Babaeng naka itim sa bus
Reader din po ako dito sa Spookify kaya gusto ko din magshare ng sarili kong experience about ghosts. This story happened last november 2015, di ko matandaan yung exact date. Pauwi kami sa probinsya ng Mama at Ate ko na may third eye. By the way babae po ako from Bulacan.
So syempre matagal tagal na din akong di nakakauwi sa probinsya na yun, edi excited ako kase makakagala ulit ako sa bahay ng lola ko at makakapag bonding na kami ng mga pinsan ko. Maaga akong nag impake ng mga gamit ko kase 2 weeks kaming nandun.
Nung papunta na kami sa probinsya namin medyo tinanghali kami ng alis kase si Mama madami pang ginawa kaya ayon medyo natagalan kami. Nakaalis siguro kami mga 3pm ng hapon kase 4 hours lang naman yung byahe.
Nasa Pampanga na kami bandang 4pm kasi malapit lapit lang naman dito sa Bulacan yun. Naghihintay kami ng masasakyan na bus kase masyadong maraming pasahero that time. May available na isang bus papunta sa probinsya namin pero nung nakita ko pa lang yung bus hindi ko alam kung bakit ganon yung pakiramdam ko. Di ko na rin sasabihin yung pangalan ng bus na sinakyan namin.
Nakasakay na kami ng Mama at Ate ko. Dahil masyado ngang maraming pasahero edi nag unahan sa pagsakay ng bus. Kami yung huling nakasakay sa bus. Sa dulo ako ng bus nakaupo habang si Mama at ate naman ay sa harapan ko. Wala akong katabi nun at nabanggit kong may third eye ang ate ko, bata pa lang sya maraming creatures na ang nakikita nya.
Nakatulog kami sa sobrang pagod sa byahe nun. Si ate naman nakikinig ng sounds sa phone nya. Di ako sure kung alam nyang wala akong katabi nun sa likod ng bus.
Habang natutulog ako pakiramdam ko lalong lumalakas yung aircon ng bus o nilalamig lang talaga ko. Nung nagising ako, tinignan ko yung phone ko dahil ang daming texts ng ate ko saken. So tumayo ako at sabi ko "Ate bakit ka pa nagtetext saken eh nandito lang naman ako sa likod mo!" Sumagot si ate at sabi nya "Paanong di kita itetext eh nahihiya ako dyan sa babaeng katabi mo, kanina pa sya nagsasalita akala ko kausap ka." Natakot na ko sa sinabi nya kase mag isa lang ako sa likod ng bus at natutulog ako ng mga oras na yun! Sabi ko sa kanya "Baliw ka yata, kita mong mag isa ko dito. Pati ba naman ako tatakutin mo pa!" Gulat na gulat si ate kasi kitang kita daw nya yung babaeng nakaitim na kanina pa nasa tabi ko. Akala lang daw nya ay babaeng bagong sakay so tinawag nya yung konduktor ng bus at tinanong kung may babae ba talaga kong katabi kanina. Sumagot naman yung konduktor na kanina pa ko mag isa sa likuran ng bus.
Takot na takot na ko ng mga oras na yun at tumayo na lang sa gilid nila ate.
Bago kami bumaba ng bus ay sinabi sakin ng konduktor na magtirik ako ng kandila pagdating sa pupuntahan namin para hindi na ko sundan ng babaeng naka itim. Sabi pa ng konduktor na nahostage ang bus na yun nung 2012 at may babaeng sinaksak. Binalita na rin daw iyon sa T.V., hindi lang siguro namin nabalitaan.
Simula noon di muna ko sumasama kila Mama kapag uuwi sa probinsya namin. Salamat po sa pagbabasa. No bash Please! Magbabasa po ako ng comment.
Ayens Joy
📜Spookify
▪︎2016▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.