The Unknown Girl

29 1 0
                                    

THE UNKNOWN GIRL
It's 2013 when this happened, I was 11 years old that time i think this is the time when i started to feel and see entities. I wasn't afraid of ghosts but i'm annoyed with them, Lagi akong nakakaramdam ng kabigatan sa pakiramdam ko, ngalay lagi ang likod ko parang may nakatusok sa likod ko ganon or let's say para akong sinaksak sa likod. Binalewala ko ito dahil baka dahil lang ito sa kabigatan ng bag ko nung elementary dala ko kasi lahat libro tapos nasa 4th floor yung room namin, Meron na talagang nagpaparamdam sa apartment namin at di naman maiiwasan na kahit san ka magpunta ay laging merong entities. Ngunit nung panahon nayon lagi akong naiiwang mag isa sa bahay introvert kasi akong tao di ako masyadong mahilig lumabas ng bahay, lagi akong may nahahagip na aninong itim pero hindi ko ito pinapansin, naglaglagan rin bigla ang mga kagamitan sa bahay, nagbubukas rin mag isa ang pintuan kahit walang tao at di naman mahangin.
      Hanggang sa dumating yung time na may nakita akong babae sa hagdanan namin umakyat ito papunta sa rooftop, sinundan ko ito dahil uso sa lugar namin yung pumapasok na lang bigla kahit hindi mo kilala ngunit pagpunta ko ng rooftop wala namang tao, so bumaba ako uli ngunit habang bumababa ako nakakaramdam ako ng bigat sa likod ko. Pagpasok ko ng bahay nakaramdam ako ng antok dahil pang umaga ang pasok ko, hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako at nakapanaginip ako na may taong humahabol sakin galit na galit at sinaksak ako sa likod. Naalimpungatan ako ng may hangin na dumapo sa tenga ko, pag gising ko 6pm na pero wala parin akong kasama sa bahay. Nagdecide ako na magpicture sa salamin pero nakakaramdam parin ako ng bigat sa likod ko at ramdam ko yung parang saksak sa likod, Wala naman akong nakita after ko magpicture ngunit pagsapit ng hatinggabi tinignan ko yung mirrorshot ko may pigura ng babae na nakapasan sa likod ko, i'll describe it as a kid ages 8-10 yrs old, yung damit niya parang pang communion and she has a bangs, mahaba ang ilong niya she looks like a witch, kinusot ko ang mata ko kasi baka nag iimagine lang ako pero pinakita ko ito sa mga kaibigan at pamilya ko at ganon rin ang nakita nila, may nakapagsabi na kaya raw nakapasan sakin yung batang babae eh dahil naghahanap raw ito ng kalaro at natuwa na ito sakin, ito rin daw ang madalas nakikita ng classmate ko na may third eye na kasama ko palagi ngunit hindi ko alam, lagi daw itong nakasunod sakin, nagagalit raw ito kapag merong gustong manakit. Matagal rin bago ako nilubayan ng batang iyon biglaan nalang siyang nawala nung umedad ako ng disi-sais, Nais ko sanang ipakita ang litrato na nakuhanan ko kaso nandoon yun sa nasirang laptop ko yun lamang sa ngayon mga kaspookify maraming salamat sa pagbabasa!
-itsred




📜Spookify
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon