ENCHANTED FOREST
Kwento 'to ng ate ko nung college sya.
Taga Laguna yung isa nilang kaibigan, so nagkayayaan na magstay dun ng ilang araw. Nagpaalam sya kay mama, pinayagan naman. Paguwi nya, kwento agad sya.
Nung day daw na pupunta na sila sa ilog, sa labas daw papasok ng gubat may tindahan. Sabi daw ng tao dun is magpaalam kay pantas. Yun yata yung bantay ng gubat. Pagkita daw nila sa sasakyan nila, may malaking aso, umupo daw sa ibabaw ng sasakyan.
Pumasok na sila sa gubat. Chikahan pa daw sila habang kumakain ng rambutan. Okay naman daw nung una. Pero biglang sabi nung kaibigan nilang taga dun, parang naliligaw sila. Malapit lang daw yung ilog, eh magiisang oras na silang naglalakad. Umaga pa daw nun pero dumidilim na daw yung paligid.
Habang naglalakad daw sila may biglang nahulog na patay na ibon. Nagkakatitigan na daw sila, natatakot na. Kinuha daw nila yung ibon, pinatong sa malaking bato sa gilid. Dumeretso pa rin daw sila. Dun na nila nakita yung mga kakaibang sizes ng mga gulay. Ang lalaki daw talaga sabi ni ate. Gusto nga daw nila iuwi kaso sabi wag kukuha sa loob ng gubat.
Naglalakad pa rin sila hanggang makarating daw sila sa falls. Parang bangin kasi hindi daw tanaw yung ilalim, hindi kita kung san bumabagsak yung tubig. Dun na daw nagsabi yung isa nilang kaibigan na magbaliktad na sila ng damit and nagpray na sila.
Bumalik daw sila pero hindi na nila nakita yung malalaking gulay. Wala na rin yung malaking bato na pinaglapagan nila sa patay na ibon. Nakita nila yung mga balat ng rambutan na kinain nila habang papunta kaya sinundan nila. Iba na raw yung daan. Tapos may bahay silang nakita, may ilaw pero walang tao. Wala naman daw yun dun nung papunta sila.
Pag labas nila sa gubat, hapon na daw. Umaga sila pumasok dun. Bumaba na daw yung aso sa sasakyan nila. Kinabukasan umuwi na sila ate kasi natakot na.
Paguwi nya, pinakita nya yung video nila na naglalakad, parang palalim na makipot. Kita nga dun na nilalaglag nga nila yung balat ng rambutan. Pero hindi na daw nila yun nadaanan pagbalik. Tinuro nya rin sa video kung san nila nakita yung may ilaw na bahay, sa video walang bahay pero nakita nila dun pagbalik.
Sabi ni mama baka daw kasi maingay sila ate. Nagambala si pantas kaya niligaw sila. Maiingay kasi talaga silang magkakaibigan haha.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.