SOUL SWITCHING
Hi ka LTaP😊
Sino po dito naka experience ng SOUL SWITCHING? Baka may naexperience na sa inyo at napagamot nyo na.
Badly needed help lang po. Kc ung GF ko at ung Friend(Girl) nya nagswap sila or nag Soul Switching sila. Then na trap na sila, hindi na sila makabalik sa body nila.
Pero dati sandali lang, nagsimula sa minutes, hanggang naging hours then days. Hanggang sa hindi na sila makabalik ngaun sa body nila.Matagal na din kaming naghahanap ng kasagutan kung paano to magagamot inabot na ng years. Kahit panonood ng Movies and Documentaries na may kinalaman sa Soul Switching ginawa na din namin. Kaso wala parin nangyari. Wala kaming makuhang sagot. Kahit saang platform ng Internet wala talaga.
Ang dami na nilang nilapitan na manggagamot at albularyo kaso wala din makapanggamot. Then luckily may isang manggagamot silang naencounter. Kaso ang daming pinapabiling gamit or ingredients sa panggagamot katulad nalang ng Tuko at madami pang iba. Saka nasa Hospital din ung manggagamot nila may sakit daw at saka gawa na din siguro ng katandaan.😢
Ayaw din sabihin sa akin ng GF ko ung lahat ng mga kailangan sa paggagamot kc bawal daw sabihin sabi ng mangaggamot. At saka kailangan din during eclipse sila gagamutin. Kaya sobrang hirap.
Sana matulungan nyo kami. Baka may iba pang ways.😢
Hindi din alam ng GF ko na nagpost ako dito kc ayaw nyang ipaalam sa iba at baka pagpyestahan daw sya sa social media o mga taong gusto lang mapag aralan ung case nila. Naaaawa na din talaga ako sa kalagayan nya.
Madalas din kc ako wala sa tabi nya gawa ng nasa malayo ako nagtatrabaho.
Hindi rin sila pwedeng magkita kc nasakit daw ulo nila to the point na nagpapass-out sila kung talaga magkalapit na mga katawan nila. Kaya over the Phone lang sila kung mag usap.
Sana may makatulong po.😢
Kung may kakilala kayong faith healer, procedures or ibang ways para matapos na ang sumpang ito(SOUL SWITCHING), just leave it to the comment section.Pasensya na po gusto lang namin ingatan ung identity namin.😢
God Bless us all.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.