Omise sa Japan

75 2 0
                                    

Omise sa Japan

Hi i'm a silent reader here, U can call me Mariko for my privacy na rin. Have u ever heard about horror story in Japan? Is there anyone here live or work in japan?

So kwento ko muna yung details ng pagdating ko sa japan. I was working in japan as a entertainer ( a group dancer ) 1st time ko sa japan nun tas papunta na kami ng 3 grupo ko na 1st timer din sa apartment na tutuluyan nmen. Sobrang tahimik ng lugar as in wala ka makikitang tao sa labas kase nga Noon time ( oras ng trabaho ng mga japanese) So pag pasok nmen parking lot ng bldg tas entrance papasok ng apartment pagpasok nmen may hagdanan pataas ( wala daw umaakyat dun or nag dare umakyat sbe ng mga babaeng kawork nmen dun ) so after ng hagdan dining area at kusina then kwarto na namen, triple deck un actually at sama sama kmeng 13 babae sa room na yun. Tas pagkababa ng mga bagahe nmen pinatawag kme ng manager sa omise so akala nmen lalayo pa kme, tapos tinuro samin ng mga babae yung pinto papasok sa omise pag pagpasok nmen is dressing room sa gilid may pinto papuntang CR yung tapat ng pinto ng entrance sa Dr is one curtain yung stage na at omise na. So sinabi na samin ang rules sa work kung what time practice and kng sino naka sched sa toban (gawain or cleaning toka) what time dapat matapos mag ayos at etc.

So kinagabihan after ng work nmen kumain kme sa labas ng mga working mates ko grabe daming tao sa labas (nightlife ng mga japanese) so nung kumakain kme nagstart na magkwento ng experience nila ung mga naunang grupo samin creepy story, pagod sa work ganun. tas tawanan kme kwento ng buhay buhay, Tas one of the girl naging seryoso sabi nya bsta ingat lang kyo dito wag bsta magtitiwala kahit sa mga pinay pa then sbe nya pa kng ano nakikita or naririnig nyo minsan sa bahay or sa omise wag nyo papansinin. so inisip nmen mga siraan or chismis sa work lang.
Then the night after ginising na kme pra mag practice ng sayaw, habang nag practice kami so syempre malakas music sa stage kme nagpractice nun so makalampag tas yung ibang girls kwentuhan pa kse group to group ang nag practice then suddenly may sumigaw ng Urusaii ( Maingay ) Malaking boses as in malaki na parang malaking tao ung nagsabi, Natigil kme nun tas nagkatitigan kmeng mga babae tas sbe nung babae na nagsbe samin kng ano narinig namen wag nmen pansinin sya nagsabi ulit samin na Sayaw lang wag pansinin, so kami sayaw lang kse inisip nmen baka kapit bahay na matanda ayaw ng maingay. Then day by day nagiging close ko na mga babae kwentuhan inuman at night, Tas ung girl na mas matagal na samin dun nakakwentuhan ko tas bigla ko tinanong saknya na "te ung sinasabi mo ba kng ano makita nmen o marinig nmen tao ang binabanggit mo?" tas natahimik sya tas bgla nya sbe bunso kapag mas marami ka nalalaman mas mapapahamak ka. tas di na lang ako umimik then, dumating ung araw ung ibang babae uuwe na papinas so need ng bagong leader at ako ung ginawa nilang leader biglang may malakas na palakpak kameng narinig kahit yung manager at mga waiter narinig yun, makikita mo sa itsura nilang nabigla sila at bigla nagbago itsura nila tas sabi sakin ng manager lahat daw ng pupuntahan ng mga babae at sino kasma ililista ko at dapat ganun din ako, tas tinitigan nya ko mabuti sbe nya dapat palagi daw ako may kasama un lang sinabi nya so ako dahil di pa ko nakakrecover sa palakpak na malaks di ko nagets sinabi nya kahit ung ibang babae di nagets kse nga puro bago pa lang kme na andun, At yung mga uuwe di na pinag practice at mga nasa pamilihan ng pampasalubong ng oras na un so di ko alam san nanggaling palakpak na un, So that night nag inuman pa kme kse nga last night nila so malapit kme nag inuman sa hagdan kng san may paakyat tas natanong ko ung babae ano ung nasa taas sbe nila di din nmen alam kse wala naman umaakyat jan tas sbe nung isa "oh bago tyo umalis akyatin nten so dahil nakainom kme tinry nmen, Nauna sila tas ako sa huli bali 8 kme nun aakyat tas nasa kalahati pa lang ako ng pag akyat ng bigla nagtakbuhan sila pababa sbe nila ang creepy ng pakiramdam may nakita daw sila anino nataranta sila kaya nagbabaan na kme. After nun nag start na nmen maramdaman lahat ng naiwan.

the day after umuwe ng mga babae papinas at after work nmen nasa kwarto na kaming lahat nun may narinig kaming kalabog mula sa dining so sinilip ko wala naman so pinatay ko na ulit yung ilaw, Nagising kmeng lahat na sobrang init so ung isa samin binuksan ung aircon nung patulog na kme ulit lahat may narinig kmeng umuungol na prang binabangungot so sbe nung ibang babae ( hoy may natutulog kung naglilibog ka dun ka sa labas ) nag tawanan pa kme then di sya tumitigil then ung isang girl chineck sya sbe nya girl binabangungot ka gumising ka tas nung nagising sya may kalmot sya sa hita at nakababa panty nya tas basang basa sya ng pawis tas sbe nya binangungot daw sya na may gumagalaw saknya tas sbe ng mga babae dun normal lang yan pag matagal ng tigang so natulog kme ulit, pag gising nmen normal routine practice ulit, Nung nag practice kme narinig na nman nmen URUSAII sbe nung ibang babae si sukebe yan so inisip ko nun dahil di pa ko marunung ng japanese sukebe is name ng lalaki. so tuloy lang ung araw na normal lang naman lahat pwera sa sunod sunod na napapanaginipan ng mga babae ung lalaking may gumagalaw saknila. Nga pala lahat ng nakakaexperience nun is ung nasa pinakababang pwesto sa deck bali (8 person sa baba) bali 2 person lang kme sa taas kse yung 3 babae umuwe na sa pinas so ung ibang babae na sa taas lumipat sa baba So yun practice ulit may kumalabog mula sa dressing room so sinilip ng isang babae tas nakita nya parang dinaanan ng bagyo ung dressing room tas nung lahat kme nasa dressing room meron naman nag flush sa cr ng mga lalaki ( nga pla ung cr sa gilid mejo madilim kaya pag during toban ( or cleaning day nmen ung mga babaeng nakatoka linisin yung cr nagpapasama kse ang creepy daw ng pakiramdam) so nung sinilip nmen wala rin tao dun na nag start mag taasan balahibo nmen at parang naglakihan ulo nmen, nagkakatakutan na kme nun kse halos lahat kme same ng pakiramdam. so lahat kme nagdasal lang tas tinuloy ung practice. That night yung isang babae nakipagpalit ng bed sakin kse alam nya mas gusto ko sa baba that night ko din naexperience ung bangungot na prang may gumagalaw sayo (sinesex) tas nagising ako nakababa na rin panty ko sobrang dilim nun kse walang nakabukas na ilaw or bintana tanging ilaw lang sa aircon at sa mga charger na gamit ng babae ung pinakaliwanag. Nung inaabot ung panty ko pataas naramdaman kong parang may nakatayo sa gilid ng uluhan ko tas nung inaninag ko parang paa so kinuha ko ung phone pra ilawan nakita ko na may paa ng lalaki na nakatayo sa gilid ulohan ko, malaking paa at marumi yung kuko ng unti unti kong inaangat ung pag ilaw ko naramdaman ko parang yumuyuko na sya sakin naririnig ko yung paghinga nya prang nasasakal na hingal na hingal tas narinig ko sbe nya onegaishimasu bgla ko inangat ung pag ilaw tas pasigaw dahil takot na takot na ko bgla ko nakita na tumakbo sya palabas. Tas bglang nagising mga kasamahan ko sbe nila ano daw nangyari so dahil ayoko manakot nun sinabi ko na lang na may ipis na gumapang sakin, Kahit wala naman ipis sa apartment nmen. Kinabukasan kinausap ko ung arubaito ( mga ate nmen dun na mas may edad samin na sa japan na nakatira) tas sbe nya ikaw naman tinatarget ni sukebe so sbe ko wala naman tao te di sya makakapasok at nakalock lahat ng pinto at may cctv, sbe nya "gaga ano akala mong sukebe tao?" so ako naguluhan tas sbe nya " bunso sukebe is malibog or maniac in tagalog at kaya sukebe name nya kse un na pinangalan ng mga babae saknya kse di mo sya makikita at malibog di mo sya makikita pro maradamdaman mo sya, marami na nakaranas nyan dito kahit kme" tas sbe nya pa wag mong pansinin hayaan mo magpula kang damit bago matulog, tas naglagay sya ng bigas na may asin sa bowl tas tinirikan nya ng insenso nilagay nya sa hagdan, sbe nya every friday 6pm gagawin mo yan pra di ka na nya kayo gagambalin at bibigyan ka nya swerte, So ako sumunod lang sinabi nya, after nun di na ko nakaramdam or nanaginip bout sa kanya.

Until one day nagka bf ako na japanese naging busy ako sa jowa ko at work at nakakalimutan ko mag alay or magtirik every friday. Friday night nun nagluluto ako ng pulutan nmen tas lahat ng babae nasa dining nun kwentuhan and inuman may narinig kmeng kalampag mula sa dressing room tas nag alarm ung pinto ng omise means may nagbukas so may staff na pumunta pra patayin ung alarm at tinanong kme sino nagbukas ng pinto e alam nman na ang rules after work bawal na bukaan yung pinto na omise kaya binubuksan ung alarm. So sbe nmen walang nagbubukas ng pinto so umalis na ung tao at tinuloy ko pagluluto ko, then suddenly may tsinelas na parang hinagis mula sa hagdan natakot ung ibang babae tas ung iba lalong nag ingay pra mabulabog, tas prang may hinagis na malaking bagay sa bodega ( isang kwarto un pro di ginagamit kse ginawang tambakan ng mga bagahe at mga box pampasalubong sa pinas) pag check nmen ung maleta ko sira so sbe ko pano babagsak un e nasa pinakababa ung maleta ko, tas sbe ng mga babae makakalimutin daw ako baka inangat ko daw un at bumagsak so ayun hinayaan ko na lang at tinapos lutuin ung pulutan namin ( 3 pulutan kasi niluluto ko nun kaya matagal ) tas sa gilid ko may ref tas kwarto na nmen nakasara un, nung pagbalik ko nakabukas na so inisip ko baka isa sa mga babae nakalimutan isara, then all of a sudden bglang bumukas ung ref so ako di nakagalaw kse alam kong ako lang tao nun sa kitchen at wala tao sa kwarto nmen nun dahil sinara ko nga ung pinto ulit tas bgla may nagsalita na URUSAII sa tabi ko tas bglang sumara ung ref ng pabalibag! that time di na ko nagalaw, nagtaasan balahibo ko at lumaki sobra ulo ko di na ko makakilos nun kse nakikita ko sa gilid ko na may aninong malaking tao, natahimik at nakatingin na sakin ung mga kasama ko kse nakita nila nagsara ung ref ng kusa. Tas narinig nmen bgla may kumalampag galing sa taas, Nang oras na un andun si ate ung nag warning sakin. Sumigaw sya papalapit sakin na prang sine save nya ko tas sigaw nya "Mariko friday ngaun magtirik ka babalikan ka nya ulit mamayang gabi" Bigla ako natauhan dun ko narealized na ilang friday na ko di nakakapagtirik at ilan beses na ko nananaginip na nakakasex ko ung bf ko. Then nung nagtirik ako nun, naglagay ng pulutan at alak malapit sa hagdan 3am na un bali saturday na bgla may bumulong sakin ng Arigatou na sobrang lapit na prang nasa harap ko lang, nanlaki mata ko nun tas tumakbo sa mga kasamahan ko.

Simula nun di ko na nakakalimutan di magtirik every friday at di na rin ako ang target nya, Everytime na may bagong dating na babae napapanaginipan sya at kahit sa taas nakapwesto binabangungot na. Bago ako bumalik ng pinas ang kwento sakin ng bf ko at ibang mga japanese dun yung omise at apartment daw nmen is dating malaking pachinko ( slot machine ) tas may lalaki daw dun na sobrang nadepress nagpakamatay. So inisip ko baka un si sukebe.

Hangang ngayon nagpaparamdam pa din sya, Tinry na daw paalisin yun pero pag sa twing may dinadalang Shaman minamalas daw yung omise at di nagkaka customer kaya hinayaan na lang daw ng may ari at palagi pinag aalay.

Hangang dito na lang po salamat sa pagbabasa ng experience ko sa japan.



📜Spookify
▪︎2021▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon