"GHOST BRIDE"
Bilang half chinese po alam nyo po ba yung ghost bride? Yung ikinakasal sa patay?
Merong naging kaibigan ang angkong ko noon naikwento lang sa kanya ng kaibigan nya at naikwento nya sa akin.. babae yung bestfriend po nya..
Nagsimula daw na laging nananaginip ang bestfriend nya na may kasamang lalaki.. palagi niya itong napapaginipan tapos mga ilang buwan nag kainlaban sila sa panaginip kasi nililigawan sya nung napapaginipan nyang lalaki pero lagi niya nakakalimutan ang itsura nito kapag gumigising..
Hangang sa gusto na nila magpakasal sa panaginip sinabi ng lalaki ang buong pangalan edad at address nya sa babae at pagkagising nung babae sinulat niya ito sa papel at pinuntahan nya yung lugar na yon.. sa china po yung lugar na yon hindi po dito sa pilipinas..
Nung pinuntahan nya yung lugar nung lalaki nagulat ang pamilya nung lalaki kasi matagal ng patay yon at siya ang panganay hindi maikakasal yung sumunod sa kanyang kapatid kasi daw di pa ikinakasal yung panganay na lalaki bale first born son dahil sa trahedya namatay ng maaga.. lumapit ang lola nung lalaki at sinabing napapaginipan nya ang apo nya na sinasabing gusto na niyang magpakasal at gawan daw sila ng seremonya dahil may pupuntang magandang babae sa bahay nila..
At ayun na nga binigyan yung babae ng tumataginting na ginto at money dowry tapos nag ceremony sila na ang tawag ang ghost marriage.. nanaginip yung lola nung lalaki at nagpasalamat siya kasi tinanggap nila yung babae..
Pinabongga nila ang wedding talaga tapos from then on tinanggap na nilang kapamilya yung babae at pag may large gatherings nandon din ang family nung babae..
Lagi pa din nanaginip yung babae na para bang magasawa talaga sila sa panaginip.. at kinekwento nya yung napapaginipan nya sa family nung lalaki..
Tapos namatay na lang yung bestfriend ng angkong ko makalipas ng tatlong taon.. kaya magkatabi na sila ng puntod nang pinakasalan nya..
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.