Just Friends

3.7K 28 1
                                    

Para siyang isang mantsa sa isipan ko na hindi maalis alis. Kahit na sabihin ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang, gusto ko pa rin siya. Lagi ko siyang naiisip. Kahit alam kong friendzoned ako, hindi ko siya tinanggal sa isipan ko. Dahil she's the only one that really makes me happy. Itatago ko na lang siya sa pangalang Andy.


We're really good friends now. Araw-araw na kaming nag-uusap since nung nakilala ko siya. Kumbaga kung consistency of communication ang pinag-uusapan, KAMI NA. Pero I know, there will never be an ""US"". Mag-uusap kami mula umaga hanggang gabi. At madalas pa, hanggang madaling araw. Mga zombie. At dahil dun, obviously, talagang maa-attach ako sa kanya. At sasabihin ko na, sobrang special siya sa akin, more than just a best friend. Pero yun na nga ang problema, I know that she doesn't feel the same way to me.


Gusto kong sabihin sa kanya na gusto ko siya pero natatakot ako sa mga dahilang, baka ma-reject ako, baka di niya din ako gusto at higit sa lahat baka mawala at maglaho bigla yung friendship namin. Yung iniisip ko na paano if may boyfriend na siya, kakayanin ko ba. Paano kung may nanliligaw sa kanya, should I act as a supporting friend or a possessive one? Yung nagseselos ako kapag pag-uusapan namin ay mga crush niya, yung nasasaktan ako pero wala namang karapatan dahil walang "kami". Gustong gusto ko siya pero wala akong magawa. Walang magawa dahil isang maling move, FWOOOSH!


Mawawala lahat ng pinagsamahan namin. So I decided it has to stay like this. I have accepted the fact na hanggang dito lang talaga. I have to stay strong. I really have no regrets of loving her. Sabi nga nila, the less you expect, the less you get hurt. I'm now setting my feeling for her, free. I'll accept no matter what decisions she'll make in her love life. I just want her to know that, "It's my pleasure for my heart to be broken by her." Like what Gus said to Hazel in the movie, "The Fault In Our Stars". Ito na yung sinasabing, "Hindi naman naging kayo, pero kailangan pa rin magmove-on. It's over now. You're free.

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon