Manliligaw ni Tita

25 1 0
                                    

Manliligaw ni tita

Si tita ko raw ay manliligaw. Nakatira siya noon sa pangasinan, di ko nga lang sure kung saan banda, pero ang sabi sakin noon ni tita may manliligaw siya tatlo. Isang duwendeng puti, pula at itim. So ako sagot ko agad “weh?!?!” Kasi sino nga ba maniniwala don diba? Hahaha. May anak na noon ang tita ko. Panganay niya (pinsan ko) babae 2y/o palang daw noon. Inaalayan niya nalang daw yon sa bintana nila lagi kasi dun din daw lagi bumibisita, sa bintana niya. Yung puti daw mabait. Yung pula mabait din daw sa kaniya. And lastly, yung itim. Yung itim daw na duwende lagi daw binibigyan sakit yung anak niya. As in lagi daw, papahupain lang lagnat biglang after nun meron uli.

So one time si tita natulog. Sa panaginip niya, inaya siya nung duwendeng itim na pumunta sa kanila. May celebration daw. May mga puno, gintong puno. Yung nilalakaran niya ginto din pero hugis kalsada. Sobrang ganda as in ginto daw lahat ng makikita mo ultimo kutsara’t tinidor kulay ginto. Ganda daw talaga parang gusto mag stay ng tita ko kasi tinitreat siya as prinsesa. Sa ginta daw ng party may mahabang mahabang table. Nakaupo sila tapos meron daw naghatid ng pagkain sobrang sarap daw tignan ganon. Yung tita kopo kasi ay mahilig sa foodz as in foodie ang tita ko. Binigyan daw yung tita ko ng isang maliit na chest na punong puno ng alahas, lhat ginto. Binigyan siya ng mga damit na sobra daw ganda nung kadalagahan niya.

Ganito ang set up: nasa table daw yung mga pagkain, alahas, sa gilid niya, meron nakatayo na hawak yung mga damit na magaganda.

Sabi daw ng tita ko sa itim sa duwende “Uuwi nako” inuuto daw siya ng duwende na talagang dun na daw siya mag stay. Di siya sinabihan na “di ka uuwi” wala daw ganun. Kumbaga inuuto lang siya nung duwende na talagang mag stay dun. Nung kakain na, sabi niya daw sa sarili niya parang di daw siya makakauwi. Iniisip niya yung pinsan ko, yung anak niya. Ang ginawa daw niya, nanghingi daw siya ng asin. Sabi lang niya “Pahingi po ng asin” tapos lahat nagulat tapos bigla daw nanlisik mata nung mga duwende. Nagising nalang siya bigla sa sampal sa kaniya ng kapatid ni lolo. Isang araw mahigit na daw pala siyang tulog at pilit ginigising. Kahit daw itulak siya or what di daw siya nagising. Nasa sahig daw siya tapos andaming taong nakapaligid sa kaniya kasi nga di daw siya nagigising pero humihinga at literal na tulog lang daw siya. Ang sabi noon ng lolo ko kung kumain lang daw siya ng kahit isang piraso ng pagkain don, baka daw di na daw siya nagising. O kaya naman daw pag tinanggap niya yung kahit isang pirasong alahas daw na andon at damit di daw siya magigising kasi para mo daw tinanggap yung offering nila.

Kinagabihan non, dumalaw daw yung puting duwende. Eto yung pic para maimagine niyo. Nakaupo daw sa bintana niya. Ang sabi daw sa kaniya, umalis na daw siya sa lugar nila kasi di daw siya tatantanan nung duwendeng itim. Bibigyan daw ng sakit lagi yung pinsan ko at di daw papatahimikin, umalis daw siya within the week. 2-3 days pa nagstay sa bahay yung tita ko non sa probinsya pero gabi gabi daw lagi daw maingay sa labas, may mga umaalulong, may akala mo kabayo nasa labas. Literal na di tahimik kasi maingay amp HAHAHAHA pero ayun nga after nun umalis na tita ko nagstay na sa bahay sa pasay. So yun lang share ko lang, at iverify kung tama ba yung nangyari noon 😅



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon