'Dili na kana imong anak.'
Pasyensya na mahaba itong storya na ito gusto ko sana mailagay lahat ng detalye habang naalala ko pa bago ito lumipas saking isip dala ng paglipas ng panahon.
Istorya ko ito noong Marso 1995 ako ay bumiyahe galing maynila patungong Dumagete pumunta ko doon kasama ang aking pinsan para mabisita ang isa pa naming pinsan na doon nagka asawa.
noong panahong yun sobrang probinsya ng hitsura ng pinuntahan naming lugar masukal layo layo ang mga bahay, halos lahat ng bahay walang kuryente sobrang adventure ang pag punta dimo inaakala na may mga barrio sa gitna ng mga gubat.
noong napunta na kami sa bahay ng aming pinsan dala dala naming yung mga gamot na pinabili nya para sa baby nya, kakapanganak lang kasi ng asawa nyang si
ate Noring sa pangalawa nilang anak.cute yung baby mataba, tsaka kahit may sakit di naman pala iyak. masaya sila nung dumating kami dahil minsan lang sila magkabisita galing maynila at lalo na may mga dala kaming pasalubong, gamot at supplies.
kung makikita nyo lang kung gano kaliblib ang lugar siguro maiintindihan nyo rin kung bat sila ganoon kasaya, kailangan mo pa sumakay ng barko, bangka at tumawid ng ilang ilog gamit ang overloaded na jeep para makarating sa kanila.
unang gabi ng pagdating namin doon napansin kona na kakaiba yung katahimikan sa lugar lao na pag gabi, siguro di lang ako sanay dahil ako ay taga maynila.
pag dating nang gabi sobrang nilalagnat yung baby nila sobrang umiiyak din minsan di talaga sya tumatahan hanggang pumutok ang araw. yung panahon nayun nagdadasal ako na sana umigi yung pakiramdam nya sa gamot.ika tatlong gabi ng pagbisita namin doon napansin ko may aso na laging dumaraan at laging naka tingin sa bahay napansin rin nila yung aso sa gabi na naglalakad lakad sa labas pag umiiyak yung bata, di rin naman daw nila kilala kung kanino iyon at dumadaan lang naman daw sa bahay nila paminsan minsan kadalasan pagdating ng 7 ng gabi.
di naman ako nagtaka aso lang naman yon dirin kakaiba hitsura parang normal na aso lang. dumating ang biyernes nanguha kami ng kahoy panggatong at pumunta na rin kami sa mang gagamot sa kanila. gusto kasi nung asawa nyang si ate Noring ipatingin sa mang gagamot yung bata, sumunod lang ako dahil nirerespeto yung paniniwala nila dahil di rin naman ako taga roon at alam mo na kahit paano mababawasan din yung pag aalala ng mag asawa.
nung dumating kami sa bahay ng mang gagamot di ko gusto yung pakiramdam sa loob ng bahay nya parang mabigat pati yung hangin sa loob para bang iba yung pakiramdam sa balat, amoy sinunog na tawas yung bahay may ginagawa kasi syang ritwal at nagdadasal nung kami ay dumating.
mabait ang pag tanggap saming ng matandang lalaki napansin ko sa altar nya maraming maliliit na imahe ng santo na gawa sa tanso na di ko kilala kung sino.
meron ding mga bato na nung aking tinanong kung ano ay ang sabi niya mga bertud daw at huwag kong hahawakan.nag usap sila ng aking pinsan at ikinuwento nya ang nangyari sa kanilang baby. kinabukasan nagpunta yung manggagamot sa bahay nila at inumpisahan na ang gamutan nang matapos iyon ang sabi ng matanda eh kailangan nya raw bumalik at mukhang malakas raw ang nakabati sa baby. kung anuman ibigsabihin nun diko alam.
pero tanda ko noon mukang nag aalala rin ang hitsura nya. ang sabi nya tao rin daw ang may gawa noon sa baby pero di nya pa alam ang pakay nung taong iyon.
sinabihan kami ng matanda na mag rosaryo at bantayan maigi yung bata, binigyan nya rin ng maliit na boteng may langis yung pinsan ko sabi nya bubula raw at mag iinit yung langis sa loob pag malapit yung tao na gumawa noon sa baby nya. nilagyan nya rin ng pin na may beeds yung baby pabigat daw yun para maproteksyunan yung bata medyo natawa pa nga ako nun kase mukang kung ano ano lang yung ginawa nung matanda.
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.