Babaeng Nakaitim

13 1 0
                                    

Share ko lang. “Babaeng Nakaitim”

Nangyari ito way back circa 2000, college ako noon. Meron dito sa subdivision namin dati na bilyaran pero ang dadaanan mo ay madilim na eskenita na lubak lubak at puro talahib at kawayan. Naisipan kong magbilyar kasama mga tropa, inabot ata kami ng dis oras ng gabi. Mga bandang 1am, nagpaalam na ako umuwi dahil may pasok pako kinabukasan. Biglang umulan noon, at nagdecide ako na lusungin na lang since walking distance lang naman sa street/bahay namin.

Nothing out of the ordinary, wala akong iniisip na katatakutan since sanay ako sa lugar namin at hindi rin ako matatakutin. Eto na, habang naglalakad ako at papalabas ng eskenita na kung saan matataas ang mga talahib at kawayan, (nakayuko ako dahil sa ulan) napahinto ako dahil may napansin akong babaeng nakaitim (nakaebelo siya at di mo aninag ang mukha) na nakatayo sa dadaanan ko, mga isang dipa ang layo sakin sa may bandang kanan. Dito ko napatunayan na talaga palang hindi na lalakad ang paa mo pag nakakita ka ng ganito na di mo ma explain. Hindi siya kumikilos, hindi ko rin maaninag ang itsura nya, basta andun lang siya nakatayo at animong nakatingin sakin na anytime pede ako sunggaban.

Nilakasan ko ang loob ko at dali dali akong kumaripas hanggang sa kanto, hindi ko sya nililingon. Pag dating sa kanto sakto nasalubong ko yung nagtitinda ng yosi sa bilyaran at tinanong ako bakit daw ako kumakaripas? Sabi ko wala at idinahilan ko na umuulan. Tapos sinabi ko sa kanya kung pwede bako sumabay hanggang bungad lang ng eskinita at may titingnan lang kako ako, in which nagtataka siyang pumayag. Pag silip ko sa dinaanan ko, wala na yung babaeng nakaitim. At dahil doon, nagpaalam nako sa kanya at kumaripas pabalik ng bahay.

Ang nakakapagtaka, wala naman patay o lamay sa lugar na yon ng mga panahon na yon. At sinong matinong tao lalo na’t babae ang tatayo at magpapabasa sa ulan sa kalagitnaan ng madilim na daan na puros kawayan at talahib.

Hanggang ngayon na may pamilya nako, diko parin lubos maisip kung ano yung nakita ko, aswang? multo? Mangkukulam?

Pero yung akala kong ako lang ang nakaranas nito, meron pa lang nangyari sa kaibigan ko na andun din ng mga oras na yon. Nauna kasi ako umuwi sa kanya, pero lalo akong natakot ng ikinuwento na nya kinabukasan kung ano yung experience nya….

Eskenita (Babaeng Nakaitim) Part 2

Read Part 1 first: https://www.facebook.com/groups/letstakutanpare/permalink/808382550981219/

Itutuloy ko lang ang kwento ng aking kaibigan. I added "Eskinita" to the title since eto yung focus ng story namin. And YES, ako yung kaibigang tinutukoy sa huling part sa story nya.

So here's my POV of what happened that night:

Inabot na kami ng late night sa bilyaran, and tulad ng sa kwento ni Stephen, nauna na syang umuwi around 1 AM since may mga klase pa kami kinabukasan. Gusto ko na sanang sumabay umuwi pero dahil biglang umulan and hindi naman ako actually nakatira sa subdivision na yun, I decided na maghintay na tumila ang ulan. So the usual, laro ng bilyar and kwentuhan habang naghihintay. After siguro mga 30mins, medyo humina na ang ulan so nagpaalam narin ako na uuwi na since malayo pa ang uuwian ko. Nag pasya na din yung isang kasama namin na babae na sumabay sakin palabas ng subdivision.

Describe ko lang ang lugar ng bilyaran, part to ng subdivision na hindi pa gaanong developed, wala kang bahay na madadaanan papunta sa main street na sementado at may poste ng ilaw. Hindi sementado kaya lupa lang ang lalakran at mataas na talahib sa magkabilang sides and dadaanan namin bago kami makakapunta sa eskenita that will lead us sa main street. Madilim at ilaw lang ng buwan ang nagsisilbing liwanang habang naglalakad kami, at dahil umulan, maputik at madulas ang daan kaya mabagal talaga ang lakad namin ng kasama kong babae para di kami masyado maputikan.

Nag uusap kami ng kasama kong babae hanggang sa nakarating na kami sa eskenita, madilim parin pero makikita mo na ang main street ng bigla nalang kaming natigilan, biglang nagdilim yung paligid namin, natakpan yung liwanag ng buwan, napansin namin agad dahil nakatingin kami sa maputik na dinadaanan namin para hindi kami madulas pero para kaming sinakluban ng kung anong bagay para magdilim yung eskenita. Normal na reaction namin ay tumingala para tignan kung ano yung nagtakip ng liwanag and dun ko nakita... napakalaking ibon, pinakamalaking ibon na nakita ko sa buong buhay ko! hindi ganun kataas ang pagitan ng paglipad nito sa amin. Napatitig talaga ako, hindi ganun kabilis ang lipad nito, naka glide sya kasi hindi gumagalaw ang dalawng pakpak nito, pero hindi ko na nakita yung buong pakpak nito, naka focus ako sa katawan nito, yung itsura ng katawan nya di ko mapaliwanag, yung dapat na feather na bumabalot sa katawan nya eh parang leather ang itsura, yung parang medyo matigas pag hahawakan mo.

"Ano yan?! ibon ba yan?!" yan ang narinig kong halos pasigaw na tanong ng kasama kong babae na takot na takot. Paulit ulit nya akong tinatanong "Ibon ba yun?" "bakit sobrang laki?" hanggat makalagpas na kami ng eskenita. Sinabi ko nalang sa kanya na "Oo, malaking ibon lang yun" para hindi na sya matakot dahil medyo panic mode sya sa nakita namin. Pero ang daming tanong sa isip ko, bakit sobrang laki naman ng ibon? kahit na katawan lang ang nakita ko, siguro pagtabihin ko yung katawan namin ng kasama ko eh ganun kalapad ang katawan nung ibon. Pangalawang tanong sa isip ko, kung ganun sya kalaki, bakit wala kaming narining na kahit anong tunog ng pagaspapas ng pakpak nya kahit siguro nung papalapit palang sya samin dahil hindi ganun kataas yung lipad nya? At sa laki nya siguro naman eh maririnig namin sya dahil wala naman ibang source ng kahit anong ingay sa dinadaanan namin dahil walang mga bahay. Napansin nalang namin sya dahil sa natabunan kami ng anino nya, pero nung dumaan sya sa taas namin... walang kahit anong tunog kaming narinig.

Kinabukasan ko na nakwento ang nangyari sakin at sa kasama ko kay Stephen nung magkita kami after ng aming mga klase. Nakakakilabot na sabay kaming naka experience ng ganung bagay ng gabing yun, sa kanya yung babaeng nakaitim na may belo and sakin naman yung napakalaking ibon. Naiisip nga namin kung yung babaeng nakaitim at yung napakalaking ibon ay iisa lang.

Madaming taon na din nakalipas after nangyari samin to, di namin inakala na may isa pa palang pangyayari sa eskenita na yun na apat na kaming magkakaibigan ang sabay sabay na makakakita. Isa siguro samin ang mag share nun sa part 3 pag di masyado busy.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon