To Miss J, from Father G

11.1K 139 4
                                    

Nakabasa ako ng istorya dito sa UST Files tungkol sa magbf-gf na pari at wedding coordinator noon. Naalala ko tuloy tayo.

Simula pagkabata, magkaibigan na tayo. Pinagpapasalamat ko sa Diyos na naging magkapitbahay tayo. Nung nasa highschool na tayo J, humiling ako sa Kanya. Sabi ko, Lord, please ipagkaloob Niyo po siya sakin. Mahal ko po siya pero di ko masabi. Sabi ko pa kay Lord, last na wish ko na yun sa buong buhay ko.

Kahit hindi tayo magkasection, madalas pa din tayong magkasama. Pero aaminin kong nagseselos ako sa iba. Nung malapit na tayong magkolehiyo, umamin din ako sa wakas. Dare ng tropa eh. Pero sabi mo wala kang nararamdaman para sakin. Sa isip ko bakit ganon? Yung last wish ko kay Lord, di Niya pinagkaloob.

Nagkahiwalay na tayo nung tumungtong tayo sa college. Magkaiba ng kurso, tapos di mo na ako pinapansin. Pero nung graduating tayo, niyaya mo ko sa Jollibee satin. Nagsorry ka tapos humingi ka ng isa pang chance.

Pero sa pagkakataon na yon, ako naman ang lalayo. Dahil ang hindi mo alam noong mga panahon na yun, magpapari na ako pagkagraduate. Hindi ko sinabi sayo dahil gusto rin naman kitang makasama bago ako pumasok sa seminaryo. Nagalit ka sakin nung nalaman mo galing kay Tita ****, sabi mo ang selfish ko kasi di ko man lang binanggit sayo na magpapari na ako. Na pinaasa lang kita. Na akala mo magiging tayo na. Di na tayo nagkausap at nagkita simula noon, hanggang sa pumasok na ako't lahat-lahat.

Desidido naman ako sa pagpapari ko. Basta isang araw nalang, nafeel ko yung pagtawag Niya. Intense feeling to be with His presence, mapa-mass man tuwing Sunday or sa evening prayers bago matulog. Pati sa prayers bago magklase. Pero paminsan minsan, naaalala ko tayo. Pinangako ko sa sarili ko noon na ikaw na talaga ang babaeng pakakasalan ko. Pero nangyari ang mga nangyari, at eto na tayo ngayon. May mga moments na gusto kong lumabas para sayo, pero sa ngayon pinaninindigan ko ang seminaryo.

Pasensya na kung mahaba ito. Maraming bagay akong hindi nasabi sayo noong mga bata pa tayo. Sabi sakin ng nanay mo, bakit daw ako tumuloy sa pagpapari eh ako naman daw ang gusto mo noong mga bata palang tayo. Sinumbatan kita sa isip ko nung nalaman ko yun. Bakit di mo sinabi? Bakit nung nagtapat ako sayo, tinanggihan mo ako? Hindi ko na malalaman ang mga sagot sa tanong na yan. Pero sana masaya ka sa medschool. Magcacardio ka daw sabi ng nanay mo ah. Basta lagi kang kasama sa mga panalangin ko.

Hindi ko ito makwento sa mga kapwa ko seminarista pati sa spiritual director namin. Naguguluhan pa din ako paminsan minsan. Pero kung mabasa niyo man ito, sana ay naiintindihan niyo ako. Alam kong kailangan ko tong idiscern ng maigi. Sana nga at matagpuaan ko ang will ni God for me. For us.

J, kapag handa ka ng kausapin ako, pwede mo akong sulatan. Bigay mo lang kay nanay. Pasensya na sa lahat-lahat. At salamat.

Father (?) G. 
2011 
Faculty of Canon Law

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon