Ate Lori

20 1 0
                                    

trigger warning: sudden d3ath and $uïcīď3

long post ahead!

May bestfriend yung mama ko dito sa lugar namin, tawagin nalang natin siya na 'Ate Lori'.
Nawalan si ate Lori ng asawa last May 2021 due to cãrdiąc arr3st sa bahay nila. Iyak kami nang iyak nila mama nung humangos sa bahay anak ni ate Lori para sabihing wala na daw si papa nila.

After mawala ng papa nila, nakakuha sila ng mga pension from govt at pinapagawa nila yun ng isang paupahan sa likod bahay nila and Dec 2021 ng may unang unang tumira sa bahay na yun ay isang pamilya from province sa Mindanao. Lumipat sila dito sa Manila kase mag-aabroad mama nila and yung papa nila dito rin na assigned yung work as trailer truck driver. Meron silang 3 na anak, eldest is prolly 17 at that time then around 8 and 4 yung second and youngest. Since nung nakapag abroad mama nila and pag may duty papa nila, binibilin lang sila kay ate Lori dahil walang matandang nagbabantay sa kanila. Since modular at that time, nakakasama ng mga bata kuya nila sa bahay kahit papaano.

Yung kuya nila wala gaano kakilala dito dahil bagong lipat sila. Hirap siya makipag socialize sa ibang mga binata dito kase hindi niya gamay mag Tagalog. So either mobile games or nagbabantay lang daw talaga ng kapatid sa labas ginagawa niya.

Fast forward January 2022, nagbabantay ako ng tindahan namin mga 3 bahay layo kila ate Lori nang may dumating na mobile ng barangay at huminto kila ate Lori. Dumating si mama sa tindahan at sinabihan ako na may nag bïğtï kila ate Lori. Nagmadali ako pumunta sa bahay nila at nag iiyakan mga bata kase kabado kami baka yung panganay nila ate Lori ang nag ganun kase grabe lungkot ng panganay nila nung mawala papa niya.

Edi tinanong ko sino hanggang sinabi sakin na yung kuya daw ng mga bata yung nawala. Ang nakakalungkot pa ay yung kapatid niyang 8 years old ang nakakita sa bintana dahil maghahapunan na at di daw sila makapasok sa bahay. Binuksan ni ate Lori yung pinto dahil may susi siya as landlady at dun na tumambad sa kanila yung scenario. Si ate Lori ang nag putol ng tali sa sobrang panic at pag aakalang kaya pa maisalba pero wala na. Hapon palang pala sinilip na nung batang 8 yrs old ang bintana at nakita na niya kuya niya na ganun ang nangyari. Hindi lang masabi ng bata nung una dahil sa gulat at takot.

Dumating mga pulis ng bandang 9pm at inalalayan kami. Ako nagpakain sa mga bata dahil umiiyak sila at gutom na gutom na. Hinahanap pa nila mama nila na nasa abroad pati papa nila na may byahe sa Tarlac. Kaya ako nagpapakalma sa kanila. Tinawagan na rin namin mama nila na nasa Saudi para ipaalam at lalo kaming nag iyakan.

Sinabi ng mga pulis na tirikan raw namin ng kandila ang pinto ng bahay. Nagdala kami ng 3 kandila, sinamahan kami ng pulis pero hindi sila lumapit sa pinto. Ako lang naglakas loob na lumapit at mag sindi. Yung mga kandila namamatay kahit kakasindi palang nila. Ipinagsawalang bahala ko nalang baka hangin lang. Nung nakalayo na ko sa pinto, namatay ulit lahat ng kandila so binalikan ko para sindihan. Pag lingon ko sa likod ko wala na pala yung mga pulis na kasama ko iniwan na ko. Doon ako nag decide na silipin yung katawan at ipagdasal. First time ko nakakita nang nag bïģtī at nagulat ako na ganun pala nangyayari sa katawan nila. Pinagdasal ko yung kaluluwa ng namayapa at bumalik na ulit ako.

Dumating mga papa niya mga 1am at nag decide sila na hindi na magpapa autopsy at dalhin nalang sa punenarya. Hindi nila sure kung dahil sa girlfriend na nakipag hiwalay o dahil sa pag alis ng mama niya ang dahilan. Walang iniwan na note. Pinabuksan lang nila cellphone nung binata at dun nakita na deleted lahat maliban sa picture nilang mag nanay. :(

Matapos nila umalis kila ate Lori, siniraan na ng mga marites paupahan ni ate Lori kesyo malas na daw at wag na tirhan. Di naman kasalanan ni ate Lori ang nangyari at naghahanap buhay lang yung tao bilang single mom. At inaaway lahat ni mama mga naninira kay ate Lori.

After ilang months, summer ng 2022 is season ng mangga. At dahil may puno ng mangga sila ate Lori ay dun kami nakatambay palagi nila mama. April yun sa pagkakatanda ko, may nakita akong lalaki na nakatayo sa may bandang puno. Malaking tao na naka white. Nakatalikod mula sa view ko kaya hindi ko ma-distinguish kung asawa ba ni ate Lori yun or yung nag bīgťî na binata. Sure ako na may nakita ako dahil bata palang ako may times na pasumpong sumpong ang mga nakikita ko at wala namang lalaki sa bahay nila ate Lori nun dahil may gate ang bakuran at naka lock yun dahil puro babae lang kami doon. Dagdag pa na wala pang nakatira sa paupahan nung panahon na yan.

After nun, wala na ko ulit nakita. Hindi rin masabi ni ate Lori kung asawa ba niya yun or yung binata dahil parehas silang naka white nang mawala sila sa bahay na yon.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon