Silhouette
"I don't know kung dapat ko pa ba itong i-share. Di rin naman kasi ma-e-erase nito yung na-experience ko. Ewan. Shit. Simula nung mangyari 'to, hindi ko na kayang mag-isa kahit saan. Pakiramdam ko laging mangyayari yun.
August 15, 2015. Walang pasok nun. Kinagabihan umuwi ako galing gala. Pagod nako, kaya kahit gutom pako gusto ko na matulog. Pero dahil ako yung last umuwi, ako yung in-charge sa pag-sure na okay yung bahay. I mean, sa locks, sa saksakan, sa pagpatay sa ilaw. Lahat. Pagkapatay ko dun sa last ilaw. Inunlock ko phone ko para magsilbing ilaw ko papuntang kwarto. Di ako natatakot kasi lagi namang ginagawa. Kahit umuulan pa nun at may pagkidlat pa.
2am na at tulog na yung kuya ko (dalawa kami sa kwarto). Siya yung nasa kama, na dating kama ni Mama pero dahil patay na si Mama. Siya na yung gumagamit. At ako, sa foam lang ako. Ang formation ng higaan ko is nakatapat sa bintana. Along the highway kami kaya may ilaw na umaano kapag may dumadaang kotse. Katabi ko yung ilalim ng pinagpapatungan ng kama ni kuya. Dun ako nakaside sa tuwing matutulog ako. Para lang siyang wall kasi total blackout kasi lights off din kami sa kwarto.
2am. Nakatingin lang ako sa bintana, pampaantok. Tinitignan ko lang yung ilaw na gawa ng mga dumadaang kotse. Nung hindi pa rin ako makatulog, nag cellphone muna ako. Ewan ko kung ano pumasok sa isip ko nun, at naisipan ko magbasa ng horror stories. Di ko pa alam ang spookify nun. Binasa ko yung bloody mary. Yung chant. At kung anu-ano pa. Nung natakot nako tinigilan ko na. Pero shit. Naiihi ako. Inisip ko iihi pa ba ako? Patay na lahat ng ilaw, at nakahiga nako. Nakkatamad ng tumayo ulit. Pero mas lalo akong di makakatulog kapag di ako umihi. Kinuha ko phone ko at lumabas. 1% na yung battery ng cellphone ko kaya kunting ilaw na lang yun. Pero pwede pa. Nagmadali ako umihi kahit sa sahig na, maka-ihi lang. Tumakbo ako papunta ng kwarto kasi nag warn na yung cp ko na mag ooff na. Tumama pa yung paa ko sa lamesa. Paghiga ko, ambilis ng kabog ng dibdib ko. Before ako matulog, tumingin ako dun sa ilalim ng kama. Triny kong ilawan yun gamit yung cellphone ko na malapit na mag off. Inumpisahan ko sa baba, tas nung inano ko kaharap ko. Shit lang talaga. Putang ina, tumaas balahibo ko habang tinatype ko to. May nakahiga na katawan na patalikod din. Gusto kong sumigaw kaso walang lumalabas sa lalamunan ko. Shit. Tumingin naman ako sa bintana. Putangina. May anino na nakatayo sa labas ng bintana. Di ko na kinaya, pumikit ako at sumigaw nako. Gumising yung kuya ko, gulat na gulat. Kahit hawakan na niya ako nun sumisigaw pa rin ako. Ayokong dumilat kasi inisip ko na baka mukha nung multo yung makita ko kay kuya. Nagising yung isa ko pang kuya mula sa isa pang kwarto. Narinig ko yung boses niya, ilang beses niya binabanggit pangalan ko at niyugyug ako kasi nanginginig na daw ako nun at nakapikit pa rin at umiiyak. Nung naaninag kong bukas na yung ilaw at nung narinig kong nag-crack na yung boses ng kuya ko at niyakap nila ako, dun ko naramdaman na safe nako. Sinubukan ko nang buksan mata ko. Wala na. Tumingin ako sa bintana. Wala na din. Pero di ko kayang tumingin sa ilalim ng kama ni kuya. Nangangatal yung boses ko nung sinasabi ko yung, ""Ku-kuya, s-sa i-iilalim"" tinuturo ko yung ilalim ng kama ni kuya. Tinignan nila, wala naman daw.
Di nako nakatulog nun. Sinamahan nila hanggang pagsikat ng araw. Simula nun sa kama nako natutulog. Bukas na yung ilaw. May kurtina na sa bintana. Minsan, kahit umaga o tanghaling tapat. Naiisip ko na baka magpakita siya sakin sa school. Sa jeep. Sa lahat. Hanggang ngayon nag-aadjust pa rin ako. Sinabi ko to sa mga kaibigan ko, dahil dun sinasamahan na nila ako lagi. Nahihiya nako minsan kasi kalalaki kong tao ganun. Hanggang ngayon, pinipilit kong maging okay. Kalimutan yun. Sinusubukan kong matulog ulit ng walang ilaw. Pero mas lalo lang ako na-trauma kasi napapanaginipan ko yung nakahigang katawan sa ilalim ng kama at yung anino sa bintana. Kahit yung kuya kong panganay natatakot na para samin. Pinadasal niya yung bahay. Kahit ganun, di pa rin ako mapanatag. To the point na ayaw ko na matulog. Lumala na talaga. Ako na nagsabi kay kuya na ipa-mental check up na niya ako. Pero wala pa rin. Parang mas lumala pa. Kasi kahit pumikit ako nun, naaalala ko na agad yung nakahigang katawan at anino. Lumipat kami ng bahay. Dun lang ako napanatag. Pero hanggang ngayon, may takot nako sa pagtingin sa mga ilalim ng kama. "
Sennahoj
📜Spookify
▪︎2015▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.