Gusto Asawahin ng Engkanto

8 1 0
                                    

May naka experience na ba dito na gusto asawahin ng engkanto? Well, here's my story..

WFH and GY shift ako. Sa BPO company ako nagwowork. Ang shift ko ay 10PM-7AM MNL time. Yung ka live-in partner ko naman ay onsite nag tatrabaho. Nag rerent lang din kame ng apartment nung time na yun. Bale, ang apartment namin, may maliit na sala and kusina then may 1 bedroom. Yung station ko, nasa loob ng kwarto para pag gising rekta set up na agad ng tools.

Usually, ang lunch break ko nag rrange between 2AM-3AM or 3AM-4AM. Depende sa cases na need ko tapusin.

So, a usual work day comes. Nauuna lagi umalis ng bahay ang partner ko since babyahe pa sya. 9PM sya umaalis and ako icocontinue ko pa tulog ko. Nag tag ako ng lunch ng 3AM, nakakatulog talaga ako pag ganung oras kasi madalas hindi ako nakakatulog agad pagka out sa trabaho dahil din sa mga gagawin sa bahay.

First encounter:
Tagged lunch @ 3AM. Went to sleep. Yung kama namin nasa gilid lang ng work station ko. Sa panaginip ko, ganun din ang setup. Pero nakikita ko ang paligid ko. Yung pintuan ng kwarto namen ay nakatapat sa work station ko. Nakikita ko na may nakatingin saken na black figure na nakatayo sa pintuan. Tinitignan ako habang nakahiga ako sa kama. Wala syang mukha or what. Black entity lang sya. Nagising ako pero hindi ko masyado pinansin pero nakwento ko sa partner ko paguwi nya. Isinawalang bahala lang namin.

Second encounter:
Tagged lunch @ 3AM. Went to sleep. Ang usual sleeping position ko ay nakatagilid nakaharap sa wall. This time, nakita ko yung black entity sa gilid ng kama ko nakatingin sa akin. Papalapit ng papalapit sakin hanggang nagising na ako.

Third encounter:
Tagged lunch @ 3AM. Went to sleep. Nag simula ang panaginip ko na may naririnig akong maiingay na kumakantang mga babae. Parang worship song pero ibang lenggwahe. Sobrang lakas na para bang malapit lang talaga sila saken. Kasabay ng mga nagtatakbuhang mga bata sa hallway. Nagising ako. Tumayo ako mula sa kama. Dun ko narealize na parang humihiwalay ako sa katawan ko. Nakita ko pa din yung sarili ko na natutulog kahit nakaupo na ako sa kama. Dun ko nasabi na baka nag ssleep paralysis na ako. Agad agad akong bumalik sa pwesto ko na pagkakatulog at sinubukan magising. Nabasa ko kasi na kailangan galawin ang mga daliri sa paa at kamay para magising. Ginawa ko lahat pero hindi pa din ako magising. May naramdaman akong tumabi sakin, mainit ang katawan nya. Naramdaman kong yumakap sya sakin mula sa likod. Nararamdaman ko yung init ng hinga nya sa bandang tenga ko. Yun na yung point na nag give up na ako. Sinabi ko sa sarili ko na kung mamamatay na ako, mamamatay na ako. Tapos bigla akong nagising. 3:15 AM pa lang. Agad agad ako nag chat at tumawag sa partner ko. Nanginginig ako habang kinwento sa kanya. Sabi nya wag ko na daw muna itulog at mag dasal ako. Ginawa ko naman.

Makalipas ang ilang araw, naikwento namin sa kapitbahay ang nangyari. Sinabihan nya kami na ang nanay nya ay "medium" daw. At hihingi daw sya ng payo kung ano ang gagawin. Chinat nya ako sa messenger at nanghingi ng picture ko at ng video ng apartment. Ginawa naman namin ng partner ko. Vinideohan namin ang buong apartment at sa split second na pagbukas ng pinto ng partner ko, nahagip sya sa camera. Dun nakita ng nanay ng kapitbahay namin na may nakasabit daw sa balikat ng partner ko. Sinabi nya na pupunta sa sa apartment ng Friday 6PM.

Dumating ang Friday. Pagpasok pa lang ng nanay ay agad akong nilapitan at tinapik ang balikat ko. Ang sabi nya ay dun daw nakakapit ang engkanto sakin. Ang sabi nya ay isa daw tong hunyango. Na ginagaya ang partner ko na gusto akong asawahin at buntisin. Tinanong nya ako kung lately ba ay napapansin ko na mabilis magbago mood ng partner ko or may nag iba sa kanya. Wala naman. Dinala ako ng nanay sa kwarto namin. Hinilot nya ang tyan at puson ko, at pinaihi ako sa cr pagkatapos. Sabi nya ay para daw hindi matuloy ng engkanto ang balak nya. Pinaalis din nya yung engkanto sa bahay namin. Pinayuhan ako na mag suot ng silver araw araw at kumain daw ng ulam na may gata once a week pangontra daw. Ginawa namin lahat.

After a few weeks, okay na lahat. Hindi na ako nananaginip ng kung anu ano at nag decide na din ang partner ko na mag request mag WFH para masamahan ako. Napagkwentuhan namin yung nangyari, dun nya narealize na first day nya onsite, habang nag aabang ng masasakyan na jeep, may nakasalubong syang lalaki at binangga daw ang braso nya. Sabi ng nanay, pinasa daw sa kanya yung engkanto at nag decide tumambay sa bahay kasi natipuhan daw ako.

Pagkatapos nun ay nag decide kaming lumipat ng apartment gawa na rin ng ang bigat ng vibe ng apartment na yun. Para bang may laging nakatingin sayo. Pero sa bago naming apartment, meron ding nagpaparamdam. Saka ko nalang ikkwento hehe.

Salamat po sa pagbabasa. First time ko po mag submit dito at hindi ako kagaling mag kwento. Pasensya na po.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon