Kababalaghan sa Paaralan

12 1 0
                                    

Magandang gabi ka-LTaP. Matagal ko nang gusto magshare ng aking kwento dito pero natatakot ako na bka mabulabog ko lamang ulit sila pero inisip ko nman di nman nila nila siguro malalaman hahaha..

Isa akong public elem. teacher dito sa batangas, paniniwala na kc sa school talaga maraming nagpapakita at nagpaparamdam na mga taong sumakabilang buhay na at isa ako sa saksi at nkaranas ng "kababalaghan sa paaralan".
Ilang taon na din ang nkaraan mula ng nagparamdam sila na nadun sila sa room na un kung san ako ang mismong guro. January 9, di ko na matandaan kung anong taon, birthday ng isa sa co-teacher namin, awasan na un(uwian na) nagimbita siya na may pa merienda sya dun sa isang room sa kabilang building kaya pagkatapos kong palabasin ang mga eskwela ko naghanda na ako pagpunta dun, nagkataon na lobat ang aking cp kaya naisip ko siyang icharge muna bago umalis. Inilock ko ang gate ng room ko kasi nga ndun ang fon ko at nkacharge.
Pagkatapos kong makikain sa kabilang building nagready nq umuwe nalinis ko na rin ang room at naisara ang mga bintana at pinto then kinuha ko na ang cp ko na iniwan kong nkacharge. Kinagabihan naisipan kong magbura ng ilang photos sa gallery ko kc nga malapit na mapuno ang memory sa pagbbrowse ko sa aking cp tumambad sa akin ang isang picture na parang makaluma black and white at may 2 bata na nakaputi ang isang bata ay maliit lamang na parang 3 years old nakagown siya or sinaunang dress ng mga bata na puff ang sleeve tapos ang liit ng kamay niya na nkapatong sa desk ng bata na alam ko nman na di ko siya eskwela kc nga ang liit nya compare sa aking grade 1 pupils. Ang isa nman ay nakaupo at nakatakip ang buhok sa mukha na parang nahihiya mag pakita ng mukha. Sa sobrang takot ko na may halong kaba, tumakbo ako palabas ng bahay at pinakita ko sa pamilya ko para di lang ako ang matakot haha dinamay ko na din sila at ang nkakapagtaka nga bakit ganun ang itsura ng picture masyadong makaluma ang pagkablack and white samantalang smartphone na nman cp ko at sino ang nag take ng picture na un.. Di ako masyado pinatahimik nun at di ko nga siya binura sa cp ko.
Kinabukasan ipinakita ko ang picture na un sa aking mga kasama at kahit sila ay natakot din, dun ko din nalaman na nung araw na nagpicture ng ganun sa cp ko meron pang pangyayari sa ibang room, may 2 grade 4 pupils na nagpaalam lamang daw mag cr, pagbalik sa knilang room ay namumutla at nangangatal na sa takot ang dalawang bata  dahil may nkita daw sila sa saradong  room ng kinder na isang batang lalaki na nkaputi na naglalakad sa kisame, sabi ng teacher di nman mukhang nag iimbento ang dalawang bata kc namumutla at nangangatal nga at takot na takot.. ..natakot kmi sa mga ngyari tapos naisip nmin ngyari lamang lahat ng yun sa mismong araw ng kapistahan ng poong Nazareno-January 9.

Saka ko na po icomment yung picture kc nadun po siya sa isang cp.

Saka ko na po icomment yung picture kc nadun po siya sa isang cp

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon