Taong Itim/Batang Babae

24 1 0
                                    

Taong Itim/Batang Babae

Year 2003 naghahanap kami ng mauupahang bahay..luckily nakahanap kami somewhere in QC. Pinagsamang old/new ang model ng bahay 2 storey 2br 1 cr at may isang maliit na kwarto, may bakod half sa gilid may garden at may gate pero sa likod ay see through bakod. So lumipat na kami at nakapagligpit na ng mga gamit. Sa isang maliit na kwarto ay may mga naiwan na kahon ng sapatos at ang isang kahon ay may laman na sapatos ng isang batang babae. So ginawa ko itinapon ko na lang. By the way nabakante ang bahay ng mga ilang buwan bago namin nalipatan. May tatlo ako anak at mga nasa grade school.  Nagtataka ako bakit lahat sila ay pinakitaan ng batang babae na umaakyat daw sa hagdan. At may times na nakakarinig sila ng mga nababasag na mga gamit sa kusina sa ibaba sa disoras ng gabi. May isang pangyayari na nag sleep walk ang isang anak ko. Eto pa isang gabi nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ng asawa ko at nagkasagutan kaming dalawa kaya lumabas muna sa garahe at umupo sa sasakyan sakto pagupo nya ang harapan pala ng bahay namin ay bakanteng lote pa at may mga tanim na saging,nakita ng dalawang mata ng asawa ko na may nakatayong taong itim sa pader ng kabilang bahay kaya inilawan nya ang sasakyan namin pero nawala,nagtataka din kami kasi tuwing mag alas siyete y media hanggang alas otso ng gabi ay tumatahol ang alaga naming aso na german shepherd na nakakulong sa may garden na nakaharap sa bakanteng lote.  Nagulat na lang kami isang umaga wala na ang alaga naming aso. Natutulog ang asawa ko sa sofa at nakakarinig din din sya ng mga batang naglalaro malapit sa pinto namin at naalimpungatan kaya sinigawan nya kasi disoras na nga ng gabi pero paggising nya wala naman. Ako personally di naman natatakot kahit naglalaba ako sa gabi yun lang nagtataka ako bakit may sign ng krus malapit sa likod bahay namin. At minsan nakatulog ako sa sofa na nakabukas yung tv at nalipat ng ibang channel. Nagkaroon ng mga kaibigan ang anak ko at naikwento sa kanya na mabuti daw at hindi kami natatakot sa bahay kasi may nakikita daw sila kakaiba sa bahay namin like parang tao na nakatayo sa bintana ng bahay namin. Yun lang!



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon