A few days ago may nabasa ako na kwento un pwede kang makakita ng mga tao (or mukhang tao) sa gilid ng daan pero di naman sila talagang tao.. usually sa probinsya kya bgla ko naisip un experience ko long long time ago.. super tagal na nito college days pa kya bka mali un mga lugar pero basically un po ang alam ko.. correct me if im wrong 😊
Nun college, uso sumali ng mga organizations... sumali ako ng Sorority & pag complete na un batch nagkaroon kami ng induction ball. Since di po ako taga Laguna, pumunta un mom ko pra assist kmi ng sister ko sa preparation.. un ball gagawin sa may PCCARD labas po sya ng campus.. nasa may highway na sya. So mdyo malayo-layo un travel from our dorm to the party place.
After ng ball, nakayayaan mga batchmates na gumimick pa khit na madaling araw na yun so sympre since bagets ka pa gusto mo lagi ng gimmick gusto ko sumama (clean fun lng naman gimmick namin that time) pero since may bantay ako, ang mama ko ksma hanggang sa party di ako pinayagan & since sya ang nag drive sa akin need ko umuwi sa dorm.
So masama ang loob ko sumakay ng sasakyan, pabalik na kmi ng campus pero nasa highway pa lng.. nag mumokmok ako sa loob ng kotse pero pansin ko pa rin na bglang may area sa highway na maliwanag at marami tao sa daan.. nun late 80s to early 90s un highway from Calamba to Los Baños may area na madilim ksi malayo ang distance ng mga poste, di pa masyado crowded ang mga bahay.. maraming puno sa gilid kya un ilaw ng mga kabahayan natatakpan.. if im not mistaken, malapit sya sa may riles sa may Brngy batong malaki..
So ganun na nga, nakikita ko mga tao sa gilid ng daan both sides ng highway, naglalakad sila papunta sa direction din namin kya lahat sila nakatalikod.. sandali lng un mga 30 seconds lng pero since mabilis ang takbo ng kotse mdyo may distance na rin. Since pre-occupied ang isip ko di ko masyado pinansin pero nagtaka din ako.. around 3am na bkit madami pa rin tao sa daan & probinsya pa un di ugali ng mga tao na nakatambay sa labas.. at yun damit nila masyado makaluma.. parang un costume na gamit pag nagsasaway ng folk dance. Tpos bglang dilim na ulit hanggang maka abot ng kmi sa crossing at paliko na papasok ng campus.Yun sister ko iba ang sasakyan gamit ksi meron syang date pero sabay kmi umalis, nakasunod lng sila sa amin. Pagdating sa dorm, tinanong ko sya if nakita nya un mga tao sa daan? Tinanong ko sya if may fiesta ba or may okasyin ba na pinaghahandaan un bayan? Sumagot sya na wala nman daw kaganapan sa bayan the next day kya mag kakanya-kanyang uuwian nga lahat daw ng mga brods & sisses... wala din silang nakita mga tao & madilim nga daw un highway. Ilaw lng ng sasakyan un nagpapaliwanag sa daan.. so kinulit ko sya, sinabi ko un nakita ko sa may parte ng highway.. sbi nya kasunod lng namin sila at hindi malayo un distance ng 2 sasakyan. Definitely daw kung anu un nakita ko dapat nakita din nila.. so tinanong nya mama ko kaso ang sagot ng mama ko wala daw syang kakaibang napansin. Di ksi kmi nag usap sa kotse nun pauwi kya di ko rin natanong.. then sabi ng sister ko di daw kaya mga kaluluwa un nakita ko ksi un area na sinabi ko kung saan nakita ko un mga tao malapit sa sementeryo.... at kakaiba daw ksi isang direction lng un lakad nila... bka daw going towards the cemetery...?
Pag naalala ko un incident na yan, di ko pa rin maisip ang magandang explanation.. pwede nga kaya mga kaluluwa sila? Sure na sure din ako sa nakita ko, di pwedeng imagination ko un... sa Los Baños maraming kwentong kababalaghan, possible din kya ibang beings sila? Hmmm.. anu nga kaya? 🙄🙄🙄📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.