Mga Engkanto sa Campus

12 1 0
                                    

Mga Engkanto sa Campus

Long post ahead mga ka LTaP...

Yung pic po na naka attach ay kuha po sa page ng H.E.S for their Event. Para lang po ma picture out niyo yung School namin na maraming puno especially sa likod.

I just would like to share my true to life creepy experience. Same to sa ibinalita sa TV about sa buong section sa isang School na sinapian pero ours is worst too. Mas nauna lang yung sa amin nangyari. Never naman kaming nabalita sa TV HAHA.

Pasensiya na, hirap ako mag construct ng tagalog sentence😅
_____________________________________

Around May 2017 ata yun sa Province namin sa Leyte, every year po talaga may Youth Camp yung Catholic Church namin sa Mahaplag (Municipality).

That year, yung Baranggay po namin yung host para sa event which is Brgy. Himamara.

Isa po ako sa sumali ng YC namin. Every Baranggay kasi may mga representatives.

So far the event started as normal lang naman, walang kakaiba. Everyone are actually participating and tried our best to welcome everyone and provided the help that they need. Each Brgy kasi ay may mga kanya kanyang Tent or Kubo na tinatayo sa gilid-gilid ng Plaza ng Elementary Campus namin. Siyempre kaming mga haliparot mapababae o Beki papansin sa mga pogi😂  kaya tumutulong sa pagaayos ng mga Tents kunware 😛

Ilang days din yung event. Every morning mga 4AM pa lang, gising na lahat kasi may prayer meeting and exercise eme eme lagi.
May araw na naglilibot kami sa buong Brgy. at mag simba sa Church at dun mag e-event. Everyday din may mga pa games sila as far as I can remember. May times na nag confess ng mga hinanakit sa bawat isa at mag confess sa mga kasalanang nagawa sa buhay eme.😂

On the Final day, may palaro sa umaga and tanghali, sa hapon naman yung Awarding hanggang gabi para kinabukasan magsipag uwian na. Nung umaga na yun on that Final day, may mga games yung katulad ng Tug of War or Hilahan ng Tali at iba pa. Masaya naman kaming lahat kaso siyempre maraming participants kaya sobrang maiingay at magulo talaga. 🤐

Di ako kasali sa hilahan ng tali, nasa likod lang ako katabi ng ibang mga participants katabi ng puno nakikitawa sa kanila kapag may mga natutumba at naiipit😂

Fast forward, hapon na, magsisimula na sana ang awarding sa Gym namin. By the way, yung GYM is katapat lang ng Elem School Campus namin, but for some reason dun na nagsimula ang worst nightmare ng lahat.

May isang participant ang nag collapse at biglang sinapian. Sobrang lakas niya at pilit na nagpupumiglas.  Hanggang sa sunod-sunod talaga may nahihimatay at sinasapian. What is more creepy is that sabay-sabay silang sumisigaw. Imagine, malaki ang Gymnasium namin at sa magkabilaang side isa-isang nahihimatay at sabay-sabay na sumisigaw.  Pinag form kami ng big circle while nakatayo habang nagdadasal para daw di kami maubos masapian.

First time kong ma experience na manlamig at kilabutan to the bones. Yung feeling na ang bigat sa pakiramdam. Habang nasa circle kami nagp-pray, may parang kung anong sumakay sa akin. Ang bigat sa balikat tapos yung kanang paa ko parang dinidiin pababa para matumba ako. Good thing di ako binitawan ng katabi ko tapos pinag pray kami ng seryuso and a bit louder. Sobrang bigat sa pakiramdam nung time na yun. So far malakas ang fighting spirit ng lola niyo kaya di ako nahawa dun.

May nakaisip na ipaghiwalay yung mga nasapian para daw di kumalat sa iba.
Pinapalayo yung mga mahihina ang loob at may mga pinagdadaanan sa buhay, mabilis daw kasi  masapian ang mga mahihina ang fighting spirit nila. Parang nahahawa yung iba pag tinititigan nila sa Mata. Lumilipat daw kasi yung entity,  pumapasok daw sa window of soul natin.

So ang ginawa nila ay dinala sa malapit na bahay yung isa na taga amin. Ang creepy lang, kasi maririnig mo talaga yung sigaw na sabay-sabay talaga sila kahit ang layo nila sa isa't isa. Ang daming nagtutulungan kahit mga Tatay at Nanay na mga taga amin pinapapasok na sa Venue kasi di na kinakaya ng mga Organizers.

Nagbabayanihan sila, pati mga ibang relihiyon, pumunta para tulungan kaming lahat. Pinagdadasal nila kami.

Inabot po kami ng gabi, yung isang nasapian taga ibang Baranggay nakawala, tumakbo sa loob ng School campus at umakyat siya dun sa isa sa mga malaking puno ng Caimito.  Dun siya sa may mataas na sanga sa likod ng School kung saan katabi ng bahay na may nag big-ti.

Inakyat siya ng mga kalalakihan at pilit na pinapababa. Sinasabi niya na dun daw siya nakatira at di na daw mababawi yung katawan nung babae sa kaniya pero so far nakuha naman nila siya at nagawang ibaba at dalhin sa Gym.

Back to the friend of mine na sinapian din, dinala siya sa bahay ng taga amin tapos dun siya sinubukang pagalingin. Sobrang lakas niya at nagwawala. Nakakarindi pakinggan yung pasigaw na pagmumura niya in Bisaya. Sabi niya "Y*wa, y*wa, y*wa".

Pag ginagamot siya ng mga healers emerut ng mga matatanda at pag dinadasalan siya, bigla siyang bumabalik sa tunay na siya. Umiiyak at sinasabing ayaw na daw niya. Natatakot daw siya eme ganun, tapos maya-maya masasapian na naman ulit.

Nung okay na siya, nilipat siya sa Lola niya sa malapit lang din pero biglang inatake na naman.  Binudburan siya ng asin at nagpupumiglas siya at umiiwas siya sa asin kahit di niya nakikita.
Sinubukan nilang lagyan siya ng asin sa likod, nakikita niya kahit nakatalikod siya, nagagalit at nagwawala.

I cannot say na himala pero for some reason, may dumating na Madre. Sabi niya kino-kontak daw siya ng friend niyang entity din at sinasabi sa kanya na nangangailangan daw kami ng tulong.

Imagine around 1AM na nung dumating siya. May kasama siyang isang bata na mahina, dun niya pinapa sapi yung Engkanto para kausapin siya kung anong rason bakit sila nanggugulo sa Event namin.

It turned out na ang pangalan ng Engkanto ay Maria. Galit na galit siya kasi natigibels daw ang anak niya kasi naipit ng mga participants ng hilahan ng lubid habang nanunuod ito sa laro sa bandang likuran.
Di daw sana mangyayari yun kung di kami dun nag Camp. Nadidisturbo daw namin sila sa ingay kahit sa madaling araw na oras daw nila, ang iingay daw namin.
Habang kinakausap siya ng Madre, malalaman mong ibang entity ang sumasapi kasi iba ang boses at pula ang mata. Umiiyak siya at galit na galit. Sabi ng Madre na bakit kami ang sinisisi eh di naman namin sila nakikita Dapat sila na lang ang mag adjust kasi sila naman ang nakakakita sa atin.
Sabi niya na wala daw kaming respeto at dapat daw patas kasi di lang naman daw tayong mga tao ang nakatira dito sa mundo. Mas swerte pa nga daw tayong mga tao kasi may pag asa tayong mapunta sa langit, sila daw, wala na  kasi tinakwil sila ng Diyos.

After a long discussion, sabi ni Maria na Engkanto na di lang daw siya ang sumapi, yung iba din daw nilang kasamahan kasi galit daw sila sa amin. Buhay daw ang nawala, buhay din daw ang kapalit.
Di pumayag ang Madre.
Kung di daw sila papayag na makipag ayos, ipapasunog at ipapaputol yung mga tirahang puno nila sa School namin, sabi ng Madre.

Umiiyak si Mariabels pero kalaunan ay pumayag naman.  Tinuro pa niya kung nasaan ang iba niyang kasama na sumapi. Tinuro niya banda sa pader ng Campus namin nakaupo daw ang karamihan sa kanila. Kung gaano daw kami karami sa Baranggay, mas madami daw sila. Anyways umiiyak pa din siyang lumisan sa katawan nung batang sinapian.

Tinapos ng Madre ang kaguluhan at pinapapunta kaming lahat sa Campus at pinaikot ang buong Campus habang nanghihingi ng Sorry.
Natapos ang lahat mag alas 4 na ng madaling araw.

Kinaumagahan natawa ako sa friend ko kasi wala na siyang boses. 🤣

Few days after that, may ibang participants pa din ang sinusundan at sinasapian. May mga umalis na nga at pumunta dito sa Manila na sinusundan pa din at sinasapian kahit malayo na sa amin. Pinagamot naman sila at so far wala na akong naririnig na mga sinasapian pa din.

Mula nun, never na silang nag Youth Camp sa Baranggay namin.  Sa ibang Baranggay na lang daw kasi nadala na sila .

After few years napag kwentuhan namin ng friend ko. Sabi niya, wala daw siyang kaalam alam sa nangyari at that time. Pag gising daw niya kinabukasan wala na siyang boses, ang sakit pa  daw ng lalamunan niya at sobrang alat kasi binuhusan daw siya ng asin sa bunganga😂

Even up until now tinatanong ko pa din sarili ko how is it even  possible? Di ko ma explain mga pangyayari even if we will apply Science. 🤦‍♀️

The End



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon