayo, yung anak niyo, buntis na!", o kaya naman, "isang tawag ko lang sa nanay niyan, uuwi agad yun, sasabihin ko, yung anak niyo, mag aasawa na!" Mababalitaan ko pa, na nagpapadala pa ng pera yung nanay ko sa kapit bahay namin na siyang nagkakalat ng chismis. Bilang nag iisang naiwan dito sa Pinas, sobrang nalulungkot ako, umiiyak, nagsasabi ng problema sa magulang, pero mas pinapaniwalaan nila ang mga kapit bahay.
Hanggang sa isang gabi, sa sobrang galit ko, nakita ko na naman sila nag uumpukan, lumabas ako ng bahay at dumaan sa gitna nila. Talagang bumulong ako na "sinusumpa ko kayo, sana karmahin kayo"
Sa loob ng isang linggo, tatlong tao po sila:
kinabukasan,
nanay: yung panganay niya pong anak, hinabol ng pulis, saktong nabaril sa tapat ng bahay namin, namatay.2nd day,
lalake: na stroke, hindi na nakarecover, namatay on 4th day.3rd day,
may - ari ng tindahan: namatay ang asawa, napuno ng tubig ang atay. pinagamot at tinulungan pa ng nanay ko, pero namatay din on 7th day (dalawa lang po sila sa buhay).Nung nagyari po yun, feeling ko, may super power ako. Madalas sambitin ko tuloy, kakarmahin ka din. Yung simpleng pag sinabi kong sana matalisod ka, nadadapa talaga. Siguro yung iba, sobrang mababait, di makaka relate. Pero dahil 20 yrs na din nakalipas, natutunan ko naman mag bago. Nag iingat din ako sa mga binibitawan kong salita.
Kung may makapag bibigay ng linaw po sa kung anong nangyari sa na experience ko dati, salamat po.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.