My Dade, My Savior

12 2 0
                                    

MY DADE, MY SAVIOR
PART 1

TRIGGER WARNING: S*ICIDE

This is not a work of fiction, everything that I'm about to share here ay true experience ko. May kahabaan po ito, sana may magtyaga na basahin.
___________________________________________

Naniniwala ka ba na kahit wala na ang mga mahal natin sa buhay, kaya pa rin nila tayong  protektahan? Kasi ako sobrang naniniwala ako dahil naranasan ko.

YEAR 2010
Kaka-turn 18 ko lang nung namatay si Dade (tatay ko). He died nung mismong birthday niya at katatapos lang din ng debut ko. Magkasunod lang kasi ng araw ang birthday naming dalawa. August 20 ako, siya 21. Sobrang sudden ng death niya kaya mas masakit. Dead on arrival sa ospital. Nabilaukan lang.

Dade's girl ako. Spoiled na spoiled niya ako kaya palaging nagagalit si Mame (nanay ko) sa aming dalawa kasi lagi daw niya ako kinukunsinte. Feeling ko si Dade lang ang kakampi ko, lahat kasi ng mga kapatid ko malaki ang agwat ng edad sa akin kaya wala akong close sa kanila noon. Si Mame naman, palaging mainit ang ulo dahil pagod lagi sa trabaho, wala nang oras sa akin (noon di ko 'to naiintindihan, syempre ngayong may anak na ko gets ko na).

Nagkwento lang ako ng konti for you to understand why I was so devastated, heartbroken and shattered when Dade passed. I was s*icidal at that point. Imagine that last candle in the middle of darkness? Si Dade 'yon for me. Hanggang kamatayan, pinoprotektahan niya pa rin ako.

When he passed, nung wake niya, sa akin lang siya nagpaparamdam at nagpapakita sa panaginip.

1st:
Napanaginipan ko siya na nakaupo katabi si Mame. Nagbibilin siya sa akin. Napakalinaw na para bang totoo talaga. Sabi niya, "Anak, dadating at dadating tayo sa punto na ito. Huwag ka nang malungkot. Isipin mo na lang palagi na nandito lang ako. Ingatan mo palagi sarili mo, yung mga ate at kuya mo. Lalong lalo na si Mame mo". Niyakap at hinalikan niya ako sa panaginip na yon at nagising ako na humahagulgol na ako at ramdam na ramdam ko pa yung yakap at halik niya sakin.

2nd:
Napanaginipan ko na nandon kami sa sementeryo kung saan siya ililibing (at that time nakaburol pa lang siya kaya future tense hehe). Nakita ko siyang nakatayo sa puntod niya at nakangiti sa akin. Gustong gusto ko siya yakapin noon, at gustong gusto ko na sumama sa kanya. Hindi ko na kasi talaga kaya noon, gusto ko na din mawala. Hinahabol ko siya at nagmamakaawa akong isama na niya ako pero hindi ko siya mahabol. Nakangiti lang siya na papalayo ng papalayo sa akin. Nagising na naman akong umiiyak.

3rd:
After ng libing, nakatulog ako. Sa sobrang pagod sa paglalakad, pag-iyak, at puyat ng ilang araw, hindi na kinaya ng katawan ko. Naalimpungatan ako na may yumayakap sa akin. Hindi ko pinansin at natulog ulit. Paggising ko, ramdam ko pa rin yung yakap niya. Si Dade pala yon. Namaalam na. After non hindi na siya nagpapakita sa panaginip o nagpaparamdam.

Naging pariwara ako pagkatapos non. Nagrebelde ako. Hindi na ako pumapasok. Nadepressed ako that time pero dahil wala naman nakakaintindi sa mental health issues noon at ang nasa isip ng lahat ay nagpapapansin ako, hindi ako nabigyan ng tamang guidance at support system. I'm losing it, at literal na mag-isa ko lang nilalabanan lahat.

4th:
At that point, doon ko na naisipan na i-un@live ang sarili ko. Lasing na lasing ako noon. Nung hawak ko na yung kutsilyo at akmang gagawin ko na, may biglang bumatok sa akin ng malakas. Sa sobrang lakas nahimasmasan ako. Alam kong si Dade yon, at umiyak lang ako ng umiyak pagtapos non.

5th:
One time naglalakad ako, sa sobrang wala na sa hulog ang pag-iisip ko, balak ko na magpasagasa sa mga truck na dumadaan sa highway (sobrang depressed po ako talaga nito at wala akong support system dahil walang gustong umintindi sa akin, nakakasad pag naaalala ko ito, gusto ko yakapin yung younger me), pero bago ko pa yun magawa, nakita ko si Dade sa kabila ng highway, sinesenyasan ako na tumabi. Parang shinu-shoo niya ako. Alam kong siya yon, kahit malayo pa lang alam kong siya yon. Napatigil ako, nung may dumaan na malaking truck nawala na rin siya.

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon