NLEX Mexico

68 3 0
                                    

NLEX Mexico

Sales ang nature ng work ko. Madalas nasa field ako pero minsan call to office kami (Office sa BGC story). Ang area ko mula Bulacan to Ilocos. Madalas ako dumadaan sa NLEX, SCTEX, TPLEX. I have several travel stories, pero for this one, focus muna tayo sa NLEX along Mexico. South bound lane ito sa pagitan ng Shell Acli-Mexico Exit-San Fernando Exit. Lagi may accident sa section ng NLEX na to. Both sides yun. North bound man o south bound. May nahulog sa center lane. Multiple collisions. May bumangga sa barrier sa shoulder. Etc.

Madalas ako ginagabi sa byahe, lalo na kapag galing ako outbase (Angeles, Tarlac, Nueva Ecija, Pangasinan, Baguio). Nagstop over ako sa shell acli to refuel tapos byahe na ulit. Hindi ako natatakot tumingin sa rear view mirror kahit gabi nadue to safety reasons. Driving lang to the tune ng opening song ng naruto, silhouette ng kana-boon 😅.

Tapos parang biglang nagslow mo mga bagay. Nawala music. Pagtingin ko sa rear view mirror, may nakita akong babeng may mahabang wavy na buhok. 😱 Nakalugay paharap buhok nya kaya natatakpan mukha nya. Transparent sya pero well defined details nya. Nakaupo sya sa gitna. Parang tumayo lahat ng buhok ko sa ulo sa gulat. Hindi ako nagpanic kasi hindi naman yun ang unang pagkakataon na nakakita ako ng kakaibang nilalang.

Kalma lang. Steady hawak sa manibela. Steady lang din tapak sa accelerator. Tingin din ako agad sa harap. Tapos, nagsudden stop yung 10 wheeler truck sa harap. Buti na lang nakita ko agad at hindi ako nag focus sa babae sa likod kasi kung hindi, multiple collisions na naman yun at nasandwhich ako ng dalawang truck. Truck din kasi kasunod ko sa likod. Split seconds lang lahat ng ganap na yan. Nawala rin agad yung babae sa likod. 😅

Huminto ako sa Caltex after ng San Fernando exit para magpakalma, magdasal, at magspray ng holy water sa likod at buong kotse na rin. Nakauwi ako ng ligtas ng gabi na yun. Salamat sa Diyos.

Akala ko yun na una at huling encounter ko. May susunod pa pala. The same route at routine. Southbound ako. Nagstop over talaga ako sa Shell Acli para magpahinga mula sa long drive at magrefuel na rin. Resume na ako sa driving. Si Taylor Swift naman kasama ko sa byahe 😅. Concert lang ang peg habang lumilipat tingin ko mula sa harap at rear view mirror.

Sure ako na may kasunod ako sa likod kasi maliwanag ang view mula sa rear view mirror. Drive lang. Clear naman sa harap. Tapos, nagtaka ako kung bakit biglang dumilim yung view mula likod. Napaisip ako kung saan kaya napunta yung sumusunod na sasakyan sa kotse ko. Wala naman ako napansin na gumilid at wala rin namang mahihintuan sa shoulder.

Tuloy lang sa drive. Chill lang. Kanta lang ng shake it off. Nasa overtaking lane ako. Nung lumiwanag yung harap kasi may nakasalubong akong sasakyan mula sa kabilang lane (north bound), nakita ko sa rear view mirrow na may nakaupo pala sa likod na mataas na hooded figure. Kulay itim yung nilalang tapos kulay gray naman yung hood nya. Kaya pala umitim yung tingin ko sa likod kasi natakpan nung hooded figure ang view ko. 😱😱😱 Hindi pala nawala yung sasakyan na kasunod ko mula sa likod. Several seconds syang andun hahahaha. Kalma lang din. Kanta pa rin ng shake it off. Nawala din sya bago ako nakarating ng San Fernando exit. Ano kaya yung hooded figure na yun? May naka encounter na ba ng ganun sa inyo?

Huminto ulit ako sa Caltex after ng San Fernando exit. Nagpakalma. Nagdasal. Nagspray ulit ng holy water sa likod at buong kotse. Nakauwi rin ako ng ligtas awa ng Diyos.

Yan po muna nlex mexico story ko.

Salamat sa pagbasa.

-Tsunade




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon