Stories About My Son

20 1 0
                                    

Stories about my son.
(tl;dr)

Sanggol palang ang anak ko medyo may mga weird na nangyayari sa kanya. Pero puwede ring normal lang yung una.

Noong baby pa siya. Hindi siya makatulog agad sa gabi. Siguro kasi hindi namin pinapatay ang ilaw sa kusina. Minsan nakakatulog siya pero magisising ng hating gabi. Tapos parang may  kinakausap siya sa ceiling ng bahay ng parents ko (kung saan kami nakatira dati). Yung interaction niya sa "ceiling" is kagaya ng kung nilalaro namin siya.  Pag naka upo naman siya, lagi niyang binabaling sa fixed na bintana na medyo mataas an tingin niya at parang may kinakausap din. Same ng kung paano siya doon sa ceiling. Dinala namin siya sa albularyo. Hinawakan ng albularyo ang hinliliit niya. Since breastfed siya, may pinainom saakin ang albularyo at simula noon nakakatulog na siya ng maayos. Minsan nagigising pa rin pero hindi na tulad noon na tumitingin sa kisame at bintana na parang may kausap. Siguro this could just be normal. Baka praning lang ako. Wait there's more!

Fast forward to 2022... Nagkasakit ang mother ko. While nasa hospital siya. We also maximized other means na para lang ma cover kung ano man ang nangyayari. Kumuha kami ng albularyo (ibang albularyo na kasi yung na unang albularyo eh namatay na). Nag alay kami sa bahay. "Hadang" and tawag dito sa amin. So yung albularyo hinanda niya na ang manok, ang mga pagkain. Tapos sabi niya sa tito ko iclear yung parang path para daanan ng mga "elements". If you are familiar with it, ang start ng ritual after ihanda ang mga alay na pagkain is parang pag pa tunog ng platito gamit ang kutsarita. Bagting dito sa amin. Let's call it bell nalang para madali ang reference. Nung unang bell nag pa karga agad ang anak ko na parang takot at kung anu ano ang tinuturo doon sa "path". Parang nag wa wonder siya sa nakikita niya. Hindi pa siya makapagsalita ng maayos at that time so I cannot really confirm. After ng ritual, nag lakad na siya ulit na parang walang nangyari. Sabi ng albularyo may third daw ang anak ko. Hinawakan niya ang ulo at pinagdasal niya ito (dasal na normal na dasal ha hindi orasyon).

2023... lumipat na kami sa malapit lang na studio  type apartment. Nung first night namin hindi makatulog ang anak ko. Papalit palit kami ng puwesto. Nung humiga siya tingin siya ng tingin sa pintuan ng CR na nasa loob ng room. Tapos bumangon siya sabi niya "Go away zombie, go away". Hindi siya natatakot na umiiyak pero disturbed siya sa presence ng kung ano man yun. Kaya di siya makatulog. Hindi ko lang agad sinabi sa partner ko na before that, nung pumikit ako parang while I am half awake may nakita akong nakakatakot na face sa may head side ko na malapit din sa side kung nasaan ang CR. So parang it was more like a dream? Hindi ako matatakutin. Pero pag bata ang nakakakita it freaks me out. Since hindi siya makatulog nag evacaute kami sa house ng parents ko.

Pina bless namin sa pari yung house. Pinalagyan niya ng crucifix at pina lipat ang bed sa other side. Pinabili niya rin kami ng St. Benedict's Medallion. Pina bless din namin yung mga yun.
(wala na siyang nakikita ngayon so far)
Kinuwento ko sa auntie ko yun. Nag tataka kasi ako dahil medyo sensitive din ako sa mga lugar. Noong una naming pinuntahan yung room wala naman akong na feel. Sabi ng  auntie ko baka daw sumunod lang yun saamin galing sa house ng parents ko. Diba nag alay din kami doon sa house ng parents ko? Baka daw yung mga na drive away na mga elements na di na makapasok sa house (kasi may nilagay kaming mga cross sa pintuan ng bahay),  nasa labas lang nag hihintay sa anak ko. Tapos bigla kong naalala na after ng pag aalay etc..., yung anak ko laging tumutingin sa binta at parang may kinakausap sa labas.  At lagi akong nagagalit hindi sa kanya kundi sa kung sino man yung mga kumakausap sa kanya dahil sabi nila dapat daw murahin pag ganon. Ilang beses din nangyari pero di na naulit dahil hindi na namin siya pinapalapit sa bintana.

Meron pa akong chika about sa anak ko. May recent lang meron din in between. Ito lang muna sa ngayon. =)



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon