“Frienny”
Magsosorry na ko agad kasi hindi ako magaling magkwento 🤣 Di masyadong nakakatakot to pero syempre papunta pa lang tayo sa exciting part. Hahahaha 😂
Nangyari to nung pandemic. Stay in kami sa isang lumang 4-star hotel sa Pasay kasi malapit lang dun yung work namin. Bali dalawang tao lang each room, tawagin na lang natin yung roomie ko na “Mars”. Yung room namin ni Mars is sa 9th floor, may balcony. Routine na namin ni Mars everyday pasok sa work, deretso uwi sa hotel. Pag day off namin, naglalaba, manonood ng movie, magssoundtrip. Yung first few days namin okay naman, hindi naman kami natatakot and wala naman kaming naffeel na something unusual.
Lumipas pa yung ilang days, bigla na lang bumubukas yung TV namin. Akala namin may nagpopower trip samin, edi hinayaan lang namin. Almost everyday may ganung eksena kaya nireport na namin sa hotel. Chineck nila yung TV and remote okay naman daw. Edi hinayaan na namin. Sabi namin baka may frienny kaming kasama sa room.
One night matutulog na kami inoff na namin yung ilaw. Nakapikit na ako nakatalukbong, si Mars nakatulog na, inalis ko pagkakatalukbong ko napansin ko medyo lumiwanag. Pagtingin ko sa TV nakabukas nanaman bigla. Edi nagulat ako, pati yung apple tv nakabukas. Bubukas lang naman yung apple tv pag dun mismo binuksan sa remote niya. Nung nagising si Mars tinanong ko kung binuksan niya ba, hindi daw. Hindi ko rin naman naramdaman na bumangon siya. Edi hinayaan na namin hindi na namin pinatay kasi baka gusto ni frienny bukas yung tv. Minsan bumubukas naka youtube na bigla tas tugtog it’s all coming back to me now ni Celine Dion. Pag day off naman namin, maaga kasi nagigising si Mars para maglaba sa CR. Edi binuksan niya yung TV para mag youtube, nagssoundtrip siya pero hindi naman malakas. Habang nasa CR siya nagtaka siya bakit huminto yung music. Akala niya pinatay ko dahil naiingayan ako kasi natutulog pa ako. Lumabas siya ng CR, nakapatay yung TV. Pagtingin niya naman sakin tulog na tulog pa talaga ako. Edi binuksan niya ulit, nagpatugtog. Maya maya namatay nanaman. Hindi na niya ulit binuksan kasi baka daw naiingayan yung frienny namin dahil maaga pa. Minsan kinakausap namin yung friend namin na yun lalo na pagdating namin galing work like “Frienny andito na kami” “Frienny kain tayo” and parang nasanay na kami sa mga pangyayari.
Halos lahat ng room ng workmates namin ganun din. Yung isa bumukas TV nila naka GMA may nag gagalaw nilagay sa HDMI nag youtube tapos nag play ng video. Iba iba din ang eksena. Marami pa kong gustong ishare na nangyari sa hotel na yun kasi almost 2 yrs kaming tumira dun 2020-2022. Totoo kasing marami dun kasi luma na and nasunog yung dating hotel na andun before tong hotel na to and marami daw talagang namatay sa 9th floor. (Clue na yan alam niyo na 🤣)
Hello sa workmates ko na member dito. Alam niyo na to, share niyo na din yung experience niyo 🤣
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.