Lola kong Aswang

37 1 0
                                    

Lola kong Aswang

Hello mga avid readers ng LTP , I'm an avid reader too. I'm from Iloilo , di ko na sasabihin kung saan specifically kasi digital na ang mga aswang .( Yes ! kasi chinachat ako ng lola kong aswang between 11 pm-2 am) , pero if you know where Tiniente Guimo originated in Iloilo, yes taga dito ako.

Anyway, Let's start . I  hope maintindihan nyo po.Pangalanan po nating  Lola Auring ang lola kong aswang ( kapatid ng tatay ng papa ko ).  This story started 2014 nung buntis ako sa daughter ko , nag punta kami ng pamilya namin sa sementeryo nung November 1 ,2014 para dalawin ang puntod ng lolo ( tatay ni papa) kong  napamayapa na  . nag hawak kamay kaming lahat magpapamilya at nagdasal , pero yung lola ko hindi sumali samin , nasa likod ko lang sya , at dahil 1 month palang akong buntis that time , hindi ko pa alam na buntis ako, ang nakapagtataka lang ay makailang beses nyang kinurot nya ang tagiliran ko . Nung umuwi ako eh grabe ang pamimilipit ng tiyan ko , naririnig ko na ang mga balitang aswang daw ang lola ko , pero di ako naniniwala , dahil kung alam nyo lang ilang matatanda ang napapagbintangan dito samin, ay di din kayo maniniwala.
Fast Forward nung April 14 2015, naiwan kaming dalawa ng pinsan ko sa bahay , 7 pm palang nun at kumakain kami ng hapunan sa dirty kitchen eh biglang may parang nahulog na malaking bato sa bubong, mejo malayo sya sa kinauupuan namin pero nagtinginan kaming dalawa na para bang nagkakaintindihan  ,  wala namang puno sa paligid kaya alam na namin na may nagpaparamdam , ang nakakakilabot lang eh dinig na dinig naming dalawa ang dahan dahang pag lakad ng kung ano man ang meron sa bubong , kasi yung bubong namin eh luma at kinakalawang na , anytime baka mahulog yung mabigat na nilalang na naglalakad sa bubong , nakakapanindig balahibo ng naramdaman naming unti unting parang nayuyupi ang bubong sa bandang taas ko na parang bang dumadapa ito at sisilip samin , pero di ako nagpatakot dun , kinuha ko ang bolo ng papa ko sa likuran ko banda at pumasok sa bahay ,nang pumasok ako eh biglang nakakarinig na ko ng huni ng tiktik , sinuot ko kaagad ang itim na tela para daw di makita ng aswang ang sanggol sa tyan, ( may pamahiin kasi samin na magsuot ng itim na tela ang mga buntis dito samin ) , pumasok kami ng bahay at nagpaandar ng TV , tinext ko ang mama ko na umuwi na dahil nga inaaswang kami, nagulat kami ng merong malakas na pagbato sa loob ng bahay ng dalawang beses, akala namin eh na basag yung tiles. natakot yung pinsan ko at tinignan kung sino ang bumato , pero walang nakita, at wala ding bato ,at di namin ma explain kung saan nanggaling ang bato eh nakapag lock na sya ng buong bahay before pumasok. Naupo nalang kami sa tapat ng tv at di nagkikibuan, ayoko din pumasok sa kwarto at baka pasukin ako dun. LOL hanggang umuwi ang pinsan at lola ko (nanay ni papa) at naglibot sa buong bahay namin at ngsusunog ng papel habang nagmumura yung lola ko ,mukhang effective naman sya at nawala yung huni ng tiktik.
Pag uwi ng mama , papa at mga kapatid ko sa bahay , dahil kinutuban na ko na si lola Auring ang nang aaswang sakin , tinanong ko sila kung nandun ba sa handaan na pinuntahan nila si Lola Auring at ang asawa nya dahil kapitbahay lang ng kapamilya naming may handaan si Lola Auring, ang sagot nila eh WALA sila doon at may pinuntahan daw. 
Pinatignan sa albularyo ng papa ko at nakumpirma na ang lola Auring ang gumagawa sakin ng pang aaswang. Nagalit  ang papa ko , pero pinalampas nya ito  dahil kapamilya daw.

PS. MArami pa akong kwento tungkol kay lola Auring pero part 1 muna tayo





📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon