LOLA/NURSE

136 4 1
                                    

LOLA/NURSE

Hi Spookify readers! Ewan ko lang if scary siya pero still ichi-chikka ko pa rin sa inyo ang nangyari noong nago-OJT pa kami sa Pampanga. We stayed at Pampanga for almost 2 months. Sa isang apartment lang kami nagstay ng classmates ko. Mga 13 kaming lahat. May wifi tapos aircon, isa ang cr sa taas tapos isa sa baba at isa sa likod sa labas, tapos 3 ang room sa taas. May limang double deck sa room naming mga girls and 4 sa boys tapos may isang double deck sa isa pang room na parang for extra people.

At first, wala namang kababalaghan na nangyari. Pero mga after 2 days of staying, nagrereklamo na ang 2 sa classmates ko na girl dahil hindi sila makatulog ng maayos. Lagi silang nagigising ng 1am tapos mga around 5am na makakabalik ng tulog. They would hear someone na parang naga-attempt to open the girl's room or sometimes hear someone na nago-open and close ng door sa kabila. Sometimes they hear some footsteps sa room namin na parang may naglalakad na tao kahit na wala. Pilit man nilang hindi pansinin kaso papansin raw talaga.

Before nagstart ang ojt namin (Kasi need namin magwait ng matagal for confirmation sa o-ojthan namin and wala pa kasi kaming ID kaya di kami pwedeng pumasok), we decided to go doon sa Haunted Hospital. Wala lang. Naintriga lang kami ng classmates ko kung ano'ng mayroon doon. Tapos yung caretaker ng apartment, may ikinuwento sa amin. Sabi niya, may namatay na raw noon sa apartment; isang nursing student. Kaso doon daw sa kabilang apartment namatay. Tapos 'di kami naniwala kasi parang hindi naman doon sa kabila namatay yun e. Parang sa amin naman tapos parang sinabi niya lang yun para hindi kami matakot.

Pero actually natakot talaga kami. Syempre alam na namin na totoo pala yun, na may something pala talaga doon sa apartment. Kaya nga rin sabi ng caretaker ng apartment, kaya hindi sya natutulog sa amin dahil mahilig daw tumambay si Lola sa sala. Oo, Lola ang tawag namin sa kanya because para hindi niya malaman na sya ang tinutukoy namin. After nung comversation namin ng caretaker, doon na kami mas natakot. Eh sino ba namang hindi matatakot diba lalo na kapag nalaman mo na yung mga revelations niya about sa apartment?

One time, nagskype kami ng Ate ko. Since tulog na ang mga classmates ko, doon na ako sa labas ng room naglaptop, doon sa may plantsahan ng mga damit. At first, may kasama pa ako sa labas na ka-video call rin ang mga lovers nila. LDR sila, e. Haha. Hanggang sa ako na lang ang naiwan. Ewan ko ba pero feeling ko laging may nakatingin sa akin. I felt uneasy. Tapos may naririnig pa ako sa baba sa may kusina na parang may nagpe-prepare ng mga plato tapos may footsteps pa na parang paakyat. At kahit na takot na takot na ako, nanatili pa rin ako sa labas and hindi ko na lang pinansin. Inisip ko na lang na baka sa kabilang apartment yun. Lol. Inuto ko lang ang sarili ko.

Kasama ko nung time na yun ang team gravy. Last day na ng OTWOL nun so nanood na kami ng tv. *KAWAY SA MGA OTWOLista at fans ng JaDine d'yan! Haha!* Lahat kami tutok na tutok sa tv, walang pinalampas na sandali kasi nga syempre last na yun ng otwol, e. Lahat sila may kanya-kanyang pwesto sa upuan. Yung isa nakahiga na sa upuan habang nanonood then yung iba nakalean ang likod nila sa upuan. Yung round table ay medyo malayo mula sa kanila so hindi nila maabot yun. Dun nakapatong ang remote ng tv. Nagtake ako ng video nung time na nagkiss na ang JaDine on screen! Shems! Sino ba naman ang hindi kikiligin diba? Lahat kami napatili dahil sa sobrang kilig. Rinig na rinig pa namin ang tili rin ng mga co-ojt's namin sa kabilang apartment na halatang nanood rin ng otwol at kinilig dahil sa JaDine.

Pero thongnuuugh lang talaga. Habang kilig na kilig kami, biglang na-off ang tv namin tapos biglang nablanko! (Naging blue ang screen nung biglang pag-on after nung na-off ang tv!) Naisali ko pa yun habang nagvivideo ako! Tapos ang tagal pa bago namin ulit naayos ang tv at napanood namin ulit ang otwol. Thongnugh lahat kami parang hindi nakakibo dahil sa nangyari, parang bigla kaming nagtaka na wala namang gumalaw ng remote para i-off or i-change sa ibang channel yung tv! Huhu sayang yung ibang scenes na hindi namin napanood.

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon