One Night Only

24.8K 384 24
                                    

Di ko alam kung bakit pero lagi akong napaglalaruan. Sa lahat ng naging karelasyon ko, ako lagi ang naiiwanan. Binibigay ko naman lahat, ginagawa ko din lahat para lang magwork yung relasyon pero wala talaga.

I met this girl sa LRT. Tinignan ko agad ID niya para malaman ko anong name. Tapos ayun, inadd ko sa fb. Inaccept niya ko at nagkausap. Simula non, lagi ko nang tinitignan profile niya. Gusto ko hingin number niya kaso nahihiya at natatakot na ko. Tapos, nakasalubong ko siya sa lovers lane. Mag-isa lang ako nun (Well, most of the time mag-isa akong tumatambay sa lovers lane). So, nilapitan niya ko. Nagkausap kami at nagkuhaan ng number. So, kilig na ko that time at parang nafafall na ko. Ininvite ko siya lumabas kasi nagkaroon ako ng lakas ng loob. Total, medyo matagal na din naman kaming nagkakausap. Pumayag siya. Pumunta kami sa MoA, nanuod ng sine, kumain at tumambay sa sea side. Sobrang ganda niya nung gabi na yun. Napapangiti nalang ako pag nakikita ko siya. Tapos, out of the blue, natanong niya sa akin, "Alam mo yung feeling na nag-away kayo ng mahal mo?". Nagulat ako. Sabi ko, "what do you mean?"...... Dun ko nalaman na taken pala siya. At kaya siya pumayag lumabas kami kasi cool off sila ng boyfriend niya.. So ayun, asa boy nanamana ko. Di man naging kami, nasaktan man ako ulit, at least nung isang gabi na yun, ramdam ko kung pano mainlove ulit. At sana, di na ko mainlove ulit... 

Boy Sawi
2012 
College of Tourism and Hospitality Management

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon