Since i start & end my day reading stories sa page na ito.. bumabalik mga experiences ko.. ang share ko po about nightmares & sleep paralysis.. not as scary like stories dito ng mga sisters ko & pamangkins... pero thinking about it now i think its strange & weird ..
Naniniwala ba kayo na pag malapit daw sa Diyos mas marami ang mga oppression na dumarating?
In my case, di problems or trials ang dumating but i would say "oppressions"... things/ events that can distract me from concentrating on my service to the Lord..
Years ago, active ako sa church activities & Charismatic movement.. nag pray over kmi sa mga parishioners, my group also got invited to conduct LSS seminars.. sbi ng spiritual adviser ko that time, marami daw ksi akong na napapalapit na tao sa Diyos kay ayaw ng demonyo kya tinitira ako ng mga oppressions .... basically i would say normal lng naman ang lifestyle ko that time but since i started sa church activities ko madalas na ako maka experience ng nightmares.. madalas pag nasa flights ako.. mas marami akong nightmares sa mga hotel stays ko rather than at home.. i think its because mas pagod ako & di protected.. sa bahay ksi i feel secured i have my family around me, may altar kmi, postive vibes lang ang family & madasalin kmi lahat esp. my mom...
Sa mga layovers ko, un flying partner ko madalas nya ako ginigising ksi umuungol daw ako. Sabi nya lagi na sya puyat 😜 Kaya ginagawa na namin pinagtatabi na lng namin un bed pra madali nya marinig if im having nightmares.. mind you ang tulog namin is during the day hindi sa gabi pero malakas pa rin un negative energy.. dumarating kmi sa hotel madaling araw na so konti time na lng maliwanag na.. one time alam ko gising pa ako, nagdadasal pa ako naramdaman ko na bumababa un isang side ng bed. Nakadapa ako so na- feel na un isang side ko bumaba as if may umupo.. i tried moving but di ako makagalaw, i tried to continue praying un memorized ko pero di ko matapos-tapos so nag personal prayer na lng ako.. habang nagdadasal ako naramdaman ko may malamig na hangin sa may tenga ko at parang may bumubulong... impossible aircon un ksi kung arcon dapat consistent ang hangin pero one time ko lng un naramdaman. Kinilabutan ako at nanlaki ulo ko! After a while, na feel ko un kamay ng friend ko sa balikat ko, sbi nya matagal na nyang tinatawag un name ko ksi umuungol na naman ako pero di daw ako nag react kya hinawakan na nya ako.. ( i believe mas effective po if may nag nightmares at need gisingin na hawakan sila pra whatever it is holding them ma break un)
There were times i would wake up (feeling ko gising ako pero bka tulog din ako) na may nakikita akong dark shadow on top of me & di ako makagalaw... un heart ko sobrang bilis tibok & hingal na hingal ako.. minsan naman i would suddenly wake up & i would see a dark figure at the foot of the bed.. i cant say i can see human figure, ksi para syang may hooded cape.. pero in my mind i know nakaharap sya sa akin.! Minsan pareho kmi ng friend ko na same ang panaginip.. the hooded figure!
Buti na lng di ako iniwan ng flying partner ko 😂 ksi pati sya nadadamay sa mga oppression ko! Nagdadala na lng ako ng blessed salt & holy water for protection. And before sleeping after praying, i make several sign of the cross sa air..But one incident na talagang natakot ako is when half sa crew same ang panaginip! 6 of us had the same dream.. We always stay at the same hotel naman & wala pa nman kmi narinig na kwento na pareho pareho sila ng panaginip.. late ng gabi ang pick up namin for a flight so ang tulog ko was after lunch.. nagising kmi ng friend ko earlier than the alarm & nakita ko sya naka upo na sa may door smoking na.. ako naman gumising ng hingal na hingal at kabado so nun nakita ko sya na gising na bukas agad ng ilaw.. nakita nya un face ko kya nagtanong sya if nanaginip na naman daw ako.. sbi ko ang weird ksi this time 3 figures ang nakita ko.. all dark shapes lang kita talaga ksi un room namin lagi may illumination ng light from the bedroom. Di naman total darkness ang room namin. Biglang nanlaki mata nya ksi un din daw ang napanaginipan nya.. 3 dark shape, nakatayo sa paanan ng bed.. di kita ang face pero this time kita ang shape ng head & shoulders... 3 diff size.. ang joke nga namin small, medium, large sila! Parang papa bear, mama bear, baby bear! 😂
I can remember un nasa left un pinaka malaki, un smallest sa gitna & right un medium size... ganun din daw nakita nya.Upon check out namin sa hotel, nakita ko masama un mga mukha ng mga kasamahan ko.. usually pag pauwi na ng Pilipinas excited kmi lahat kwentuhan galore, recharge for the flight pero that time ilan lng ang masaya.. so nagkalokohan na di yata nakatulog ang karamihan kya mababa ang energy.. nagulat na lng ako ng may nagsabi binangungot daw sya may nakita sya 3 dark figures sa room nya! Hala, pareho kami! Then un ibang girls nagsabi din na ganun din daw un panaginip nila then they started describing un nakita nila... exactly the same sa amin ng friend ko! So kinabahan kmi lahat.. isang warning ba un? Isa ba syang pangitain na may mangyayari sa flight namin? Ginawa na lng namin pag sakay sa bus nag dasal kami lahat na maging safe un trip namin.. awa ng Diyos wala naman nangyaring masama.. pero that was the first & only time na narinig ko may mga tao na pareho ang panaginip all at the same time... pwede pa mangyari ang ganun...
After ilan years, di na ako naging active sa church. At tumigil na rin un mga panaginip na di maganda.. same hotel pa rin naman kmi nag stay pero wala na akong mga nightmares 😂 either naging manhid na ba ako ksi tumanda na or tumigil na rin ang oppressions ksi di na kailangan akong ma distract 🙄🙄🙄 just wondering?
📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.