Be the Best

4.7K 94 2
                                    

Hi. I am an alumnus of UST. Sabi nila sa "real-world" o paghahanap ng trabaho, hindi daw importante ang academic standing, ang grades, at intellectual capabilities mo. I held on to that for 4 years of studying at UST. Matalino ako elementary palang I was at the top 10 of the class at Salutatorian naman nung high school. Pero dahil sa kasabihan na yan, nawala yung gana ko sa pag-aaral at pagiging competitive. I've become a mediocre. Nag-aaral lang ako the night before exams at di ako masyadong nag-eeffort sa mga subjects ko. Akala ko sapat na yung grumaduate ka sa one of the top 4 universities. Pero mali pala. Nahirapan akong humanap ng work kasi wala masyadong laman yung resume ko. Kung iccompare mo sya sa resume ng isang active student o sa may latin honors, kahit ako hindi ko iinterviewhin sarili ko. When I got a chance na mag-exam for companies, hindi rin ako pumapasa. I feel so dumb kasi kahit nakagraduate ako sa magandang school, walang kumukuha sakin. Dun ko narealize na you should not belive in those sayings. KUNG KAYA MONG GALINGAN FIRST YEAR PALANG, GALINGAN MO NA SA PAG-AARAL. BE THE BEST! Ang pagkakaroon ng latin honors ay malaking advantage kasi priority ka ng employers. Well, it may not define you as a person, pero as a student it means that you did your best during your college days. Ngayon employed na ako pero naiisip ko pa rin na sana nasa mas magandang posisyon ako ngayon kung inayos ko lang pag-aaral ko. Kasi kaya ko naman eh, tinamad lang ako. Kaya do not waste time. Eh ano kung active masyado? Eh ano kung grade conscious? Okay lang yun atleast you do not waste your parents money.


P.S.Nakakapagsisi kasi boss ko ngayon yung kaklase kong Magna Cum Laude eh pareho lang naman kami ng pinag-aralan.




Mr. Lazy Guy

2007

Faculty of Arts and Letters

Kwentong KolehiyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon