Pasasalamat

14 1 0
                                    

PASASALAMAT
Hi, relating sa tanong sa kwento na “Ambag” kung totoo ba’ng may mga patay na hindi nila alam na patay na sila. Sa tingin ko, Oo.

This story happened way back  2019, namatay ang pinsan ko dahil sa isang sakit, that time ang tao lang sa bahay nila ay ang Papa, Lolo, at Lola niya. Tanghali ‘to at malapit ang bahay nila sa isang eskwelahan. Inatake siya sa harapan ng bahay nila at doon na natumba kaso walang nakapansin sa mga kasama niya sa bahay hanggang sa dahil tanghali yun may mga magulang/nanay na sumundo sa anak nila sa eskwelahan para siguro mag tanghalian at umuwi sa kanila. May isang nanay ang nakakita sa pinsan ko na nakahiga na sa harapan ng terrace nila. Naalarma siya at tumawag at humingi ng tulong hanggang sa isinugod ang pinsan ko sa ospital kaso DOA na ito. Walang naging balita yung Nanay kung anong nangyari sa tinulungan niya, habang kami ay nag aasikaso na ng para sa burol ng pinsan ko.

Pangalawang gabi na ng pinsan ko na naka burol at biglang dumating ang nanay na tumulong sa pinsan ko, mangiyak ngiyak niyang ikwinento na nung araw na iyon pagkasapit ng gabi ay pumunta raw ang pinsan ko sa kanila at may dalang wallet at nag aabot ng limangdaang piso bilang pasasalamat sa pag tulong sa kaniya ngunit hindi niya ito tinanggap. Kinabukasan pumunta raw agad siya sa bahay ng pinsan ko para kamustahin ito ngunit saka pa lang niya nabalitaan na nung araw ding tinulungan niya ang pinsan ko ay namatay rin ito. Tumayo ang balahibo niya sa takot kung kaya’t binisita niya agad ang pinsan ko sa burol nito. Pagkatapos ng kwentong ito, naisipang silipin ng Mama ng pinsan ko ang wallet niya at may laman nga itong limangdaang piso.

Sa tingin namin dahil unang gabi iyon ng pinsan ko hindi pa talaga niya naiintindihan na namatay na siya at naisipan niya pang magpasalamat sa babaeng tumulong sa kanya.

FRED




📜Spookify
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon