Simula nung july 2 hanggang ngayon hinahanap ko parin yong babaeng nakausap ko sa lovers lane. Naka ilang search na ako sa facebook pero ang common ng KC. Ang daming KC. Kaya dito sa UST FILES na lang ako magbabakasakali. Sana mapost to, mababaliw na ako kakahanap sayo, ""Princess KC""
Uwian na non nung naisipan kong mag muni muni muna sa lovers lane. Habang naglalakad ako, may narinig akong humihikbi. At nong hinanap ko, may nakita akong babaeng nakaupo at nakatakip yong kamay niya sa kaniyang mukha. Lalapitan ko na sana nong bigla niyang inangat yong kanyang ulo, at nung nakita ko siya, naramdaman ko na tong babaeng to yung tipo ng babaeng inaalagaan, sineseryoso, at pinaghihirapan. Nakita niya ako, kaya agad agad siyang tumayo na parang nahihiyang dapat hindi ko siya nakita. Bago pa man siya makalayo, hinabol ko na siya. At oo, naabutan ko.
Ako: Miss ok ka lang?
Siya: *tumigil siya at nakatingin lang sa ibaba*
Ako: Kung kailangan mo ng kausap, o paglalabasan ng nararamdaman, nandito ako. Hindi tayo magkakilala kaya mas malalabas mo yung nararamdaman mo
*pagkasabi ko non, bigla siyang tumingin sa akin at yinakap niya ako ng mahigpit, umiyak*Wala siyang imik, wala siyang ginawa kung hindi, umiyak lang. Yinaya ko siyang umupo sa mga damo. At pagkaupo namin, bigla niyang sinabi sa akin yung mga salitang ""Iniwan niya na ako""
Doon ko naramdaman yong sakit ng pinagdadaanan niya, doon ko nakita kung gaano niya kamahal yung taong iniiyakan niya. Doon ko naramdaman na siya yong tipo ng babae na kailanman, hinding hindi mo dapat saktan. Yung pagiging mahina niya ng mga panahong yon, naramdaman ko na ang sarap niyang alagaan.
Pagkatapos niyang sabihin yung mga salitang yon, bigla ko siyang niyakap, at yumakap siya pabalik. Bumitaw siya at tumitingin sa akin, ngumiti at nagpasalamat. Sabi niya, nandiyan na daw yong sundo niya, nagpunta lang daw siya sa UST para ilakad yong pagiging dual citizen niya para daw maexempt na siya sa pagkuha niya ng NSTP. Sabi ko ihahatid ko na siya sa sundo niya, at sabi niya kaya na daw niya. Pero nagpumilit ako, at pumayag rin siya.
Pagkahatid ko sa kaniya, mas namangha ako sa mundo niya. Alam ko na driver lang niya yon pero parang tatay niya na kung tratuhin niya, pinakilala niya ako at naramdaman ko kung gaano siya kalapit sa mga tao sa paligid niya. At narinig ko yong tawag sa kaniya nong driver niya, ""Princess KC""
Bago pa man siya sumakay, nagpaalam siya sa akin at bigla niya akong yinakap. Iba. Iba yong pakiramdam. Sa totoo lang, nung panahong yon, nahulog yong loob ko sa kaniya. Ang bilis, pero alam kong totoo. Nagpakilala ako, sinabi ko yong buong pangalan ko. Pero siya, ang sinabi lang niya, siya si KC. At sumakay na siya sa sasakyan nila.
Para kay KC, hindi ko alam kung bakit ganito yong nararamdaman ko. Simula pa kanina, hindi ka na natanggal sa isip ko. Unang beses kong maramdaman to, unang beses kong mahulog yung loob ng ganito kabilis, at hindi ko alam kung anong meron ka at naakit mo yung puso ko ng ganito ganito lang. Ang ganda mo, ang ganda ng mga labi mo, ang pungay ng mga mata mo, ang cute ng pisngi mo, pero alam kong mayroong higit pa sa pisikal na anyo mo kaya ang bilis mo akong nabihag ng ganito. Hindi kita kilala pero naramdaman ko yung pangangailangang dapat kitang alagaan. At gusto kitang alagaan. KC, kalimutan mo na siya. Hindi siya karapat dapat para sa pagmamahal mo. Sana isang araw, makilala pa kita ng lubusan, gusto kong malaman yong bawat detalye ng buhay mo, gusto kong malaman yung mga tungkol sayo, maliban sa ikaw si KC. Umaasa ako na hindi lang tayo dito magtatapos. Sana makita ulit kita. Kapag nangyari yon, handa akong paghirapan ka, at hinding hindi kita sasaktan at hinding hindi ka na pakakawalan pa..
Prinsipe mo
2017
Engineering
BINABASA MO ANG
Kwentong Kolehiyo
Документальная прозаThese are stories compiled from our Facebook page, "The UST Files". Like our page! fb.com/USTFiles